14

970 46 10
                                    




"Twinkle, twinkle gising na. How I wonder gising ka ba," Kanta ko nang sagutin niya ang tawag ko.

Natawa ako nang umungol siya sa iritasyon. "You're so nakakairita,"

"You're so conyo," Ginaya ko pa ang pag-ikot ng mata niya at alam kong mas lalo siyang maiinis sa akin.

"Bahala ka sa buhay mo," She muttered bago ibaba ang tawag. Napailing na lang ako bago tumayo.

Mukhang may hahatakin na naman akong tulog-mantika sa ibang bahay. 

Dali-dali ko nang inayos ang aking kumot at tumalon paalis ng kama. Nang mahimasmasan ako ng tuluyan ay naghilamos ng mukha. Pagkatapos ay pumunta na ako sa may labas.  

Saglit kong sinilip si Ate at nakita kong nakatulog pa rin siya habang nakatalikod. Napabuntong-hininga na lang ako at aalis na sana nang mapansin kong nanginginig si Ate.

Hindi ko alam pero kaagad akong nag-panic kaya kaagad akong lumapit at hinawakan ang noo niya. Shit! Ang init niya kaya kinuha ko agad yung thermometer sa may medicine kit.

"Ma!" Tawag ko habang alalang nakatingin pa rin kay Ate. Bahagya ding namumula ang pisngi niya kaya alam kong may sakit siya.

Lumapit naman kaagad si Mama na may dalang bimpo at maliit na palanggana ng tubig. Ako na mismo ang nagpiga ng tubig at ako na ang naglagay sa kaniyang noo.

"Mataas ang lagnat ng Ate mo," Mahinang sambit ni Mama bago kumuha ng iilang gamot sa kit. 

"Ano ba talagang nangyari kay Ate, Ma?" Sa totoo lang, hindi na rin ako mapakali.

Napabuga si Mama ng hangin at pumeywang. "Ang alam ko lang, sobrang iyak niyan kahapon at hindi na rin kumain. Ewan ko ba, nangako pa naman si Vince sa'kin na hindi niya sasaktan 'tong kapatid mo."

"Ako nang bahala kung sakaling dumating siya ulit dito, Ma." Siguradong basag ang bungo mo sa'king gago ka.

Nagpaalam na rin naman akong magbibihis dahil baka mahuli pa'ko sa pasok ko. Kaagad na akong nagbihis ng maong pants at simpleng v-neck t shirt dahil mayroon pa pala kaming ensayo para sa mangyayaring contest.

Dumaan muli ako sa kwarto ni Ate upang makapagpaalam pati kina Mama. Naglakad na ako papalabas ng bahay bago ako pumunta sa mismong bahay ni Twinkle.

As usual, naghihintay na naman ako rito. Sa totoo lang, minsan iniisip na ng iba kung bakit ako nakatayo lang sa bahay nila na parang taga-hintay bilang grab driver. 

Ayos lang ako na maghintay dito, basta ba yung pamangkin niya yung kapalit na pambayad.

"Maaga ang ating loverboy, ha?" Nakita ko ang malaking pagngisi ni Aling Berna na mukhang pinapanood lang naman ako.

"Magandang umaga, Aling Berna." Pero mas magiging maganda ang umaga ko kapag ako na ang naghatak papalabas ng pamangkin niyo sa bahay niyo.

"Ilang linggo ka nang naghihintay sa labas, jusmiyong Twinkle naman oh," Nasapo niya ang kaniyang noo at bahagyang hinila ang kamay ko. "Halika, pumasok ka na sa loob. Doon ka na lang muna maghintay,"

"P-po?"

Mas lalo pa niya akong hinatak. "Jusko, doon ka na lang sa sala namin maghintay. Ikaw pa ang pinaghihintay niya ng matagal, itong batang ito."

"S-sigurado po kayo?" Wag kayong magbaka-sakali Aling Berna, papasok talaga ako sa bahay niyo.

"Oo, dali na." Sumabay na ako sa paghatak niya sa akin sa loob. Pinaupo naman niya muna ako sa kanilang sala bago sumigaw. "Twinkle, gising na! Aba'y malalate ka na!"

Silent Chase (Cita Tucana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon