Twinkle
Mabilis kong pinahid ang luha ko habang nagliligpit ng gamit mula sa maleta. Dali-dali ko nang tinupi ang aking mga damit, 'di na alintana ang init at pagod na aking nararamdaman.
Sa totoo lang, ayokong umalis.
Ayokong pumunta sa Cita Tucana para iwan ang buhay ko rito sa Manila. Buhay na masaya, malaya at mga napakagandang alaala na nakapalibot dito.
Andami ko nang kaibigan, kuntento na'ko sa eskuwelahang pinapasukan ko, kasama ko na ang lalaking mahal ko--- pero kung kailan maayos na, doon pa magbabago ang lahat.
Wala na akong inisip kundi sisihin si Dad. Kasalanan naman talaga niya, eh.
Nalugi ang kompanyang pinaglaanan niya ng investment kaya nahirapan siyang ibangon lahat ng mga nautang niya sa iba't ibang kompanya.
"You'll stay there for good. Sa Tita Berna ka nalang mo muna tumuloy, don't worry nagbigay na ako ng pang-tuition fee. Masyado na kasing mahal kung pagsasabayin ko kayo ng kapatid mo sa university na'yon,"
Wala akong ginawang iba kundi 'di na umimik. I just hated his thought of me bringing in that province.
Anong mapapala ko 'don? Magbubungkal ng lupa? Bibilad sa araw? Dadaan sa putikan para lang makapasok?
Ang exaggerated mo naman, Twinkle.
Ayokong pagdaanan ang hirap na naranasan nina Dad noon nung nag-aaral pa lamang siya. Kumportable na ako dito, at ayoko pang malayo kay Adrien.
"Dad, pwede na mang pumasok ako sa ibang school basta nasa Manila pa din naman ako---"
He cutted me off. "Si Starlet na lang ang madaling bantayan, masyado nang mahal ang sweldo ng mga bodyguards kaya wala akong magagawa kundi paalisin na sila at wala din naman akong maisasahod. Babalik ka din naman pagkatapos kong maayos ang gulong 'to,"
Yeah, it was really your fault.
Politika ang pinasukan ni Daddy kaya malamang kaliwa't kanan ang mga gusot. I just hated the thought na 'di kumportable ang mga kaklase ko sa akin, knowing that my father has a high position in government and naiilang sila about it.
Why can't I just live a normal life? 'Yung walang bodyguards na hahatid-sundo sa akin sa school para lang mabantayan ako sa pagbugso ng media at mga katanungan tungkol kay Dad.
Minsan pa nga, nahihirapan kami ni Adrien na magkita dahil sa dobleng seguridad na ibinibigay sa akin ni Dad araw-araw.
I hated being treated like a child. I'm already a college student for God's sake.
Habang patuloy lamang ang pagligpit ko sa mga dadalhin, di ko maiwasang tignan ang cellphone ko.
Tinawagan ko kagabi si Adrien, saying that I badly need to go to my province due to personal reasons.
After that, he didn't even gave me a reaction. He told me not to go, pero anong magagawa namin kung kalaban namin si Dad?
Adrien even hated the fact that we can't just post pictures online, since alam kong pati rin iyon ay di papalagpasin ng media at maaaring umabot pa kay Dad.
I tried to call him again and again, and agad akong nabuhayan nung sumagot na siya. I just can't go leaving him na 'di pa naayos ang problema namin.
"Are you really going?"
I bit my lip. "I'm so-so sorry, I also don't want to but I don't have any choice. I'll try to visit you---"
"Para saan pa? Aalis ka na, eh." He said that sarcastically.
BINABASA MO ANG
Silent Chase (Cita Tucana Series #1)
RomanceJulian Verces, a gay engineering student that fell in love with a city girl. He had principles about adoring guys he like, but what if he will bend all these because of her that captured his heart? What if he found out the truth, will he still chas...