"Ano ba itong nakikita at naririnig ko, ha?" Seryosong utas sa akin ni Papa.
Hindi ako makatingin ng diretso kay Papa. Nakatungo lamang ako at pinagmamasdan ang mga nail polish na nakalagay sa kuko ng aking mga paa. Pilit ko namang itinatago ang mga kulay na nasa kuko ng kamay ko sa aking likuran. 'Di pa nakabura ang eye shadow at lipstick na inagaw ko kay Ate.
"Anak naman..." Halatang nagtitimpi sa akin si Papa. Ito ang pinaka ayoko sa lahat, ang seryosong usapan.
"Pa..." Sinubukan kong magsalita ngunit muntik pa akong pumiyok.
"Sinabi ko na sa'yong itigil 'yang kahibangang mong 'yan? Anak, wala kang mapapala sa pagiging ganiyan..."
Malumanay ngunit may diin ang pagkasabi sa akin nito. Ayaw ni Mama na pinagbubuhatan ako ni Papa ng kamay, alam niyang napagdaanan nila ito at ayaw nila akong magaya sa kanila.
Pumasok si Mama sa may sala mula sa kusina. Tumabi siya sa akin sa may sofa.
"Julio naman? Ano ba'yan?"
"Sinasabi ko lang sa anak natin na tumigil na. Nakakairita ang ganiyang ugali, at hindi ko iyan matatanggap na mayroon tayong ganiyan sa pamilyang ito,"
Lumaki ang mga mata ni Mama. "Ano na naman ba, Julio? 'Di ba dapat ay suportahan mo ang anak mo sa gusto niya? Hayaan na natin siya,"
"Kaya siya nagkakaganiyan kasi kinukunsinti mo, mahal."
"Pa, sorry... pero ganito ho talaga ako----"
"'Wag mong sasabihin 'yan! Ayokong magkaroon ng anak na bakla! Isa kang malaking kahihiyan!" Tumaas ang boses ni Papa.
Natakot na akong magsalita. 'Di ko alam kung paano ipapaintindi kay Papa na noon pa man, ganito talaga ako.
"Siguro kaya ka nagkakaganiyan ay dahil pulos babae ang mga kalaro mo! Mabuti pa, gayahin mo ang mga pinsan mong lalaki at kita mong malalaki ang kanilang mga katawan! Aba'y napakalambot at patpatin mo, Julian!"
"Julio..." Mahinahong tawag ni Mama.
Narinig ko ang mga mahabang pagtatalo nina Mama at Papa.
Sa tuwing napapadaan ako sa kwarto nila, palagi nilang pinag-uusapan kung ano ako. Ang sarili ko.
"Malay mo, nahihibang lang 'yang si Julian. Aba eh, di ako papayag na wala akong apo sa kaisa-isa kong anak na lalaki!" Bulalas ni Papa.
Tinapik ni Mama ang likod ni Papa. "Ako rin naman, mahal. Ang kaso eh, gusto niyang maging babae---"
"Ano?! Wala man lang tayong gagawin tungkol 'don! Susme naman, mahal."
"Hayaan na muna natin, malay mo magbago ang isip ni Julian habang tumatanda."
Tumango-tango si Papa. "Aasahan ko 'yan, mahal. Ayokong biguin ako ni Julian."
Iyon ba ang dahilan kung bakit galit sa akin si Papa? Kasi gusto niya ng apo? Andiyan naman si Ate, ah.
"Ate," Tawag ko isang araw habang kakagaling niya sa ospital para sa internship niya.
"Ano 'yon?" Tanong niya habang 'di lumilingon sa akin.
"Pwede ba akong..." Lumiit ang boses ko. "Magkaanak sa lalaki kong gusto?"
Nabuga niya ang iniinom niyang kape. Nataranta naman ako at dali-daling tinapik ang kaniyang likod.
"Ate?! A-ayos ka lang?"
Hinampas niya ako. "Lokong 'to? Ano bang pinagsasabi mo? Ikaw talaga,"
Napakamot ako sa ulo. "Eh Ate, may nabasa ako na pwede akong magdonate ng sperm cell tapos magiging baby ko na 'yon. Parang, baby maker ganon? Atleast, sa akin galing tapos aalagaan naming dalawa ng husband ko,"
BINABASA MO ANG
Silent Chase (Cita Tucana Series #1)
RomantikJulian Verces, a gay engineering student that fell in love with a city girl. He had principles about adoring guys he like, but what if he will bend all these because of her that captured his heart? What if he found out the truth, will he still chas...