CHAPTER 18: A Little Bond

112 8 0
                                    

CHAPTER 18

 
ZABBY's POV

"Waaaaaaaaah!" 

Napatakip na lang ako ng mukha sa sobrang hiya. Napag-alaman ko kasing hindi pala kila Gabby ang private plane na 'yon! Ibinalita nila kani-kanina lang huhu.

"HAHAHAHA okay lang 'yan, 'nak. Wala namang masama kung umiyak ka eh" tawang-tawa na sabi ni mommy kaya mas lalong tinakpan ko ang mukha ko.

Taeeeee! Nakakahiyaaaaaaa.

Tumatawa pa rin si mommy pero 'di nagtagal, iniwan na rin niya ako't pumunta sa kusina. Do'n ko pa tinanggal ang takip sa mukha ko at walang pakundangang tumakbo papuntang kwarto.

Langya! Bakit ba 'yon agad ang reaksyon ko? Ni hindi ko man lang inalam muna kung tama ba ang hinala ko bago ako nag-react. Sayang 'yong luha ko ro'n ah.

Matawagan nga ang baklang 'yon.

Nag-ring ang cellphone niya kaya malamang nakarating na 'yon ng Pilipinas. 'Di nagtagal, sinagot niya rin naman agad.

"Hello?"

"Walang'ya kang bakla ka huhu akala ko ikaw 'yong sakay ro'n sa private plane na nag-crash!" pambungad ko sa kanya.

"Aba'y kasalanan ko bang mali ang akala mo? Naku girl ha, baka gusto mo lang na ako ang ma-tsugi" sagot niya. Maraming tao sa paligid niya for sure, ang ingay kasi.

"Kung 'yon nga ang gusto ko, sana hindi kita inayakan! Bruha ka"

"HAHAHAHA weh? Umiyak ka talaga girl? Nakuuu lab na lab mo'ko ah. 'Wag ka lang ma-fall sa akin at hindi tayo talo HAHAHA" tawa niya sa kabilang linya. Kung nasa harap ko 'to, malamang kanina ko pa 'to kinutungan.

"Tse! Asa ka namang papatol ako sa'yo, masuka ka nga. Nasaan ka ba? Ang pasalubong ko?" pag-iiba ko sa topic.

"May pinuntahan pa ako saglit. Mamayang gabi pa siguro ako makakauwi kaya bukas na lang ang pasalubong mo, okay?"

Saan naman kaya nagpunta ang isang 'to? Ay teka—ang pinapasabi ni Liezannise.

"Okay. Gabby, punta ka raw sa SM at may book signing event si @gaylicious do'n, 3PM" paalala ko sa kanya.

"Ba't mo knows? Follower ka na pala no'n?"

"Hindi ah. Si Liezannise ang nagsabi sa'kin, punta ka?"

"Hindi, busy ako girl eh. Sige na at tinatawag na ako. Byers pangit kong friend" maarte niyang sabi at pinatay na ang tawag. Nanlait pa ang mas pangit HAHAHA. 

Nakahinga na rin ako ng maluwag dahil safe lang pala siya. Siguro nga hindi totoo ang sinasabi ni Wenchie, maybe it was just a product of her imaginations. Ganyan naman ang mga bata, bakit ba ako naniniwala ro'n? Hays, ini-stress ko lang ang sarili ko.

It's 2:50 PM na, maaga pa para matulog. Maybe I should take this time para aliwin naman ang sarili ko. These past few days, medyo occupied na ako ng mga negatives eh.

Agad kong kinuha ang light pink hoodie ko partnered with my white jeans at nagsuot ng light pink shoes. Naka-pony tail ang buhok at may ilang strands na nakalugay, pang-style lang. Pagkatapos ay agad na rin akong bumaba.

Amoy na amoy ko ang niluluto ni mommy, she's at the kitchen. Dating chef si mom no'ng sila pa ni Dad pero no'ng naghiwalay sila, she stopped at inalagaan na lang ako.

"Mommy! Lalabas lang po muna ako saglit" pagpapaalam ko.

"Okay 'nak, ingat ka ha?"

"Opo"

THE INCREDIBLE SAVIOR (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon