CHAPTER 17: Weird

118 7 0
                                    

CHAPTER 17

ZABBY's POV

Friday.

May pasok pa rin.

As usual, nasa school na naman ako. Unlike sa mga nagdaang-araw, wala si Harry ngayon. Si Draco naman ay nagpunta pa ng Head Office at hindi ko alam kung bakit.

Si Gabby naman ay wala rin ngayon dahil tinawagan daw siya ng Daddy niya. Nagpunta siya ng States kung saan nakatira ang parents niya, may mahalaga raw na sasabihin.

Kinabahan pa ako kasi ang weird niya no'ng tinawagan ko siya. Saka pinangaralan ako ni mommy dahil sa pag-cutting classes ko, nalaman niya kasi sa teacher ko.
 

Flashback
   

"Saan ka galing?"

(0_0)

"M-mom!"

Nagulat ako sa biglaang pagsalita ni mommy pagkapasok ko pa lang ng bahay. Seryoso lang siya at mukhang alam na niyang nag-cutting classes ako huhu.

"Saan ka galing? Tinatanong kita, Elizabeth"

Napalunok ako. Nakakatakot talaga magalit ang mommy ko pero alam ko namang nag-alala lang siya sa akin kaya siya ganyan.

"M-may tinulungan lang po ako" nakayuko kong sagot.

"Tinulungan? Required ba na mag-cutting classes para makatulong?"

"H-hindi po. Sorry mom, hindi na po mauulit" paghingi ko ng tawad. Nilapitan niya ako't hinawakan ang kamay ko.

"Anak, hindi naman sa pini-pwersa kitang mag-aral. Hindi naman kita pinaghihigpitan eh.  Ayoko lang na may mangyaring masama sa'yo kaya nagagalit ako kapag saan-saan ka nagpupunta nang hindi ko alam" sabi niya.

"Pwede ka namang magpaalam sa akin at papayagan naman kita. Gusto ko lang masiguro na ligtas ka, okay? Sobrang nag-alala ako no'ng ibinalita sa akin ng teacher mo na wala ka sa klase niya" dagdag pa niya.

Napanguso ako't niyakap siya. Nagi-guilty tuloy ako. Kasalanan kasi talaga 'yon ni Harry eh—pero kasalanan ko rin ata?

THE INCREDIBLE SAVIOR (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon