27

851 35 1
                                    


N/A: I'm back on track. Keep safe and healthy, take care.




"Julian, ayos ka lang ba?"

Ito yung paulit-ulit na tinatanong sa'kin ng mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung paano ko kinayang ganahan na mag-ayos para sa pagpasok sa university at kung paano ako nakatapak ulit para makapag-aral pa.

Yung pangarap ko, yung pinangako ko sa kaniya. Yun nalang yung tanging paninindigan ko.

Tumango lang ako sa kanila pero para silang mga tuta na panay ang sunod sa'kin. Nairita ako noong una dahil gusto ko na nga siyang wag isipin pero palagi nilang pinapaalala kasi panay sila tanong sa nangyari.




Nakataklob lang ako sa kumot ko dahil dumiretso na ako sa kwarto pagkauwi ko mula sa terminal. Mababaliw na ako sa lahat ng nangyayari. Pinilit kong huwag umiyak pero hindi ko talaga kinakaya.

Gusto ko magwala pero hindi ko alam kung mawawala ba n'on yung sakit na nararamdaman ko ngayon. I can't bear the pain anymore.

Patuloy lang na pumapasok sa utak ko lahat ng mga alaala namin simula noong una ko pa lang siya makilala. I've lost too may counts on having what if's.

She left me devastated here. Simula nung pag-alis niya ay hindi na ako nakatulog ng maayos. Nawawala na rin ako sa sarili kong katinuan kasi iniisip ko na nasa tabi ko siya kahit wala naman talaga.

Nakakainis lang na, kinaya niyang sabihin iyon sa'kin ng walang emosyon. Kinaya niyang sabihin lahat ng iyon nang hindi man lang nag-aalinlangan at may pagsisisi. Kinaya niyang panindigan lahat ng mga salitang sinabi niya sa'kin. 

Kinaya niyang...umalis nang hindi lumilingon pabalik sa'kin.

Iniisip ko...paano kaya kung hindi ako naging bakla nung una palang? Kung hindi ko talaga siya nakilala? Kung hindi ako naakit at hindi ko siya nagustuhan? She didn't realize how it is hard for me to invest feelings for her when in the first place, it's not supposed to be like that.

Kasi alam ko una palang talo na'ko. Una palang, alam kong wala na akong kawala sa kaniya.

"Buksan na kaya natin 'yung pinto? Nag-aalala na kasi ako sa kaniya."

"Hindi na nga natin sigurado kung ano yung nangyari. Hindi rin naman kasi siya nagsasalita."

"Wag niyo siyang pilitin kung ayaw na niyang sabihin. Mas masasaktan lang kasi siya n'on,"

"Sinasabi na nga ba't hindi rin makapagtitiwalaan 'yung babae na 'yon. Akala ko anghel na, demonyo din pala katulad nung Mayor niyang Tatay!"

"Hindi ko rin inakala na mag-ama pala sila. Edi sana, mapapansin ko na yung mga kilos niyang ginagawa para magustuhan siya ni bakla,"

"Iyan ang mahirap e. Kaya nga, jusko mga bruha sinasabi ko sa inyo! Kami pa ang mababaliw kakaisip kung kamusta kayo pagkatapos kayong lokohin ng mga animal niyong jowabels!"


Wala akong pinansin sa kanila. Para akong timang kakatitig sa kawalan, gusto kong ipikit ang mga mata ko kaso sa tuwing maiisip ko naman siya ay ako rin ang mismong nahihirapan. Naalala ko tuloy ang pagtatak ng una niyang itsura noong nagkita kami sa tindahan.

She have those tantalizing eyes and angelic face, but a weird turnover is that she was just a demon bitch. She knew she was doing well in playing me all over her game, she knew I was about to fall on her own trap.

Silent Chase (Cita Tucana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon