25

982 40 3
                                    




I don't know why but it makes me smile throughout the hours have passed. I never thought that she is finally mine, I never thought that I'll find the happiness I've been waiting for.

Hindi ko alam pero ang ganado ko hanggang pag-uwi. It made me feel energized, kahit pa ang dami ko pang ginagawa para lang makatulong kina Mama.

"Ma, pinakilala ko na si Twinkle kay Papa." Masayang anunsiyo ko sa pag-uwi. Nauna ko na rin siyang ihatid pauwi dahil sabi niya may mga tatapusin pa daw siya.

Napatingin sa akin si Mama habang nasa may sala. 

"A-ayos yun, nak." Matipid na ngumiti si Mama. "Kamusta? Masaya ba?"

Para akong batang excited na excited magkwento mula sa nangyari buong araw. Kahit pa gusto ko pang makasama si Twinkle bawat oras ay wala akong magagawa roon.

Tumango lang ako at hinalikan siya sa pisngi. Kita kong nagkatitigan pa sila ni Ate at ngumiti na lang din pagkatapos.

Pumasok na ako sa kwarto. Kinakailangan ko pang ayusin yung mga natitirang projects na pinagagawa sa'kin, pero malaki naman din yung bayad.

Kinuha ko iyong alkansiya ko na nakalagay sa itaas ng tukador. Napangiti ako ng mapansin kong medyo mabigat na siya, simula kasi nung ginusto kong ayain si Twinkle ay hindi na ako mapakali.

Gusto kong magkaroon ng ipon para sa kinabukasan na ibibigay ko sa kaniya. Wala akong ganoong kalaking pera para magkaroon ng sariling lagayan ng pera sa bangko kaya ito na lang muna siguro.

Sinimulan ko nang hatiin lahat ng perang mayroon ako, mula sa mga dapat kong gastusin hanggang sa yung matitira ay ilalagay ko na lang sa alkansiya. Hindi naman kasi pupwedeng wala akong regalo sa kaniya, ngayon ko lang din naalala yung monthsary namin.

Ilang buwan na ang lumipas pero sa tingin ko hindi naman basehan kung gaano katagal yung relasyon niyo, pero kung paano kayo nanatili na magkasama kahit na napakaraming problema pa ang dumating sa inyo.

Siguro masyado akong nagmamadali pero ayos lang 'yun. Susuportahan ko naman siyang maabot yung mga pangarap niya hanggang sa maging handa siya.

Nang matapos na akong magbilang ng pera ay itinago ko na itong muli at sinimulan na naman yung mga plates na ipinagawa sa'kin. Alam kong malapit na ang gabi pero kinakailangan ko pang matapos lahat ng 'to.

Nang sumapit na naman muli ang madaling araw, hindi ko na nakayanan hanggang sa inantok na lang ako. Nag-set ako ng alarm clock para kahit isang oras lang ang maging tulog ko ay magawa ko pa ang mga hindi ko natatapos.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko umidlip lang ako ng ilang minuto pero tumunog na ang alarm clock ko. Kahit hinahatak pa rin ako pabalik ng kama ay hindi na ako nag-atubiling tumayo at dumiretso na agad sa banyo.

Pagkatapos kong mag-ayos ay ginawa ko muli yung plate na kailangan nang kunin ngayon. Napabuntong-hininga muna ako bago tumuloy. Wala pang ilang minuto ay binilisan ko na lang ang tracing ng outline bago ilagay sa malinis na folder.

Pagkababa ko ay nakita ko agad si Mama na nakaupo sa may sala, at mukhang hindi pa umuuwi si Ate. Umupo ako sa may mesa pero nagtaka ako kung bakit hindi sumunod si Mama.

Napansin kong parang may nanunuring tingin siya sa'kin. Hindi niya ako tinantanan dahil nakatingin lang siya habang kumakain ako.

"Ma--" Napaubo ako kaso bigla siyang nagsalita.

"Ikaw ba ang nagbayad ng kuryente?" Seryoso niyang tugon. "Saan mo nakuha ang ganoong kalaking pera?"

Nang hindi ako makasagot sa una ay mukhang mas lalong naging seryoso si Mama.

Silent Chase (Cita Tucana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon