N/A: Been a simple christmas, but I hope you enjoyed it with your family. Stay safe everyone, God bless.
Nang bandang tanghali ay nagmamadali na akong umalis para naman masamahan ko siya sa pagkain ng tanghalian. Nagpareserve na ako sa isang restaurant kung saan madalas akong kumain.
Pagkapasok ko sa mismong hospital ay kaagad ko na siyang hinanap. Ayoko din naman siyang istorbohin sa tawag dahil baka may pasyente pa siya.
"Good morning, where is Doc Milan?" I asked at nakita kong natulala pa iyong nurse saglit.
"Ahm," May tinignan muna siya. "Sir, Doc Plavina is at the nursery room. Kindly just wait for a while since she had patient earlier. You may sit in the waiting area."
Tumango naman ako sa sinabi niya. Dumiretso na ako sa fourth floor at naghintay sa mismong tapat ng nursery room. Hinintay ko siyang lumabas sa mismong kwarto.
Ilang oras pa ang hinintay ko hanggang sa mag-aalas dos nan g biglang bumukas iyong kwarto at kita kong gulat na gulat si Twinkle na makita ako.
"You're here," Sambit niya sa'kin at tumayo ako papunta sa kaniya. "H-how long have you been waiting?"
Tinignan ko yung orasan ko. "I've been here at 12 noon."
Nanlaki ang mga mata niya at napakurap. "Bakit ka pa narito?"
"I want to have lunch with you." Napakamot ako sa batok. "I know you're busy but can I eat with you for today?"
Napailing siya bago hatakin ako. Habang hawak-hawak ang kamay ko ay may tinawagan siya.
"Hey, I'll be leaving off work this early noon." Saad niya sa kausap niya. "Yeah, I have to go now. I am going out, okay."
Pinatay niya ang phone niya at nakalabas na kami sa mismong ospital.
"Saan tayo kakain?" Tanong niya sa'kin at matagal bago ako tuluyang nakahuma.
"Ahm, I had a r-reservation," Agad akong kumilos para pagbuksan siya ng pinto at mabuti na lang bumili ako ng grape air refreshener bago ko siya sunduin.
Bumaba na kami sa isang restaurant. Alam ko bagong bukas palang 'to pero agad nang bumunga dahil magaling iyong chef. Naging kilala rin agad yung Zeira's Restaurant sa Manila Bulletin Times.
Pagkapasok namin ay kaagad ko nang sinabi ang reservations namin. Pinapili ko naman kaagad si Twinkle at napansin kong hindi naman siya gaanong pihikan sa pagkain.
Habang kumakain ay akala ko hindi na siya magsasalita dahil galit pa rin siya sa'kin kaninang umaga.
"Do you still have work to do?" Tanong niya sa'kin.
Umiling ako at uminom saglit. "None, why do you ask?"
"Let's go shopping and grocery?" Anyaya niya sa'kin at nag-iwas ng tingin. "I mean, hindi ba I'm staying on your unit? That's why it's better if I'll have my needs there."
"Talaga?" Excited na tanong ko sa kaniya. I know this is a sign of her being comfortable to me, I just didn't expect it to happen right now.
Natawa siya sa reaksiyon ko. "Of course, unless you don't want me to stay—"
"We'll go shopping and grocery today." Sansala ko dahil baka mag-iba pa siya ng desisyon.
Ang saya-saya ko tuloy hanggang sa matapos kami sa pagkain at nagbiyahe patungo sa pinakamalapit na mall. Para akong bata na makakakuha ng regalo.
BINABASA MO ANG
Silent Chase (Cita Tucana Series #1)
RomanceJulian Verces, a gay engineering student that fell in love with a city girl. He had principles about adoring guys he like, but what if he will bend all these because of her that captured his heart? What if he found out the truth, will he still chas...