Pagkatapos nung simpleng date namin ay naisipan ko na ring iuwi siya. May hahabulin pa daw siyang last project at completions na lang para sa lahat ng dapat ipasa. Hectic na rin kasi med student siya.
Naiintindihan ko naman kung hindi ko na siya masasabayan dahil mauuna na daw siya sa mga susunod na araw. Alam kong matatapos na rin naman at unting distansya na lang, makakamit na rin namin yung inaasam naming diploma.
"Magkwento ka naman tungkol sa buhay mo." Usig ko sa kaniya habang magkahawak-kamay kaming naglalakad. "Grabe naman kasi, baka mahimatay ako kapag nakilala ko na Papa mo."
Natawa siya at bahagyang pinisil ang kamay ko. "Saan mo ba gusto akong magsimulang magkwento?"
"Kahit yung buong buhay mo sa pagtira sa Maynila." Ngumuso ako sa kaniya. "Hindi pa kasi ako nakarating dun, e. Ang alam ko lang, puro matataas na building tsaka mas mayayaman yung mga tao dun."
"Hindi kaya, sadyang mauunlad lang yung mga tao doon." Kinagat niya ang loob ng pisngi niya. "Saan mo ba gusto kong simulan? Sa pagkabata?"
Tumango ako at patuloy lang na nakatitig sa kaniya. Ramdam ko ang pagaspas ng mga matatayog na puno sa kalsadang tinatahak namin pauwi. I would gladly hear her stories all day, it felt like listening to a sweet tune of melody.
"Mayor na kasi si Dad nung pinagbubuntis ako ni Mommy. Dapat talaga ipapanganak niya ako rito sa Cita Tucana kaso nga lang, nahirapan dahil sa media at conflicts sa schedule kaya sa Manila na lang." Napakibit-balikat siya. "Sa totoo lang, naging mahirap yung buhay namin dahil halos lahat ng kilos controversy sa media."
"Paano kayo nung kumag mong naging boyfriend?" Seryosong utas ko.
"Isa rin yun sa mga naging problema namin. Hindi na kami nagkakasama, nasa paligid palagi yung media, parang nakabantay sa kilos ko. Hindi naman ako masyadong nagpapakita ng kahit ano dahil alam kong sa oras na madungisan pangalan ni Dad, mas lalo pa niya akong paghihigpitan."
"Kahit date, hindi niyo nagawa?" Paninigurado ko."Kahit nga kiss, wala e. First kiss kita 'no." Aniya at nahihiyang nag-iwas ng tingin.
"Alam ko," Ngumisi ako para pigilan ang pagtawa. "Halatang first time mo, eh."
Mataray siyang lumingon sa akin. "Pinagtatawanan mo ako? Sige, wag mo na ulit akong hahalikan--"
"Pikon naman ni Ga." Natawa na ako. "Oh dali na, back to the kwento."
"So ayun nga, simula pa highschool ay gan'un na ang nakasanayan ko. Kung minsan pa, mahilig kaming bumisita dito para pumasyal. Kaso, sa kaunting panahon lang. Pansin kong medyo kilala rin si Dad dito kasi halos lahat ay pumasyal sa bahay namin noong una naming punta. Minsan nga, gusto ko na lang na bumalik siya sa dati niyang trabaho."
Nacurious tuloy ako. "Ano bang dating trabaho ng Papa mo?"
Inayos niya yung buhok niya at nilaylay sa kabilang bandang leeg. "Sikat siyang engineer dito, e. Ayun lang ang hindi ko alam kung bakit siya biglang umalis kahit mataas naman yung sahod niya."
Napatango-tango ako. Parehas pala sila ni Papa.
"Nung nagcollege ako, mas dumami yung experience ko." Humalakhak siya. "Naalala ko pa nga, bago kami pumunta sa bar para mag-enjoy, palagi ko silang pinapaalahanan. Kasi, sumusunod ako sa kahit anong utos kapag nalalasing ako. Wala akong kontrol sa mga kilos ko, tsaka madalas nabubunyag ko lahat ng nararamdaman ko."
"Sino namang kasama mo sa pagpunta sa bar?" Kunwaring usyosong tanong ko pero ang totoo ay bahagya akong nangamba sa sinabi niya. "Paano pala 'pag wala kang kasama? Sinong nagbabantay sa'yo? Alam ba 'yan ng Papa mo?"
"Hindi, tumatakas ako." Nagngising-aso siya sa'kin. "Isa pa, puro mga babae bestfriends ko. Bakit mo naman iisiping magpapabantay ako sa lalaki?"
BINABASA MO ANG
Silent Chase (Cita Tucana Series #1)
RomanceJulian Verces, a gay engineering student that fell in love with a city girl. He had principles about adoring guys he like, but what if he will bend all these because of her that captured his heart? What if he found out the truth, will he still chas...