CHAPTER 22
•ZABBY's POV•
It's been weeks since nasaksihan ko ang pangyayaring 'yon pero fresh pa rin sa utak ko ang lahat. Lagi na nga akong nananaginip na nando'n daw ako sa ibang mundo at may kapangyarihan pero ang weird lang kasi bad girl ako ro'n.
Oo, pangarap ko talaga ang magic-magic na 'yan pero ni minsan hindi ko naman pinangarap na ako 'yong villain noh—'buti na lang sa panaginip lang ako bad girl.
Kinompronta ko na rin si Gabby tungkol sa nalaman niya at todo sorry naman ang bakla kesyo ayaw niya raw maging bayag kaya niya nagawang magtago sa akin. Hindi naman ako nagalit dahil mas natawa pa nga ako sa itsura niya.
Pero this time...
Ako na naman ang magtatago. Hindi ko kasi sinabi sa kanya na pupunta kami ng Hongkong mamaya para sa BE concert ng BTS huehue.
Oo, mamaya na 'yon at sobrang excited na ako!
Syempre, nagpaalam naman ako kay mommy pero no'ng una, hindi siya pumayag. Ayaw niya kasing lalabas ako ng bansa nang hindi siya kasama.
Pero 'di nagtagal, naawa ata sa'kin kaya pinayagan na rin niya ako. Iiyak na kasi sana ako...pangarap ko 'yon eh.Sinamahan ko pa nga siyang mamalengke for this week para payagan niya ako. Sinabi ko naman sa kanya na babalik din ako agad—teleportation ang gagamitin ni Harry kaya mabilis.
Hindi ko pa na-try pero kinakabahan ako...baka maiwan ako eh o 'di kaya mapunta sa ibang dimension.
"Anak, may naghahanap sa'yo" sigaw ni mommy mula sa sala. Dali-dali naman akong bumaba.
"Sino raw po?" tanong ko.
"Storm daw"
Storm?
Bakit kaya dumalaw ang bagyo sa'kin?
Pagkakita ko sa taong pinapasok ni mommy ay napangiti ako—si Harry pala.
"Oh Harry, naparito ka?" salubong ko sa kanya. Mamaya pa naman ang concert pero ang aga niya.
"Fetching you up" kaswal niyang sagot...napatingin naman si mommy sa aming dalawa."Ah mom, si Harry po...kaklase ko" pakilala ko sa kanya.
"Ikaw ba ang makakasama ng anak ko ro'n?" tanong niya at pinasadahan ng tingin si Harry.
"Yes po, tita. Don't worry po, marami naman po kami"
Masyado atang magalang si Harry ngayon. Bagay na bagay rin sa kanya ang suot niyang pang-airport look tulad ng kay V. Napangiti tuloy ako ng wala sa oras hihi.
"Storm, ilang taon kong iningatan 'yang anak ko kaya ingatan mo rin siya at 'wag sanang pabayaan" paalala ni mommy.
"Opo, tita. Don't worry po, I'll bring her back, safe and sound"
My lips curved into a smile upon hearing my mom's words. Mahal na mahal niya talaga ako kaya kahit minsan matigas ang ulo ko, pinagpasensyahan niya pa rin ako.
I love her too, for the rest of my life.
Kaya nga ginagawa ko ang best ko sa school and everything para sa kanya eh, para masuklian ko man lang ang paghihirap niya. She deserves good things despite of what happened to our family.
"0h? Ano pang tinutunganga mo r'yan? Magbihis ka na't hinihintay ka na ng kasama mo" untag niya sa'kin. Harry chuckled kaya nag-init ang pisngi ko.
Baka akalain nito, nag-daydreaming ako.
I went back to my room at nagbihis. Out of my excitement, kagabi pa lang ay hinanda ko na ang lahat ng kakailanganin ko sa trip.
I packed everything, from albums to light stick. Fan girl na fan girl ang dating ko noh? First time 'to eh.
Capelet dress lang ang isinuot ko partnered with my Chelsea boots. Tapos nag make-up na rin ako pero light lang, ayoko ng heavy make-up eh.
BINABASA MO ANG
THE INCREDIBLE SAVIOR (Completed)
FantasíaBook 2 of The Chosen Heiress (Unedited) ~ The princes and princesses of Lux Kingdom have a mission to accomplish in the world of mortals. Each of them has a different mission to be accomplished in order to finish their training and will receive an u...