CHAPTER 30: The Incredible Savior

222 10 3
                                    


ZABBY's POV

“J-just let me go, Harry. You need to live, they need you.”

“B-but I need you!...I—I love you.”

Ilang beses akong napailing sa sinabi niya. Hindi pwede. Hindi kami pwede.   Kahit anong pilit namin, hindi kami nararapat para sa isa't-isa.

“Harry, tingnan mo silang lahat. Hahayaan mo bang mawala sila para lang sa akin? Sa akin na naging dahilan para mangyari ang lahat ng ito?” umiiyak kong tanong. Hindi ko alam kung ano ang mga nagawa ko habang wala ako sa sarili ko. Pero alam kong grabeng pinsala ang inabot nila sa akin.

“No—pero ayaw ko ring mawala ka. You're my life. Paano na ako kapag wala ka? I better die than living without you, Yvonne.”

“Don't be so selfish, Harry. Nakaya mo ngang mabuhay no'n nang wala ako 'e—no'ng wala pa ako sa buhay mo. K-kaya kong isakripisyo ang buhay ko ngayong wala na ang mga magulang ko,” sabi ko sa kaniya. Hawak-hawak ko ang mukha niya at tinitigan. I wanna let him know na gusto kong pagbayaran ang mga kasalanan ko sa kanilang lahat. I ruined everything. I ruined them.

Naging makasarili ako no'ng nakaraan. Kasalanan ko ang nangyari dahil nagpadala ako sa galit ko. Sa galit na walang ibang naging resulta kun'di ang sumira sa akin—sa amin.

Nagsisisi na ako.

“Yvonne,” banggit niya sa pangalan ko. Basang-basa ng luha ang pisngi niya. Gustuhin ko mang punasan iyon pero pinigilan ko ang sarili ko. Mas lalo ko lang siyang masasaktan—pati na ang sarili ko.

Umiwas ako ng tingin. Hanggang sa nakita ko kung paano unti-unting naging abo ang ilang bahagi ng Lux. Nakita ko kung paano nagsibagsakan ang mga nilalang na likha ng mga luxiers. Halos mawala na ang liwanag sa buong mundo.

“Alam mo ba kung bakit ayaw kong mawala ka?” untag niya habang pilit na iniinda ang sakit ng katawan. “—It's because right from the start, I saved you. And I don't wanna let that to be wasted.”

Napatingin ako sa kaniya. Litong-lito ang isip ko sa mga sinabi niya. Parang may kung anong pamilyar akong naramdaman. Kumakabog ng mabilis ang puso ko. Malakas. Parang mabibingi ako sa lakas no'n.

“I saved your life. Naalala mo ba 'yong muntik ka ng masagasaan? Hindi ko alam kung bakit kita iniligtas pero nakita ko na lang ang sarili kong buhat-buhat ka. I saved you during your stupid little accidents. No'ng tumakbo ka para lang magreklamo sa proof mo. No'ng muntik ka ng matamaan ng bola. I saved you. I saved you and I will still save you if I have a chance.”

Unti-unting bumabalik sa alaala ko ang mga pangyayaring binanggit niya. Akala ko noon, si Draco ang savior ko since siya iyong lumapit sa akin no'ng muntik akong matamaan ng bola. Si Draco rin 'yong gumawa ng paraan para makawala ako ro'n sa mga goons sa mall.

Pero mali pala ako. It was Harry and not Draco. Bakit hindi ko man lang napansin? All along, he's giving me clues pero hindi ko man lang pinansin.

“I was so pissed no'ng nahuli ako ng dating sa mall where you were being hostage by that goddamn morons. I regret leaving you that time, I'm sorry. I am your savior so let me save you once again, Yvonne.”

Agad akong napahawak sa kaniya nang mapasigaw na naman siya dahil sa sakit. Hindi ko siya kayang makitang nahihirapan nang dahil sa akin. May paraan pa para matigil 'to pero ayaw niyang gawin ko 'yon. Kahit hirap na hirap na siya.

“No Harry, no. Tingnan mo sila, marami pa silang nangangailangan sa'yo. Kailangan ka ng mundo mo. You saved me countless times, let me save you this time. Alright?”

“Pero ikaw ang mundo ko and I'll do everything to save you—I'm your savior, aren't I?”

Napapikit na lang ako. Pagod na akong makipagpilitan sa kaniya. Masakit sa aking gawin 'to pero kailangan. Mabayaran ko man lang ang lahat ng kasalanan ko sa mundo nila. Makagawa man lang ng tama para sa mga magulang ko—ayokong mawalan ng saysay ang pagkawala nila.

THE INCREDIBLE SAVIOR (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon