2

1.8K 64 3
                                    

Mabilis kong ipinakita sa guard ang I.D ko. Agad akong sumaludo noong mabilis niyang binuksan yung entrance gate doon sa may tabi sa malapit nang parking area. Kaagad akong naglakad sa may lobby area habang pinagmamasdan ang paligid. 

Napansin ko agad ang mga matang kanina pa tumititig sa akin. At mas lalong nagngitngit ang ngipin ko nang puro babae mula sa ibang building ang kanina pa ako pinagpipiyestahan ng tingin. Syet, bakit ba kasi ganito? Hububels lang talaga.

Habang paakyat ako sa main stairs, napukaw ang aking atensiyon dahil sa mga lalaking palakad.

"Sayang ang itsura mo, bakla." Kantiyaw ng isang lalaking di ko naman kilala. Napaangat ako ng tingin sa narinig. Sa palagay ko'y mas bata siya ng ilang taon sa akin, at halatang bago lang sila.

Napairap na lamang ako at nagpatuloy. Hindi maiiwasan ang ganiyang klaseng pangungutya araw-araw. Sa totoo lang kasi mga sis, nasanay na ako eh. Si tatay nga na may sama ng loob sa akin na dinala pa niya sa kabilang buhay niya ayaw akong tanggapin eh, ibang tao pa kaya?

May mga bagay sa buhay natin na di talaga maiiwasan. Hindi natin kailangan baguhin ang sarili natin kung hindi tayo tanggap ng mundo, kasi yan ang turo sa akin ni mudrakels. At ang lagi niyang motto sakin eh talikuran man ako ng lahat sa mundo, never in a never niya daw akong tatalikuran. Ganon ako kamahal ni mudra pati ni ateng chaka pero lab na lablots ko din sila syempre. 

Kaya nga ako nagpupursige ng husto para naman maging proud at mapapa 'galing mo Julianna!' ang peg ko everyday, ang kaso nga lang eh nauna na si fatherdear ko sa heaven. May baggage nga siyang dala e. Bagahe na puno sama ng loob sa akin, lalo na sa kung ano ako ngayon. Minsan ang sarap ding sabunutan ni tatay, eh. 

Ba't niya kailangan mauna, diba? Wala naman akong sinabing makipag-unahan siya eh, mabuti sana kung ipinaalam niya sa akin na racing pala ito eh di sana inuna ko na talaga siya. Charing!

Hindi rin naman kasi mawawala ang mga judgemental na chaka sa mundo na akala mo eh siya na ang napakaganda na nilikha ng ating Lord. Naalala ko iyong mga kaklase ko noong elementary at high school pa lang ako. 

Puro mga lalaki ang nang-aasar sa akin, at may mga babae naman na nabebeast-mode daw sa akin kasi naaagaw ko yung mga crush nila. Kala mo kung sino eh wala ngang pambili ng tawas, ang hilig pa naman magtaas ng kili-kili eh putok boom naman ang peg sa tuwing dadaan ako. Epal lang, diba?

Pero neverthless in a moon, halos lahat naman ay maganda ang pakikitungo sa akin. Hindi naman ako yung tipong malanding bading at wala nang ibang ginawa kundi punahin ang mali ng maraming tao. Marunong din naman akong mag-appreciate ng kung anong meron ako. Ya know, I'm born to be humble.

 Kailan kaya ako papalarin maging model? Nakakairita lang kasi gustuhin ko man magdress na parang next top model, americana at top ang ipapasuot sa akin. Nakakairita lang din kasi yung mga babae kong nakikilala. Imbes na makipag-friends sakin, ayun at nilalandi na ako. Nakakashutabels lang ulet, diba?

Nawala ako sa momentum of monologue ko nang bigla akong harangan ng mga chakang lalaki na akala mo siga, mukha namang totoy. Kire lang, mga beh?

"Lalaking lalaki tayo, ha?" Ngising-aso yung isang nakashort na maluwang. Pag hinugot ko yan, pustahan kaya tayo ng kulay ng underwear niyan? Di naman pogi eh. Kupal lang, mga sissybells?

Lumakad papalapit yung isang nasa likod nung nagsalita kanina. Kanina ko pa kasi gustong sumuntok. Hindi ko alam kung bakit, pero sumibol agad yung galit na nararamdaman ko. Noon, naghahamon ako ng sabunutan pag may eksenang mga ganito. Ba't ngayon, ganito? Hay, ewan! Nakakagulo pero mas inisip ko muna yung grupong pabidabels na nasa harapan ko.

Magsasalita na sana ako kaso naunahan ako nung nasa likuran ko. "Tigilan niyo nga yan."

Napalingon ako sa nagsalita. Nakita ko si Finn, isa sa mga kaklase ko. Napangiti siya noong lumingon ako.

Silent Chase (Cita Tucana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon