"Can you please listen to me for a while?" Iritadong tanong ko. "Kakagaling mo lang sa ospital, Juliette. Ayokong maulit na naman yung nangyari!"
"Ayos na nga ako, matibay 'to pre!" Talagang hinampas-hampas niya pa ang dibdib niya para ipakitang ayos na siya.
Kahit ano pang pilit ko ay siya pa rin talaga ang masusunod. Natatakot lang kasi talaga lalo na't baka malagot pa'ko dahil taga-bantay lang naman ako.
Nangako pa naman ako na sa oras na makita siya ay ayos lang ang magiging lagay niya. Pasalamat siya't kaibigan ko 'to kundi iiwan ko na talaga 'tong mag-isa.
Sa pag-uwi naming ay ako na mismo muna ang naghatid sa kaniya pauwi. Alam ko namang gagamit siya ng motorsiklo at alam kong kaskasero rin itong babaeng 'to.
Bago ko muna siya ihatid ay dumaan muna kami sa isang fastfood dahil kanina pa siya maingay sa kotse at gustong-gusto nang kumain. Ako naman ay kating-kati na siyang ibaba sa mismong unit niya dahil naiirita na rin ako sa boses niya.
Nang makauwi na ako ay kaagad ko rin namang pinagpahinga ang sarili ko. Pumunta agad ako sa may kusina para kumuha ng alak. I drank two shots to relax my mind.
Nang maramdaman kong humagod ito sa lalamunan ko ay napapikit na lang ako. Humilig muna ako sa may dining table pero hindi ko man lang maiwasang isipin yung sinabi ko kanina sa kaniya.
I saw her pained reaction and I didn't even know why it still affected me. I should be grateful that she's slowly realizing I'm done on her, especially on the reason why she left me.
Pagkatapos ng ilang taon, sa isang pagkikita namin ay sasabihin niyang mahal niya pa'ko? Scheming liar, again.
Kukuha pa ulit sana ako ng alak nang biglang may tumawag. Kahit inaantok na'ko ay naglakad pa rin ako palabas at kinuha iyong phone ko.
"Who's this?" Baritonong boses ko habang hawak pa rin iyong wine glass.
[Uh, sir. Sorry for the bother, I would just like to inform you that there will be meeting scheduled for tomorrow, this will be your last meeting for this week. All head members will be required. It will be 11am in the morning,]
Hinimas-himas ko muna yung noo ko at nilagok ang natitirang alak sa kopita.
"I will be there," I huskily said at binaba ko na ang tawag. Nang hindi pa rin ako dalawin ng antok ay kusa kong tinanggal ang sando ko kaya sumandal muna ako sa sofa habang wala akong damit na pang-itaas.
Napapilig na lang ako sa ulo hanggang sa makatulog ako mismo sa ganoong posisyon. Naiinis lang ako sa sarili ko dahil hinayaan ko talagang matulog akong ganoon, ang sakit pa ng likod at balakang ko.
Bago pa man ako makaligo ay dumiretso muna ako sa itaas ng building dahil mayroong gym area doon. Mabuti na lang at strictly for those who have their units here.
Dala-dala ko lang ang pamunas ko at tubig. I was wearing joggers and grey sando as I go in. May suot pa akong band sa ulo ko kaya medyo nakataas yung magulo kong buhok pero hindi ko na pinansin iyong mga nakatingin sa'kin.
Kaagad din naman akong gumamit ng mga dumbbell at ginawa iyong exercise routine ko tuwing umaga. Isang oras lang mahigit ang inubos ko roon dahil kailangan ko pang maghanda sa mismong meeting.
Aalis na sana ako nang may makita akong lalaking buhat-buhat ang kaniyang maliit na anak. Mukhang magkasabay sila ngayon sa gym at kasama niya iyong asawa niyang tagabitbit ng gamit nila.
I don't know why but I somehow felt bitter about it. Hindi ko namalayang nakatitig lang ako sa kanila at hindi na'ko masyadong gumalaw sa may threadmill.
BINABASA MO ANG
Silent Chase (Cita Tucana Series #1)
RomanceJulian Verces, a gay engineering student that fell in love with a city girl. He had principles about adoring guys he like, but what if he will bend all these because of her that captured his heart? What if he found out the truth, will he still chas...