CHAPTER 27
•GABBY's POV•
"Hoy bruha, hindi ka pa ba tapos diyan?" tanong ko sa bruhildang Liezannise. Pupuntahan pa kasi namin si Zabby sa kanila para personal na ibigay ang invitation para sa kasal namin.
I really never dreamt of being the groom pero sabi nga ni Kuya Kim, ang buhay ay weather-weather lang kaya pumayag na rin ako. Pwede pa rin naman akong maging bakla kahit may asawa akong babae na pwede kong maging karibal sa mga hombreng masusungkit hihi.
Tatanungin ko pa nga 'tong babaitang 'to kung papayag siyang ako na ang magsuot sa bridal gown niya at siya na lang sa tuxedo tutal siya naman itong deads na deads sa akin.
"Girl, ano? Baka lamunin ka na ng mga damit mo r'yan ha," tawag ko ulit. Nagbibihis pa siya dahil galing siyang book signing.
"Oo na, sandali lang. Excited ka bang makita ang kagandahan ko?" sigaw niya sa loob na ikinangiwi ko.
Ansabe ng bruha?
Hindi ko talaga inakala na babae ang nasa likod ng author na pinakahinangaan ko. Akala ko talaga lalake o 'di kaya baklush din, hindi pala. Ang bruhang Liezannise pala! 'Di man lang nagsabi para nakapag-autograph naman ako.
Mabuti na lang at fiancée ko siya ngayon, iinggitin ko sila bwahahahaha."O, mabuti naman at lumabas ka na. Akala ko nilamon ka na ng mga damit mo 'e," pagsusungit ko pagkalabas niya. Floral dress lang sinuot niya pero ang tagal.
Ngumuso lang siya at umangkla sa braso ko. Napairap naman ako dahil sa mukha niya. Kahit maganda siya, mukha pa rin siyang pato kapag ngumunguso.Ano kayang facial wash nito? Makahingi nga minsan.
Wala na kaming sinayang na oras at agad na ring sumakay sa kotse ko. Dumaan pa kami sa isang bakeshop para bumili ng paboritong cake ni Zabby. Offering ko lang sa kanya kasi minsan na lang akong nakakapunta sa kanila dahil sa Liezannise na 'to.
Huling dalaw ko sa kanya no'ng binalita kong pumayag ako sa kasal. 'Yon din ang araw na may binigay siya sa akin. Dahil kasama ko si Liezannise no'n, sinabi ko na rin sa kanya ang tungkol sa magic-magic chuchu.
Tinakot ko pa nga siya na kapag sasabihin niya sa iba ang tungkol do'n, mag-ra-run away bride ako—este groom pala.
Natakot naman ang bruhilda kaya tumahimik HAHAHA.
Ilang sandali lang ay nakarating kami sa bahay ng prenny ko. Tahimik ang buong paligid dahil na rin sa nangyari sa mommy niya. Kami-kami lang ang nakakaalam na wala na ito.
Hays, kawawa talaga ang bff ko.
Pumasok na rin kami. Unang bumungad sa'min ang sala. May nakalagay pang snacks at sa tingin ko'y kagabi pa kinain.
"Zabby-girl?" tawag ko.
"Zabby!"
Nakailang tawag na ako pero wala pa ring sumasagot. Hindi ko naman siya matawagan kaya nga nagpunta kami rito 'e. Nasaan kaya siya? Baka tulog pa?
"Nasaan kaya siya? Baka nasa kwarto niya?" wika ng kasama ko.
Dumiretso kami sa itaas. Nadaanan pa namin ang kwarto ni titabells hanggang sa makarating kami sa kwarto ni Zabby. Ilang beses ko 'yong kinatok pero walang nagbukas.
Seryoso?
Pero napaatras ako nang bigla itong nagbukas ng kusa. Spooky ang dating 'a. Anong trip ng babaitang 'yon?
"Waaaaaaaaaaah!" Napasigaw kaming dalawa ni Zanny dahil sa biglaang pagsulpot ng lalakeng nakaitim. By his looks, masasabi mo talagang hindi siya normal.
BINABASA MO ANG
THE INCREDIBLE SAVIOR (Completed)
FantasíaBook 2 of The Chosen Heiress (Unedited) ~ The princes and princesses of Lux Kingdom have a mission to accomplish in the world of mortals. Each of them has a different mission to be accomplished in order to finish their training and will receive an u...