CHAPTER 20
•ZABBY's POV•
Umagang kayganda pero kaypangit ng mukhang bungad ni Gabby. Hindi ko alam kung bakit nandito ang baklang 'to sa bahay ng ganito kaaga. Mukhang pinagsakluban ng lupa't impyerno sa sobrang pagkabusangot.
"Anyare sa mukha mo? Parang sinabugan ng dinamita sa sobrang sira eh" untag ko sa kanya. Tulala ang peg, parang binangungot ng limang gabi.
"Naka-arrange marriage ako" sambit niya.Wow ano 'to? Pang-wattpad?
"Oh? Tulog pa, panaginip lang 'yan" sabi ko na lang at nagpulbo. Tapos na akong maligo, kanina lang.
"Totoo ang sinasabi ko" seryoso niyang sabi, mukhang problemado."Oh tapos? Anong ginawa mo ro'n?" sakay ko sa trip niya. Naaadik na ata 'to kakapanuod ng telenovela.
"Z-zabby, I'm sorry"Jusko. Ano bang nakain ng baklang 'to? Ang seryoso kasi saka parang binigyan ng sanlibong problema, haggard na haggard.
"Bakit? Ano bang kasalanan mo? Nagnakaw ka sa wallet ko?" joke ko pa pero seryoso pa rin siya. Hala, mukhang may tama nga ang loko.
"M-may sasabihin ako sa'yo" kinakabahan niyang sabi.
"Na ano? Na hindi ka bakla gano'n?" bwelta ko na ikinagulat niya. Don't tell me totoo dahil kung gano'n, sisipain ko talaga siya palabas ng bahay. Tae! Ang dami na niyang nakikita sa'kin.
"Hindi noh! Ano ka ba? Baliw ka talaga!" bulyaw niya. Ako pa talaga ang baliw ha.
"Eh ano? Na gusto mo 'ko?" pang-iinis ko. Umarte naman siyang parang nasusuka, sus ang arte.
"Yuck! Nakakadiri ka talagang babaita ka!" sigaw niya."EH BA'T KA NANINIGAW!?" sigaw ko ring tanong.
Anong akala niya? Siya lang marunong?
"EH NAKAKAINIS KA KASI! MAGSO-SORRY NA NGA 'YONG TAO EH!"
"IKAW NA NGA MAGSO-SORRY, IKAW BA GALIT? SAKA TAO KA PALA?!"
"GAGA KA! HINDI NAMAN AKO GALIT!"
"EH BA'T KA SUMISIGAW?!"
"SUMISIGAW KA RIN NAMAN EH!"
"TUMAHIMIK NA KAYOOOOOO!"
"IKA--------Mom!"
Napatigil ako sa pagsigaw no'ng nakita ko si mommy na nakatayo sa pintuan ng kwarto ko. Mukha na akong tarsier sa laki ng mata dahil sa gulat at gano'n din naman si Gabby pero mas malaki sa kanya hehehe."Ano bang nangyayari at nagsisigawan kayo riyan? Dinig na dinig sa kabilang baranggay ang mga boses ninyo" seryosong tanong niya.
"M-mom, sorry po pero wala naman po 'yon, nag-aasaran lang po kami hehe" paghingi ko ng tawad.
"Elizabeth, baka kung saan hahantong ang asaran ha? Ayokong nag-aaway kayo""Opo mommy"
"May sasabihin ang kaibigan mo, pakinggan mo muna siya okay?"
"Yes mom"
After that, umalis na rin siya. Tiningnan ko si Gabby, bumalik na naman sa pagkabusangot ang itsura niya.
"Ano ba kasing nangyari, bakla?""Nagsinungaling ako sa'yo. Hindi talaga ako tanggap ng parents ko. Ayaw nilang tanggapin na bakla ang anak nila dahil only child nga ako" sagot niya habang nakayuko.
As in? Kaya pala minsan ko lang siyang makita na katawagan ang parents niya. Grabe naman sila huhu."Oh? Anong problema ro'n? Ayaw nila no'n, may lalake na tapos babae pa silang anak. Oh ano? Bakit ka nga pala nila pinapunta ro'n?" tanong ko pa.
"Kinamusta lang ako ni Dad"
BINABASA MO ANG
THE INCREDIBLE SAVIOR (Completed)
FantasíaBook 2 of The Chosen Heiress (Unedited) ~ The princes and princesses of Lux Kingdom have a mission to accomplish in the world of mortals. Each of them has a different mission to be accomplished in order to finish their training and will receive an u...