N/a: Merry christmas, enjoy.
Saktong pagmulat ko ay unang bumungad sa'kin ang mukha mismo ni Twinkle. Kusa akong napangiti nang makita ko ang kaniyang nakapikit na mata at ang bahagyang nakaawang na bibig.
I decided to just watch her for a while. Hindi ko alam pero para sa'kin, gusto kong mangyari 'to sa bawat umaga. I want to see her the moment I woke up every day. I know it is too much to ask, but I wanted to keep her already.
I was about to caress her face when I moved my hands and her hands were holding three of my fingers. Hindi masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko, pero mukha akong baliw kakangiti.
Dahan-dahan kong tinanggal ang kaniyang kamay kahit hindi ko gusto at bahagyang lumapit sa kaniya para halikan siya sa noo. Napabuntong-hininga ako nang hindi siya gumalaw, kaya hinalik-halikan ko siya sa kaniyang pisngi.
Pagkatapos n'on ay bahagya akong gumalaw para makaalis na ng kama. Kaagad akong naligo saglit at nagsuot lamang ng shorts bago lumabas ng mismong sala. Naisipan kong gumawa ng almusal para sa kaniya.
Kaagad akong pumunta sa mismong kusina at tumingin kung anong pwede kong iluto ngayong umaga. Naisipan ko munang gumawa ng omelet at fried rice bilang umagahan.
Inuna ko muna ang itlog, pagkatapos ang paghalo ng lahat ng mga pwedeng ilagay sa mismong fried rice. Mabuti na lang at palagi akong tinuturuan ni Mama nito kaya madali na'to para sa'kin.
Nang maayos ko na sa mismong mesa ang mga pagkain ay naisipan ko na ring gumawa ng kape habang hinihintay siyang magising. Habang umiinom ng kape ay biglang may nag-door bell sa labas ng unit ko.
Binaba ko na ang kape at lumapit na doon. Pagbukas ko ay naroon si Juliette na nakasimangot at mukhang dala-dala na mismong mga gamit ni Twinkle. Akala ko ibibigay niya na agad sa'kin pero napansin kong tinignan niya muna ako mula ulo hanggang paa.
Pinaningkitan niya ako ng mata habang sinusuri ako.
"May ginawa ba kayo kagabi?" Nananantiyang tanong sa'kin at hindi naman kaagad ako makasagot sa tanong niya.
Kinagat ko ang mismong labi ko at ngumisi sa kaniya. Nang lumaki ang mga mata niya ay mukhang alam kong naiintindihan na niya kaagad. Bigla niya akong hinampas at pagalit na binigay sa'kin yung mismong mga damit ni Twinkle.
"Siraulo ka! Paano na lang pala kapag nabuntis siya? Gusto mo bang magkaroon siya ng hinanakit sa'yo?" Nakapameywang siya sa'kin at pinapagalitan na'ko.
"Problema ba 'yon?" Nakanguso kong sabi at tinignan iyong mga damit ni Twinkle sa isang maleta. "Edi pananagutan ko siya."
"Bahala ka sa buhay mo," Ismid niya sa'kin. "Ang sa'kin lang ha, alam mo namang sinusuportahan kita sa lahat ng ginagawa mo. Ang sa'kin lang, sana naman 'wag mo nang ipilit kung sakaling ayaw niya. Alam kong maaayos niyo lahat ng problema niyo, alam kong magiging ayos rin kayo."
Tumango-tango ako sa kaniya at nagpasalamat bago kusa siyang umalis. Kaagad ko namang binuksan ang maleta niya at napansin kong halos lahat ng damit ay naroon.
Tahimik akong pumunta sa may closet para ilagay na doon mismo lahat ng mga damit niya. Tinupi ko pa ito ng husto para naman hindi siya mahirapan pang magplantsa, at naglagay ako ng sapat na pwesto para sa mga damit na pwede pa niyang ilagay.
Nang matapos na'ko ay kusa na akong lumabas at bumalik na sa mismong sala. Napaigtad na lang ako nang bigla akong makarinig ng sigaw.
Nagmamadaling pumasok ako sa kwarto at nakita ko si Twinkle na mukhang natataranta. Nang ilibot niya ang kaniyang paningin sa buong paligid ay kaagad niya akong nakita.
BINABASA MO ANG
Silent Chase (Cita Tucana Series #1)
RomansaJulian Verces, a gay engineering student that fell in love with a city girl. He had principles about adoring guys he like, but what if he will bend all these because of her that captured his heart? What if he found out the truth, will he still chas...