CHAPTER 13
•ZABBY's POV•"Zabby!"
"Yow pareng Dracs! Hi Zabby"
"Hey guys, why are you here?" tanong ko sa mga kaibigan nila Draco.
"To cheer for you?" patanong na sagot ni Aeria na ikinangiti ko.
Nasa school na kami para sa Palaro2020. Oo, ngayon na nga 'yon at sobrang kinakabahan ako. Paano na lang kung hindi ko kakayanin? B-baka matalo ako huhu.
Dalawang araw lang ang practice namin ni Harry at tatlong araw naman kasama ang team ko. As a team captain, malaki ang role ko."Don't be nervous, it's just a normal competition" pampalubag-loob sa akin ni Draco.
"Oo, s-salamat hehe"
Nasa Quadrangle na kami. Malaki ito kaya pwedeng maka-occupy ng iba pang sports like badminton and sepak takraw.
"Andromeda! Tinawag na tayo ni Sir for attendance, hali'ka na" tawag sa'kin ng ka-team ko.
"Oo, susunod ako" sigaw ko pabalik.
"Guys? I need to go. Draco, ikaw na bahala sa mga kaibigan mo. Harry, I think I need you there" sabi ko naman sa mga kasama ko. Hindi naman umimik si Harry at nauna ng maglakad sa'kin. Kailangan siya ro'n kasi tatanungin kami ni Sir kung sino ang coach.
"Good luck" sambit ni Gale pero nginitian ko lang siya. She's kind din naman pala, akala ko talaga salbahe siya.
Pagkarating namin sa kinaroroonan ng ka-team ko, nagsimula na kaming mag-usap tungkol sa mga strategy'ng gagamitin. Mga athletes din ang kalaban namin na bihasang-bihasa sa larong ito.
Kailangang manalo kami dahil manunuod ngayon si mommy. Sinundo na nga siya ni Ga-------- oh here they are.
"Zabby-ghOrl!" tawag ng isang pamilyar na boses---si Gabby.
"Mommy! You're here" magiliw kong salubong sa kanila. Pagkalapit niya ay agad ko siyang niyakap, she's very supportive. I love her so much.
"Ayy grabe ka naman ghOrl, deadma mo na ako ngayon ha. Awts! Mah heart" arte ni Gab habang nakahawak pa sa dibdib na ikinatawa namin, pffft.
"Sus! Tumigil ka nga, hindi bagay sa'yo" sabi ko pa, umismid naman ang loko.
"Anak, good luck ha? Proud na proud ang mommy sa'yo. Oh ano? Do'n na muna kami at para makapag-concentrate ka na rin d'yan" sabi ni mom at inayos ang buhok ko.
"Okay po"
Bumalik na rin ako sa pakikinig. Maraming sinasabi ang coach na kinuha ng ka-team ko habang tahimik namang nakatayo sa gilid si Harry, he's listening. In-obserbahan ko rin ang kabilang team, mababakas mo talaga ang galing nila.
"Okay! Is everyone ready?" rinig naming tanong ni Sir, he's holding a microphone on the right hand and a list on his left hand."Yeeeeees!" we shouted in unison.
"Good. Ang unang maglalaro ay ang Team A at Team C!" sabi niya. Team B kami and maybe kami ang susunod na maglalaro.Agad namang nag-formation ang bawat team. They're serious and very eager to win the match. Unang nag-serve ang Team A pagkapito ni Sir at sobrang solid no'n. Maybe I could find any loopholes sa bawat team, sana.
"Hey, can I talk to you?"Agad akong napalingon kay Harry sa biglaang pag-imik niya. Kahit sobrang ingay ng paligid dahil sa mga cheers ng audience ay narinig ko pa rin ang boses niya.
"B-bakit?" taka kong tanong, himala umimik. Imbis na sagutin ako ay tumalikod lang siya at nagsimulang maglakad kaya wala akong choice kundi sumunod.
BINABASA MO ANG
THE INCREDIBLE SAVIOR (Completed)
FantasyBook 2 of The Chosen Heiress (Unedited) ~ The princes and princesses of Lux Kingdom have a mission to accomplish in the world of mortals. Each of them has a different mission to be accomplished in order to finish their training and will receive an u...