CHAPTER 7: His Wish

225 15 0
                                    

CHAPTER 7
 

DALFON's POV
 

We're here in the cemetery. Kanina lang natapos ang paglibing sa boyfriend ni Eli pero nandito pa rin kami kasi hinihintay pa namin siya, ayaw niya pa kasing umalis eh. Nasa tabi naman niya ang kaibigang si Gab.

She's not crying unlike those people na nakikita ko sa burol. Tulala lang siya at parang wala sa sarili. Sa tingin ko, sobra siyang naghihinagpis sa pagkawala ng lalakeng mahal niya. Kahit siguro ako eh ganyan din pag namatayan ako.
 
Ilang araw na ang lumipas simula no'ng namatay ang lalakeng mahal niya pero tulala pa rin siya, parang hindi pa rin nag sink-in sa kanya ang nangyari pero nahuhuli ko siya minsan na umiiyak ng mag-isa, pity on her.

"Nakakaawa siya, hindi ba?" tanong ko sa katabi ko pero hindi niya ako sinagot. Hindi niya siguro alam na siya ang kinakausap ko.
 
"Bakit hindi ka pa umaalis?" tanong ko na naman kaya gulat siyang napatingin sa'kin.
 
Tiningnan ko rin siya pagkatapos ay ibinalik ang tingin kay Eli na ngayon ay pasimpleng pinunasan ang mga luha.
 
"A-ako ba ang kausap mo?" taka niyang tanong.

Sino pa ba? Eh siya lang naman ang kasama ko dito. Besides, Tyson left for a moment after receiving a message from the other royalties.

"Oo, ikaw nga" sagot ko.
  
"B-bakit mo ako nakikita?" tanong ni Adrian.

Oo, si Adrian. Nandito pa rin siya at hindi pa umaalis. Like Eli, ayaw pa niyang iwanan ang babaeng mahal niya.
 
"That's my ability. Hindi ako katulad ng mga mortal at may sarili kaming mundo. May mga kapangyarihan kami na mahirap paniwalaan ng mga tao" sagot ko naman.

Bakas ang pagkagulat sa kanya at di makapaniwalang tiningnan ako pero mabilis din naman siyang napaayos ng tayo. Malungkot niyang tiningnan ang babaeng kanina pa nakaupo malapit sa pinaglibingan sa kanya.
  
"Ayoko pa siyang iwan. Gusto ko sana na saka na ako aalis pag okay na siya, p-pag may tao ng magmamahal sa kanya at mag-aalaga" sabi niya.

Napasandal naman ako sa punong malapit sa'kin pagkatapos ay mataman siyang tiningnan. He really loves Eli pero hindi siya pwedeng manatili sa mundong ito, hindi na ito para sa kanya.

"Hindi mo na hawak ang panahon. Kapag nanatili ka dito sa mundo, magiging masama kang kaluluwa at kapag nangyari 'yon ay huhulihin kita, 'yon ang misyon ko" sabi ko pa.

Medyo marami ang mga taong bumibisita sa iba't-ibang mga puntod dito pero wala silang kaalam-alam na may mga katabi silang kaluluwa.

Kapag dinadalaw ang mga puntod nila, lumilitaw sila para masilayan din ang mga taong mahal nila kaya nga mas gusto nilang manatili dito eh.

"Masakit para sa'kin ang iwan siya. *sighed* k-kung may magagawa lang ako para mawala ang lungkot niya, g-gagawin ko" 

Kung tutuusin ay may maitutulong din siya sa misyon ko. Kapag naging masama siyang kaluluwa, ibig sabihin ay may maidadagdag na naman ako sa mga mahuhuli ko.

Pero kapag nakikita ko si Eli, mas gugustuhin ko pang tulungan ang nobyo niyang makatawid na sa kabilang-buhay.

Hays.

Iba talaga kapag nagmamahal ang isang tao. Hindi na nila iniisip ang mga sarili nila, mas inuuna pa nila ang kapakanan ng taong mahal nila.

Just like Adrian.

"Matutulungan kita d'yan sa problema mo. May alam akong paraan pero hindi ko alam kung gugustuhin mo 'yon" sabi ko na ikinalingon naman niya.

"A-ano 'yon?"

"Kung gusto mong mawala ang lungkot niya, dapat mawala ka muna sa puso't isip niya" sagot ko naman.

'Yon lang ang paraang naisip ko. Kung gusto niya talagang maging masaya ang taong mahal niya, dapat magsakripisyo siya para rito.

THE INCREDIBLE SAVIOR (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon