32

1K 45 7
                                    




Papasok na sana ako sa mismong unit nang bigla kong mapansin si Juliette na naghihintay sa'kin.

"And the Mr. Marupok award goes to..." Pumalakpak pa siya at narindi naman kaagad ako.

Hindi niya ako tinantanan hanggang sa pumasok na ako. Pinagtitinginan pa kami ng iba dahil sa sobrang ingay niya pero siyempre, wala rin naman siyang pakialam.

Hinarap ko na siya nang hindi na ako makapagpigil. Hindi ko pa rin makalimutan yung katangahan na ginawa ko sa mismong harap niya. I was fucking enchanted by her words!

"Pwede ba...walang nangyari na kahit ano." Mahinahong pagpapaliwanag ko sa kaniya.

Ngumisi siya. "Weh? Eh bakit may mantsa ka ng lipstick sa labi at bandang pisngi mo? Sa pagkakaalam ko, binenta mo na lahat ng make-up mo noon pagkagraduate."

Kaagad na nanlaki ang mga mata ko at doon lang ako napatingin sa malaking salamin sa may pader. Natataranta kong pinunasan yung mukha ko pero patuloy lang siya sa pagtawa.

"Ikaw yung pinagtitinginan kanina, e." Humahagalpak siya ng husto. "Wala daw ginawa, asus. Nakipaglaplapan ka lang, e—"

Masama ko siyang tinignan pero hindi niya ako pinansin at patuloy lang sa pang-aasar sa'kin.

"Paano ka naman nakaiskor? Saan niyo ginawa? Dami mong arte noon, bibigay ka rin pala ngayon ng ganito kadali." Nakangisi niyang sabi. "Sana pala noon ka pa nagpakita sa kaniya. Edi sana hindi aabot ng ilang taon 'yang pagiging stalker mo."

"Madaya din siya maglaro, nakakairita." Nakaiwas ang mata ko nang maalala ko ulit yung nangyari kanina.

I just had that massive erection while I was driving. It was definitely insane, pakiramdam ko kinakailangan ko pang mag-mariang palad nang wala sa oras dahil sa ginawa niya.

Iniwan niya ako habang tinitigasan ako sa kaniya! I gritted my teeth in anger and frustration. Pagbabayaran mo rin lahat ng ginawa mong 'to, Twinkle.

"Ano kayang reaksiyon n'un kapag hinahabol-habol ka niya ngayon pero ikaw rin naman 'tong naghahabol sa kaniya simula pa noon?" Kunwaring nagtataka niyang sambit at hindi ko naman siya nilingon.

"Bukas na yung simula. Pupunta ka pa ba mismo sa may construction site?" Tanong niya ulit habang nagsisimula na akong tapusin iyong mga kinakailangan kong ibigay para sa mga empleyado bukas.

Gumawa ako ng opisina sa may tabi ng kuwarto para maging organisado lahat ng magiging gamit ko at hindi na'ko mag-abala pa sa pagliligpit. Mabuti na lang at kakaunti na lang naman lahat ng magiging schedule ko.

"Pupunta ako bukas. Titignan ko sila mismo," Saad ko at ipinatong na sa mismong desk lahat ng gamit ko kanina.

"Talagang gusto mong asiksuhin 'to ano?" Humalakhak siya sa'kin. "Basta para sa kaniya, gagawin mo lahat. Tungkol nga pala sa pinapatingin mong lote, kailan mo titignan? Tsaka para saan ba 'yun?"

Nag-iwas ako ng tingin. "Wala, tsaka ko na pupuntahan 'yun kapag sigurado na'ko sa lahat. Mabuti nang makita ko yung mga nabubuo na sa plano,"

"Susubukan ko ring makahabol kapag nagkataon na maluwag yung schedule," Tumayo na siya sa kinauupuan niya. "Tawagan mo na lang ako kapag hihingi ka na ng tulong."

Hindi naging maganda yung tulog ko dahil napuyat ako kakatingin at ayos ng mga ipinapasa nilang drafts sa'kin. Ginawan ko rin ng inspection yung drawings at designs. Uminom na lang ako ng kape para tuluyan akong magising kapag dumiretso na'ko sa site.

Silent Chase (Cita Tucana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon