26

876 36 8
                                    

N/A: I dedicated this for you, thank you for supporting me in every chapter and thanking me in every updates I do. I'm always finding time to write because I know many reader like you will also wait and enjoy every chapter. I hope you'll stay like this till the end of the story.




Tuliro ako hanggang sa pagpunta ko sa bahay. Hindi ko alam ang mararamdaman ko.

Pakiramdam ko binaril ako ng paulit-ulit pero hindi ko mainda yung sakit. Nakakatawang isipin pero patuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa tuluyan kong kalmahin ang sarili ko.

Twinkle really broke up with me. She really left me.

Pakiramdam ko tuloy ang dami kong pagkukulang sa kaniya simula noong alalahanin ko simula noong naging akin siya. Hindi ko siya naituring na prinsesa kasi kahit ako mismo gipit at kakayod para sa pamilya. Hindi ko man lang siya masorpresa ng mga mamahaling regalo.

"Sana sinabi mo noon pa...para nagawan ko ng paraan," Pagkausap ko sarili ko habang nakaupo. Hinihintay pa rin ng puso ko si Twinkle kahit gusto ko ng umalis rito sa lugar kung saan ko siya hinalikan. "Para 'di mo'ko hiniwalayan...para 'di mo'ko iniwan."

Bumalik lahat ng pagod at sakit. Nasaktan ako sa sinabi niyang ginamit niya'ko, at puro kasinungalingan lang lahat ng sinabi at pinakita niya sa'kin. Pero itong lintek kong puso, gusto ring magpagamit. Ayos lang sa'kin na gamitin niya ako paulit-ulit, wag lang siya umalis sa tabi ko.

Nababaliw na talaga ako ng husto. Ilang oras kong naisipan na magpakalunod sa dami ng iniisip habang mag-isa lang. Ang dami kong inisip na pwedeng mangyari, pero kailanman hindi ako naghanda sa ganito.

I can be better for her, if only she didn't left me. Kung ano pa iyong mga ayaw nating mangyari, iyon pa ang kusang binibigkas ng kapalaran. Kinaya niyang talikuran ako at ipakita na kahit kailan hindi niya ako nagustuhan, habang eto ako nakatunganga at nagbabaka-sakaling babalikan niya ulit.

Ni hindi ko nga alam paano ako nakauwi ng bahay nang normal pa ang pag-iisip ko. Nakatulala lang ako habang nakatingin sa litrato naming dalawa, na tinitignan ko bago ako matulog sa gabi.

Si Mama at si Ate ang unang bumungad pagkauwi ko. Parehas na nag-aalala ang mga mukha nila, at may halong panghihinayang.

"Nak?" Tawag sa'kin ni Mama pero pakiramdam ko nawalan na ako ng lakas para magsalita pa tungkol sa nangyari.

 Tsaka na siguro kapag kakayanin kong tanggapin lahat.

"Nobya mo na pala  iyong anak ng hayup na pumatay sa Tatay mo?" Sarkastikong tanong sa'kin  ni Tito habang nakahalukipkip. "Hindi na'ko magtataka kung namana niya rin ang kademonyohan ng Tatay niya--"

"Hindi gan'on si Twinkle." Nakatiim-bagang kong sambit. 

Alam kong kinamumuhian ko si Ricardo Milan pati yung buong pamilya niya kaso noong nalaman kong may koneksiyon siya kay Twinkle, pakiramdam ko nagsisimula na akong maguluhan sa kung anong dapat kong isipin.

Dapat nagagalit ako ngayon sa kaniya, dapat kinamumuhian ko siya ng husto. Pero bakit mas gugustuhin ko pang bumalik siya sa'kin? Iniisip ko na walang koneksiyon ang ginawa ni Ricardo sa tatay ko pati na ang relasyon namin, pero bakit may galit at disgusto akong nararamdaman?

Kung ganoon din pala, kinain ko na rin yung mga sinabi kong gugustuhin kong maghiganti kay Twinkle at sa buong pamilya niya. Kahit kailan, hindi ko siya ginustong saktan.

Yung nakaraan ang mismong kumakalaban sa kung anong mayroon kami ngayon. Hindi kaya...nakipaghiwalay siya sa'kin noong nalaman niyang kinamumuhian ko yung Tatay niya? Hindi kaya...alam niya una palang na ako ang anak ng pinatay ni Ricardo?

Silent Chase (Cita Tucana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon