EPILOGUE: Life Goes On

419 12 0
                                    

EPILOGUE: 'Till We Meet Again, Mi Amore.

____________________________________
LIEZANNISE POV

“Ate, what happened next?” tanong sa akin ng isang napakacute na bata. I smiled at her then answered, “The world is saved and everything went back to normal. Era's red lotus made Harry came back to life and Aeria's iced flower helped Zabby returned to her normal state. The other royalties went back to their world and fixed everything they need to fix.”

“Wow! Did kuya Harry and ate Zabby get married after that?” tanong ng isa pang bata sa akin.

“Hmmm yes, they did. They're happily married and had children on their own,” nakangiti kong sagot at nagpatuloy sa pagkukwento.

Lumabas kasi saglit ang asawa ko—si Gab. Nag-shift siya ng course dati dahil lagi niya raw maaalala si Zabby kapag ipagpatuloy niya ang course na 'yon. He's now a professional educator—yes, a handsome teacher. Dinalaw ko lang siya rito dahil tapos na rin naman ang mga paperworks ko.

Since lumabas siya, ako na muna ang nagbabantay sa mga estudyante niya and they were so cute like our future children, yay. Ikinuwento ko lang sa kanila iyong bago kong nailimbag na libro—tungkol sa kwento nila Harry at Zabby na pinamagatan kong 'The Incredible Savior'.

After ng klase, sabay kaming pumunta ni Gabby ng cafeteria para sa lunch break. Siya na rin 'yong kumuha ng pagkain namin dahil ayaw niya raw na mapagod ako—baka mapano pa raw ang baby namin. Yes, I'm 7 months pregnant. Hindi ko nga akalaing mabubuntis ako ng isang gwapong bakla na kagaya ni Gab 'e. Swertehan lang talaga, pffft.

“Aray! Bakit mo ba ako itinulak?” Napalingon ako sa isang batang babae na nakaupo sa semento. Hawak-hawak niya ang duguan niyang tuhod. Akmang tatayo ako para tulungan siya nang maunahan ako ng isang batang lalake na akala mo kung sinong model dahil sa suot niyang pang-astigin. He looks like a 4 years old kid pero parang teenager na kung umasta.

“Hey! You shouldn't do that to a girl, that's bad,” sigaw niya sa mga tumulak kay baby girl na agad din namang nagsitakbuhan pagkakita sa kaniya.

“Hey you! Get up on your own. My hands is for my future wife only,” sabi niya at tinalikuran ang batang babae. Napanganga pa ako dahil sa sinabi niya at kalauna'y napatawa na lang ng mahina at agad na pinuntahan si baby girl.

“Hi baby girl, are you okay? Let me help you.”

“Thank you po,” she smiled.

“Who's that kid? Bakit ka iniwan?” tanong ko pa.

“Siya po 'yong anak ng may-ari nitong school. Si Raven Henderson po. Gano'n lang po talaga 'yon,” sagot niya at iniwan ako. Napaisip naman ako dahil parang familiar sa pandinig ko ang pangalan niya. Hindi ko lang alam kung saan ko narinig iyon. Ang astig niya lang at ang cool.

“Hoy girl, anong ginagawa mo riyan? Kakain na tayo.” Napabalik naman ako sa reyalidad dahil sa sigaw ni Gab. Kunot na kunot ang noo at halatang nagugutom na, rawr.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na siya sa trabaho niya. Nagpaalam naman ako sa kaniya na uuwi na ako at ipaghahanda ko siya ng dinner. Kaya ko naman sanang umuwi ng mag-isa kaso ang bakla nagtawag pa ng susundo sa akin. Pero uy, aminin, kinilig ako do'n HAHAHA.

Ilang sandali lang ay nasa bahay na ako. Naabutan ko pa sila manang Beth na may ginagawa sa sala. Inutusan ko lang silang ihanda ang dadalhin namin ni Gab bukas para kay Zabby. Dadalawin namin siya at na-mi-miss ko na rin siya.

Pagkapasok ko sa kwarto ay nahagip ng mata ko ang isang kahon kung saan nakalagay ang mga bagay na nagmula kay Zabby. Napangiti naman ako at dahan-dahang binuksan ito.

THE INCREDIBLE SAVIOR (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon