Pagkalabas namin sa court, isa-isa naming sinundo ang aming tropa pauwi. Nauna naming ihatid si Pau at si Kayne, sunod ay si Angel, at sa kabilang kanto naman si TJ. Kami nina Juliette at ni Gab. Halos magkakalapit lang kasi ang mga bahay namin. Pagkarating namin sa mismong harap ng baryo, naabutan namin ang nanay ni Gab.
Kaagad namang nilingon ni Aling Cresie ang kaniyang anak sa pagtawag ni Gab.
Lumapit siya sa amin habang hawak-hawak ang walis tambo.
"Oh, ikaw bata ka! Kay tagal mong dumating, jusko! Akala ko ay nakipaglandian ka nanaman eh,"
Natawa na lamang kami sa pagkalukot ng mukha ni Gab. Sa totoo lang kasi mga sis, mas malandi si TJ kesa kay Gab.
Kaagad namang lumingon sa amin si Gab at nakipag-beso bago kami kumaway.
Habang naglalakad naman kami ni Juliette, naisipan kong mauna na siyang ihatid pauwi kaso nga lang ay umiling siya at sinabing hayaan ko nalang daw siya.
Kumatok kaagad ako sa aming gate bago buksan iyon. Papasok sana ako at magpapaalam kay Juliette nang bigla kong narinig ang pagdungaw ni Ate mula sa loob ng bahay.
"Oh, Julian! Nakauwi ka na pala---oh, Juliette. Halika at pumasok ka muna,"
Inaya siya ni Ate kaso umiling lamang siya. "Ayos lang po, Ate Julia. Di na rin naman po ako magtatagal,"
Kaagad naman akong sinipat ni Ate nang nakakunot ang noo. "Teka nga, bakit si Julian ang nauna pauwi? Hay nako, di mo man lang inuna ang babae."
Napasimangot ako at hinawi ang kaniyang kamay. "Excuse me, nagvolunteer ako sa kaniya, kaso sabi niya okay lang so ayon, atleast nagtanong ako diba?" Maarte kong sambit.
Natawa nalang si Juliette sa inasal ko at agad namang nagpaalam habang mabilis na akong pumunta sa loob para magfreshen-up. Napakainit naman kasi sa labas, eh.
Mabilis akong pumunta sa kusina at kumuha sa ref ng malamig ng tubig para panlaban kay inang kalikasan at sa hotness na ibinubuga nito ngayon. Walang kwenta kasi yung electric fan, eh. Mainit din yung binubuga ng hangin.
Pagkatapos kong magpalamig ay kaagad kong nilapag ang mga resibo sa mesa. Naabutan ko si Ate na nakahiga sa sofa at may pinipindot-pindot sa cellphone. Nakita ko rin ang mga nagkalat na make-ups sa may center table.
Biglang kuminang ang mga mata ko. Oh, heaven for me.
Pupuslit sana ako kaso biglang tinampal ni Ate ang kamay ko habang nakatingin sa salamin at naglalagay ng mascara.
"Tumigil ka at nagpapaganda ako."
Ngumiwi ako. "Saan naman? At isa pa, mali ang pagkakalagay mo Ate. Ako na nang mas maging maayos,"
Sa una ay di niya ako pinansin ngunit noong lumagpas ang eyeliner nito ay nairita agad siya. Pinunasan niya sa maling paraan kaya mas lalong nag-smudge. Nakatayo lang ako sa gilid niya, nakakagat ang labi habang pinapanood siyang maging hysterical.
"Julian, ikaw na. Ayusin mo at baka masamain ka sa akin," Kaagad siyang umusog upang bigyan ako ng espasyo sa sofa.
"Para saan ba kasi iyan? Darating ba si Kuya?" Tanong ko habang inaayos ang mga gagamitin ko sa kaniya.
Hinawi niya ang kaniyang buhok. "Nope. magpopost ako. Go na,"
Kaagad naman na akong nagsimula. Mula sa paglalagay ng foundation, contour, pag-aayos ng kilay niya pati na rin sa pagbeblend ng mga kulay.
Pagkatapos ng isang oras, nagawa ko naman ang iniutos niyang hazy make-up look. Nag-blend pa ako sa eyeshadow para mas lalong maging fierce tignan.
BINABASA MO ANG
Silent Chase (Cita Tucana Series #1)
RomanceJulian Verces, a gay engineering student that fell in love with a city girl. He had principles about adoring guys he like, but what if he will bend all these because of her that captured his heart? What if he found out the truth, will he still chas...