N/A: I'm getting excited whenever people are waiting for this updates. Thank you so much for supporting.
"Hindi pa rin na tinitigilan si Julio, ibang klase talaga 'pag naiinggit ang mga demonyong gago."
Gigil na suminghal si Tito. Pagkatapos naming malaman ang tungkol sa pagbabasura ng imbestigasyon, pumunta na rin siya rito. Nasa sala kami ngayon at ngayon ay nadadala pa rin ako ng mga emosyon ko.
"Bakit ba hindi niya pa rin tinitigilan si Papa?" Naiiyak na sambit ni Ate. "Hindi ba dapat tayo pa ang mag-isip na gantihan siya dahil siya ang may kasalanan?"
"Hindi ko na alam..." Napatakip si Mama ng mukha. "Halos mawala na ang ipinundar nating negosyo dahil mas umangat ang kabilang kasosyo. Tinigil na rin nila ang pagsuporta sa'tin, mukhang pineke lang nila ang mga dokumento at pinalabas na ilegal ang negosyo ko."
"Hindi ko alam kung makatutulong ng husto ang ipinahiram ko. Gipit na rin kami, at mahirap utangan yung iba nating kamag-anak." Mahinang saad ni Tito. "Kailangan ko lang balansehin yung mga araw-araw naming gastos."
Tumango-tango si Mama. "Naiintindihan ko, napakadami mo ng naitulong at kulang pa ang pagpapasalamat ko sa ginawa mo."
"Wala 'yon, ibinilin kayo ni Julio sa'kin." Tumayo na si Tito at tumingin sa'kin. "Ikaw na muna ang bahala sa Mama at Ate mo. Mabuti nang ligtas kayo ngayon, kaso hindi ko alam kung anong magiging sunod niyang hakbang."Tumango naman ako bago niya tinapik ang mismong ulo ko at umalis. Nanghihina naman akong napaupo. Hanggang ngayon ay iniisip ko kung ano ang una kong gagawin.
"Ma?" Tawag ko. "Kung...hindi nalang kaya muna ako tumuloy sa pag-aaral? Magtatrabaho na lang muna ako para masalba ang negosyo--"
"Hindi." Matigas na tugon ni Mama. "Hindi ako papayag, Julian. Gagraduate ka na, ngayon ka pa titigil? Unting lakad na lang, Julian!""Eh, Ma. Kahit pagtatrabaho na lang muna ang aatupagin ko para naman makatulong ako sa gastusin--"
Marahas na umiling si Mama. "Nak, makinig ka sa'kin. Wala kang dapat alalahanin, ang gusto ko lang ayusin mo ang pag-aaral mo at iyan ang unahin mo. Ako nang bahala sa lahat, may naipon din naman ako kahit papaano sa oras na magkaroon ng ganito.""Ayokong mapagod ka, Ma. Kaya ko naman--"
"Julian." Matalim niya akong tinignan. "Walang hihinto sa pag-aaral. Nakuha niyo? Walang magtatrabaho, ako ang kakayod. Tapos ang usapan,"
Padabog niya kaming iniwan sa may sala at malungkot akong tinignan ni Ate.
Gusto kong murahin ang sarili ko. Anng intensiyon ko lang naman ay ang tumulong pero mukhang nagalit pa si Mama nang dahil sa'kin. Ayokong isipin niyang mahihirapan ako kasi nangako ako kay Papa na ako mismo ang aakay sa kaniya.
"Hayaan mo na si Mama, bunso." Pang-aalo sa'kin ni Ate bago tumabi sa akin.
"Ano ba sa tingin ni Mama ang gusto kong sabihin?" Malungkot kong saad. "Hindi ko naman papabayaan ang pag-aaral ko, pwede namang mag-aral ako sa umaga at magtatrabaho ako sa gabi."
"Ayaw pa kasi ni Mama na mahirapan tayo. Naiintindihan ko si Mama, lalo na't hanggang ngayon ay hindi pa rin tayo titigilan n'on." Napabuntong-hininga si Ate. "Ganito na lang, matulog ka na at may pasok ka pa bukas. Tutulungan ko na lang si Mama,"
"Ano namang maitutulong ko?" Ayoko din naman kasing nakikitang nahihirapan sila. Pakiramdam ko wala akong kwenta dahil ako ang natitirang lalaki sa pamilya pero halos wala akong maiambag.
BINABASA MO ANG
Silent Chase (Cita Tucana Series #1)
RomanceJulian Verces, a gay engineering student that fell in love with a city girl. He had principles about adoring guys he like, but what if he will bend all these because of her that captured his heart? What if he found out the truth, will he still chas...