16

957 47 5
                                    



Nanlalamig ang kamay ko ngayon at pinapawis ito dahil sa sobrang kaba.

Nakatitig ako ngayon sa salamin. Nakikita ko ang isang matangkad na moreno, singkit at bahagyang magulo ang bagsak na buhok at sakto ang sukat ng mapupulang labi. May mauugat na kamay at sa paglunok ko ay nahahalata ang galaw ng panga at adams apple. 

Bumabakat ang matitipunang dibdib ko sa plain black t-shirt ko at sakto lang ang sa'kin ang black joggers ko. Mamaya ko na susuotin ang checkered red and white shirt ko na pati na rin ang pants, pero suot ko na ngayon ang black tactical gloves ko.

Tsaka ko lang napansin. Ngayon, pakiramdam ko tumitingin ako sa isang lalaki. Hindi na'ko nandidiri sa tuwing nakikita ko ang itsura ko.

At lahat ng 'yon ay nagbago noong nakilala ko siya. Hindi ko din alam kung bakit ganito kalakas pa rin ng epekto niya sa'kin.

"Wow, ang pogi na niya." Pang-aasar ni Ate pagkapasok sa kwarto at umupo sa may bandang kama ko. "Iba talaga 'pag in-love."

Napangiti ako. Hindi dahil sa pang-aasar niya, kundi sa kalagayan niya ngayon. Bahagya kaming nakahinga nang maluwag ni Mama nang makita siyang tumatawa na kasama kami.

"Wow, 'di na siya iyakin." Pang-aasar ko din sa kaniya at tinapunan niya ako ng unan ko bago niya ako pinaghahampas. Gusto ko din talaga gumanti kaso baka maiyak kaya wag na lang.

"Pero seryoso, bagay pala talaga sa'yo bunso na pumorma bilang lalake." Napahalakhak siya sa'kin. "Kung ako sa'yo umamin ka na, tapos manligaw tapos pakilala mo sa'kin tas huhusgahan ko agad---"

"Aamin? Tss," Naasar kong tugon. Lumingon ako sa salamin at inayos ang buhok ko.

"Eh paano mo malalaman kung gusto ka din niya kung 'di ka aamin?" Tugon niya sa akin. "For your information bunso, lalaki ang nanliligaw at umaamin hindi ang babae---"

"Ha? Alam ko." Anong akala niya sa'kin, kahapon ako pinanganak?

"Eh alam mo naman pala, ba't ayaw mong umamin? Ghad, Julian! Bakit ang kupad-kupad mo naman?"

Napabuga ako ng hangin. "Masyadong komplikado, Ate. Nakakatakot sumugal,"

"Pero mas nakakatakot isipin na naunahan ka pa ng iba dahil duwag kang umamin, diba? Sino namang aayaw sa'yo? Jusmiyo, kung 'di mo lang ako kapatid, baka isa na rin ako sa mga masugid na babaeng humahabol sa'yo."

"Ate naman," Ngumuso ako.

Tumawa siya ulit. "Pero seryoso bunso, thank you talaga. Naappreciate ko lahat ng ginawa mong pagpapasaya sa'kin."

Napaubo ako. "W-wala 'yun, ang pangit mo kasi 'pag umiiyak." Kahit pa si Vince talaga ang may bigay n'on.

Niyakap niya ako at hinalikan sa may pisngi bago nauna nang lumabas. Kinuha ko na rin ang maliit kong string bag at isinukbit sa isang balikat bago bumaba.

Nang mapansin ako ni Mama ay matamis na ngiti niya ang sumalubong sa'kin. Kaagad naman akong lumapit at hinalikan siya sa pisngi bago kami umupo.

"Oh, may lalaki tayo sa bahay." Tudyo ni Mama at natawa si Ate ng husto. 

"Tawagin na ba natin sina Tito para makipagtagay ng inuman?" Natawa kaming lahat sa bahay.

Matapos naming kumain ay may mga ibinilin pa si Mama sa'kin. 

"Manonood kami ng Ate mo, ha. Mamaya nga lang kami makakapunta tutal ay mag-aayos pa kami," Napangiti ako nang asikasuhin pa'ko ni Mama.

"Ma, ayos lang kahit hindi na--"

Silent Chase (Cita Tucana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon