20

1.1K 46 6
                                    



Saktong pagkauwi namin ay dumiretso na kami sa bahay niya. Sa isang ngiti lang naman ni Tita Berna ay alam kong papayagan na niya ako. Pumunta na kami sa kwarto niya.

"Tita, magpapaturo lang ako kay Julian." Sambit nito habang inaayos ang kaniyang mga gamit.

Lumingon sa amin si Tita. "Aral lang talaga, ha?"

"Tita!" Nanlalaking mata na tawag ni Twinkle at napangisi naman ako. Natawa naman si Tita at ginulo niya ang buhok ko.

"Syempre naman, biro iyon. May tiwala ako sa binatang ito." Iyon lang at tumaas na kami sa hagdan. Habang papasok kami sa kwarto niya ay bumulong ako.

"Sa bango mo ngayon, hindi ko maipapangakong aral lang ang gagawin natin."

Hinampas niya ako sa balikat at pabirong umasta akong nasaktan bago natawa hanggang sa umupo na ako sa may study table niya.

"Bibihis lang ako, ah." Pumasok na siya sa cr at ako naman ay sumandal na lamang sa upuan.

Sinabihan ko naman si Mama na hindi ako maagang makakauwi dahil tuturuan ko pa si Twinkle. Halata pa ang tuwa sa kaniyang boses.

"Ma, magpapaalam lang sana ako. Tuturuan ko lang ho si Twinkle, uuwi din naman ako maya-maya." Kinamot ko ang ilong ko nang marinig ko siyang tumili.

[Julia! Aba kita mong bunso mo! May jowa na! Jusko, salamat sa poong Maykapal---]

"Ma, chill lang." Natawa ako dahil halatang tuwang-tuwa na siya.

[Ano, sinagot ka na ba? Jusmeyo, ang tatay mo nga hinabol ng itak ng Lolo mo kahit nanliligaw pa lang. Bakit hindi ko napansin na pumoporma ka na?]

"A-ano Ma, kakasagot lang din sa'kin." Napakamot ako ng ulo.

Narinig ko naman ang pagkastrikto ng boses niya. [Kailan naman tayo magsisimulang mamanhikan? Kailangan mo rin siyang ipakilala, kailan mo balak dalhin 'yan dito?]

Mas lalong lumawak ang ngisi ko at napakagat ng labi. "Malapit na, Ma. Malapit na,"

[Oo nga 'nak, halatang in-love ka.] Tudyo niya sa'kin habang natatawa. [Sige, aasahan ko 'yan.]

"Sige, Ma. Love you," Ibababa ko na sana ang tawag nang biglang lumabas si Twinkle at hapit na hapit sa kaniya iyong sando niyang may spaghetti straps.

"Sino yung kausap mo?" Salubong ang kilay niyang tanong sa'kin. Gusto ko sana siyang sagutin kaso nadidistract ako sa hapit niyang suot at maiksi niyang shorts.

Nang matulala lang ako ay inis niya akong sinigawan. "Sinong ka-iloveyouhan mo?!"

Napatalima naman ako at kaagad na nag-iwas ng tingin tsaka napahawak sa namumula kong leeg. Alam kong namumula na ako dahil ang init na ng pakiramdam ko ngayon.

"Nagpaalam ako kay Mama na gagawa tayo ng anak--este gagawa tayo ng assignment mo."

"Sigurado ka, Ga?" Pinanliitan niya ako ng mata at hinila ko na ang upuan para sa kaniya.

"Oo nga. Mukha ba akong magloloko sa'yo?" Natatawa kong tanong at kinuha sa kaniya ang suklay upang matuyuan ko na rin yung buhok niya.

"Malay ba natin! In the future, tapos may nakita kang mas better sa'kin!" Sabi niya na parang batang nagmamaktol.

Marahan kong sinuklay ang buhok niya. "Ga, kapag sinabi ko hinding-hindi ko gagawin. Nakuha mo?"

Nag-pout lang siya sa'kin. Tinapos ko na ang pagsuklay sa kaniya para naman makapagsimula na kami.

Silent Chase (Cita Tucana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon