Prologue

5.6K 126 49
                                    

"Good morning, Engineer Verces!"

Napalingon ako sa babaeng bumati sa akin. Tumango ako ng hindi nakangiti, hanggang sa siniko ako ni Juliette.

"Hanggang dito ba naman?"

Natawa siya at napailing nalang ako. Narito kami sa isang italian restaurant, kung saan may pag-uusapan kami ng isa sa board director ng proyektong ibinigay sa amin ni Juliette.

"Oh, Engineer Verces. Narito na pala kayo?"

Umupo ako sa isa sa mga silya. Tumabi naman sa akin si Juliette.

Agad namang ipinakita ni Juliette ang kaniyang proposal design para sa itatayong ospital. 

"Ikaw ang pinili namin, Engineer Verces. Narinig ko na ikaw ang cum laude sa inyong paaralan noong grumaduate ka sa kolehiyo? Nakita ko rin ang mga architectural firms na iyong ginawa. I'm impressed with it,""

Nakita kong lumingon sa akin si Juliette, halatang nagpipigil ng ngisi.

"Napakagaling din ng inyong mga disenyo, Architect Plavina. No wonder maraming nais magpagawa ng disenyo sa inyo, unique and stylish."

Tumawa ng bahagya si Juliette. "Small thing, Sir Baylon."

Umiling-iling si Sir Baylon. "No need for formalities, you two. Tawagin niyo nalang ako bilang Sir Dan."

Pagkatapos naming pag-usapan ang mangyayaring meeting kinabukasan, agad na kaming nag-order para kumain.

"So, hindi kayo taga-Maynila?"

Umiling ako sa sinabi ni Sir Dan. "Kami ay mula sa Cita Tucana. Doon kami lumaki,"

"Bakit kayo narito sa Maynila kung ganoon? Balita ko'y in-demand ang pagkakaroon ng mga architectural projects and renovations ang napakagandang lugar na iyon." Punong-puno ng kuryosidad ang mata ng matanda.

Sasagot na sana ako ngunit naunahan ako ni Juliette. "Plano talaga naming dalawa ni Julian na pumunta dito sa Maynila pagkatapos naming makapagtapos. Besides, kailangan na kailangan kami rito para sa ospital niyo. Better opportunities, meeting new people..," Juliette trailed off while smirking widely.

Tinignan ko siya ng matalim pero nagpatuloy lamang siya sa pagsubo.

"Kasal na pala kayo, Sir Dan?" Tanong ni Juliette habang umiinom. Nakasandal lamang ako sa upuan, at nahagip ng mga mata ko ang itsura ng mga babae sa kabilang table. Halatang kanina pa  nila ako tinitigan. Noong nagkatitigan kami nung babaeng nakalugay ang buhok, namula siya hanggang sa kinantiyawan na siya ng kaniyang mga kaibigan.

Dahil sa ingay, napalingon si Sir Dan at Juliette sa kabilang table at lumingon ulit sa akin habang nakangiti.

"Hanggang dito ba naman, Julian? Napakalakas ng karisma mo, ah." Ngising-aso si Juliette.

Humalukipkip ako. "Wala akong panahon sa mga ganyan,"

"Bakit, iho? Mayroon ka nabang nobya?"

Napatingin sa akin si Sir Dan. 

Juliette tapped her fingers on the table, "Wala yang nobya," tumingin sa akin si Juliette bago nagpatuloy. "Ngunit may hinihintay,"

I glared at her pero nagkibit-balikat lamang siya.

"Oh, I see. How about you, Ms. Plavina?" Bumaling sa kaniya si Juliette.

Juliette smirked. "Single for life is my motto, Sir Dan."

Tumaas ang kilay ni Sir Dan kay Juliette. "Sa ganda mong iyan ay irereserba mo lamang?"

Juliette shrugged.

Silent Chase (Cita Tucana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon