CHAPTER 6
•ZABBY's POV•
Nandito na ako sa park na madalas naming puntahan ni Lloyd. Dito kami namamasyal kapag may oras kami sa isa't-isa.
Actually hindi pa tapos ang klase namin. Nagpaalam lang ako mismo sa Head ng school at no'ng nalaman nila ang dahilan, pumayag na rin sila.
Syempre, anak si Lloyd ng may-ari nitong school kaya basta tungkol sa kanya, wala na silang magagawa kundi ang pumayag.
Bakit kaya ngayon niya kami gustong magkita? Importante ba talaga ang sasabihin niya?
Nasaan kaya siya? Siguro nando'n siya sa favorite spot namin. Agad akong pumunta do'n at naabutan ko nga siyang nakaupong mag-isa.
Bakit parang balot na balot siya? Eh tanghaling tapat naman. Anong klaseng trip 'yan?
"Ehem!" rinig kong tikhim niya.
"Adrian?" tawag-pansin ko kaya napalingon siya. Napansin ko ang kakaibang awra niya ngayon, parang may bahid ng lungkot at sakit .Lumapit naman ako at umupo malapit sa kanya. Kapag naiisip ko ang nakita ko do'n sa resto, di ko maiwasang di masaktan.
"E-eya, nandito ka na pala. *sighed* madalas nila akong tinatawag ng 'Adrian' pero hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako kapag ikaw ang tumawag sa'kin ng gano'n" malungkot niyang sabi.
Pinilit ko ang sarili kong maging matatag sa harap niya ngayon. Ayokong makita niyang nasasaktan ako sa mga sinasabi niya.
Kung maaari ay ayokong umiyak, pagod na ako do'n."B-bakit mo ba ako gustong makausap?" tanong ko.
"Gusto ko lang...magpaliwanag sa'yo. G-gusto kong sabihin sa'yo ang lahat, a-ang totoo"
Ang totoo? Anong totoo? Na niloko niya ako at may iba na siya?
Aaaargh! Ano ba naman 'yan, wag kang iiyak Zabby! Wag, maawa ka sa sarili mo huhu.
"Anong totoo? Adrian, nagsinungaling ka na sa'kin kaya hindi ko na alam kung maniniwala pa ako sa lahat ng sasabihin mo" matigas kong sabi.Nakita kong napayuko siya at bumuntong-hininga kaya umiwas ako ng tingin. Kahit anong gawin kong pagtago sa totoo kong nararamdaman, nahihirapan pa din ako.
"B-bakit Adrian ka na nang Adrian sa'kin ngayon?" tanong niya at hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero may nababakas akong sakit sa mga mata niya."Wala. A-ayoko ng tawagin kang Lloyd dahil...d-dahil nasasaktan ako" pag-amin ko.
"Naiintindihan ko ang nararamdaman mo pero sana hayaan mo akong makapagpaliwanag sa'yo"
Hindi na ako umimik pa at nakinig na lang. Wala na ding saysay kung aayaw pa ako, nandito na ako eh.
"Totoo ang reunion at totoong nakarating na ako do'n sa Cebu pero bumalik ako dito sa'tin dahil nakatanggap ako ng tawag mula sa isang importanteng tao" panimula niya.
S-sino naman kaya 'yon? Hindi kaya 'yon 'yong babaeng nakita kong kasama niya sa resto?
Sanaol importanteng tao, hays."E-eya, m-may sakit ako" sabi niya na talagang ikinagulat ko.
Anong sabi niya? Nagbibiro ba siya? Ha, anong palabas na naman ba 'to?
"Kung magbibiro ka, pwede 'yong nakakatawa naman?" inis kong sabi. Grabe! 'Yon pa talaga ang naisip niya. Anong kalokohan 'yon?"A-alam kong hindi ka maniniwala pero sasabihin ko pa rin sa'yo na totoong maysakit ako. Congenital heart disease, bata pa lang ako no'ng nalaman ko 'yan. H-hindi ko sinabi sa'yo ang tungkol do'n dahil ayokong mag-alala ka sa'kin, ayokong kaawaan mo'ko"
Hindi ako makagalaw ni hindi ako makapagsalita sa nalaman ko. H-hindi ko alam kung maniniwala ako dahil hindi ko naman nahahalatang may sakit siya!
"Lagi kaming...n-nag-aaway ng papa dahil ayokong magpagamot. Alam mong takot ako sa Hospital, h-hindi dahil sa multo kundi dahil do'n ko mismong nakita ang p-pagkamatay ng mama. K-kapag nakakakita ako ng Hospital, naaalala ko siya"
BINABASA MO ANG
THE INCREDIBLE SAVIOR (Completed)
FantasyBook 2 of The Chosen Heiress (Unedited) ~ The princes and princesses of Lux Kingdom have a mission to accomplish in the world of mortals. Each of them has a different mission to be accomplished in order to finish their training and will receive an u...