CHAPTER 24: DARK

117 9 0
                                    

CHAPTER 24

ZABBY's POV
 

Tumawag sa akin si Harry. Gusto raw niyang makipagkita sa akin for some reasons. At first, nag-aalangan ako kung papayag ba ako o hindi. Later on, I said 'yes'.
  
Nadalaw ko na rin si mommy at hindi pa rin siya gumigising pero alam kong lumalaban siya. It's been weeks simula no'ng araw na 'yon at hindi pa rin dumadalaw si dad.

Hindi ko kasi siya pinayagan.

He has a new family now na dapat niyang pagtuunan ng pansin. Besides, tapos na sila ni mommy.

No'ng araw ko rin nadiskubre na may kakaiba sa akin. May kung anong itim na usok ang lalabas sa kamay ko lalo na 'pag nagagalit ako.

Naisip kong may kapangyarihan din ako tulad nila.

Ngayong alam ko na ang totoong intensyon ng mga kaibigan niya, pwede na akong makipaglaro sa kanila. They're the creator of this game and I am a player, a player who will crush the game they created.

Hindi ako naniniwalang tadhana ang may hawak sa mga pangyayari sa buhay ko. It's them who controlled it. Pinaniwala lang nila akong kasalanan ko ang lahat.

Simpleng damit lang ang isinuot ko. Dating Zabby pa rin ang style ko, parang inosente at mahina. Kaya siguro nagawa nila akong kontrolin dahil sa ugali kong 'yon.

Well, hahayaan ko silang isipin na gano'n nga ako.

Sabi ni Gale, si Dark ay ang god of darkness na ikinulong ng ina niya no'ng nakaraang digmaan sa mundo nila. Ngunit sa 'di inaasahang balita, ang sabi'y muling makakalabas ang god na 'yon sa tulong namin ni Harry.

Ibig sabihin, pwede ko siyang maging kakampi laban sa pamilya at kaibigan niya. Hindi ako sigurado. Pamilya niya 'yon. Malapit sila sa isa't-isa.

Nakarating ako sa playground kung saan kami dati nag-usap. Absent ako ngayon sa school dahil sa nangyari kay mommy. Siguro'y gano'n din siya pero wala na akong pakialam sa dahilan niya. 

"You're here," salubong niya. Ngumiti ako. Tulad ng ginagawa ng dating Zabby.

"Bakit mo nga pala gustong magkita tayo?" tanong ko at naupo sa isang bench na inuupuan namin dati.

"I'm sorry about your mom," he sighed.

Right.

Ayokong isipin na may kinalaman ang pamilya niya sa nangyari kay mom. Pero hindi ko maiwasan. Base sa sinabi ni Gale no'ng araw na 'yon, may kinalaman nga sila.

"Bakit ka nagso-sorry? Hindi mo naman kasalanan 'yon," sagot ko.

"Saka magiging okay rin naman siya."
 
Sana.

"I know you already knew about that forbidden love," panimula niya.

"Yes, I fell for you. Hindi ko sinabi kasi akala ko hindi mo 'ko mamahalin," he added.

"I don't love you," sambit ko. My heart took a leap. Parang alam nitong hindi totoo ang sinabi ng bibig ko.

"I don't believe you,"

Palihim akong umirap. Bakit parang ang laki ng tiwala niyang mahal ko siya? Medyo makapal ang mukha niya sa part na 'yon.

"Bakit naman kita mamahalin? Sino ka ba?" nakatakas-kilay kong tanong.

"Just tell me, you love me!" giit niya.

Napasinghap ako. Grabe, bakit ba sigurado siyang mahal ko siya? Lasing ba 'to?

"Hindi nga kita mahal! Pwede ba? Enough with your dreams. Kailangan ko ng umalis, pupuntahan ko pa si mommy" sabi ko't tumayo na pero bago pa ako nakaalis may sinabi pa siya.

THE INCREDIBLE SAVIOR (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon