23

860 36 6
                                    



"Thank you, Julian!"

Kaagad kong ibinaba ang mga plates na natapos kong gawin kaninang madaling araw. Nahihilo pa ako nung umagahan dahil kinulang talaga ako sa tulog. Halos di na rin ako nakatapos sa pagkain ko.

Ngumiti lang ako at tumango. Nauna na silang pumunta sa may faculty dahil ngayon na rin ang mismong deadline ng mga late works. Dumadami na rin ang mga tao.

Isang araw na lang bago ang pinakahihintay na last prom. Sa totoo lang, pang-highschool lang 'to pero mukhang madami ang nag-suggest na magkaroon tutal gagraduate na rin kami. Naging mabilis na rin naman kasi ang panahon dahil ilang buwan na lang bago ang graduation.

I don't know why but I always felt giddy whenever I thought of Twinkle as my partner for that event. I wanted it to be special and memorable for her.

Halos ang ibang klase ay discussion na lang at grading of last written works. May mga nauna na rin kasing proffesor na mas tinutukan ang pag-handle para sa pag-oorganize.

"Dapat shining, shimmering, splendid ka doon Mr. CTU," Natatawang sambit sa'kin ni Finn habang naglolokohan kami. Nasa classroom kami ngayon at tapos na kami sa pinapagawang worksheet.

"Sino ba partner mo?" Tanong ko habang pinapaikot iyong ballpen na hawak ko.

Napakamot siya ng ulo habang napasimangot. "Si Charlene. No choice, pare. Sinubukan kong pilitin si Juliette kaso baka hindi pa ako nakakasayaw sa prom, bugbog sarado na'ko e."

"Ganiyan lang takot ka na? Paano pala 'pag nasa iisang bubong na kayo?" Nang-aasar kong tugon.

Hindi ko alam kung anong nangyayari ngayon sa buhay ni Juliette pero mukhang may clue na ako sa mga nagaganap. Halata naman dahil mas lalo na siyang naging iritado sa mga nakaraang buwan.

"Nahiya naman ako kay Kyro," Muntik na siyang sinapak ng katabi at natatawa namang umilag si Finn. "Oh, baket single? May problema ka?"

"Single and ready to mingle, may experience." Ngumisi siya at nakita kong nanlaki ang mga mata ni Finn.

"Hindi nga? Akala ko virgin ka pa, ang inosente mo kaya tignan." Tinignan pa siya ng maigi ni Finn at mas lalo pang natawa si Kyro.

"Wag ka mag-alala, tuturuan kita. Sayang naman kung hindi ko maibabahagi lahat ng kaalaman ko." Pangungumbinsi ni Kyro. "Hindi ba't sabi ko sa'yo manood ka ng--"

"Gago, yung bunganga mo." Saway ni Theo na nakikinig pala sa'min at ngumisi kay Finn. "Kawawa ka naman, kailangan na siguro nating bahiran ang inosente mong pag-iisip."

"Bakit 'di mo tanungin si Julian? Eh may girlfriend siya." Lumingon sa'kin si Kyro. "Ano 'tol, nakama mo na ba girlfriend mo?"

Ngumisi ako at umiling. "Hindi ko gagawin 'yon hangga't 'di pa kami kasal, loko. Tsaka hindi ko siya niligawan para ikama lang."

Binatukan siya ni Finn. "Kaya ka 'di nagkakaroon ng girlfriend e, halatang walang tiwala sa'yo."

"Hindi lang ako biniyayaan, no. Tsaka, ayoko magkagirlfriend. Ayoko maging siraulong baliw na kinikilig 'pag kasama yung girlfriend." Parang nandidiri pa si Kyro.

Pinalakpakan siya ni Theo. "Ang sabihin mo, takot ka kasi baka makita na 'di ka pa tuli."

Nagsitawanan lang kami bago mag-ring muli ang bell. Nauna na akong lumabas dahil pupuntahan ko pa si Twinkle at nasa laboratory pa daw siya. Mabuti na lang at medyo tanaw ko agad siya at pumasok na kaagad ako sa mismong section.

Napaigtad ako nang makita ko siyang matamlay na naglalakad patungo sa'kin. Hindi maipinta ang itsura niya at hindi ko naman alam kung bakit.

Sinalubong ko siya ng yakap. Ibinuka ko ang dalawa kong braso at sinenyasan siyang lumapit sa'kin. Mabagal ang naging lakad niya hanggang tuluyan na siyang mapayakap sa akin.

Silent Chase (Cita Tucana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon