9

1.1K 52 6
                                    



"Lalim ng iniisip natin kagabi, ah." 

Napalingon ako kay Ate na humihigop pa ng kape. Naiirita ako dahil nag-isip naman ako kagabi, mula sa pagpunta namin sa mall na'yon hanggang sa pag-uwi. 

Pakiramdam ko may nag-iba sa akin na kung ano. Ang sarap sa pakiramdam pero sa tingin ko may mali. Hindi ko alam pero mukhang kailangan ko maghanda. Pakiramdam ko may mangyayaring 'di maganda.

Tsaka ko lang naalala na may kailangan nga pala kaming pag-usapan ni Tito. Hinanap ko agad siya sa buong bahay pero 'di ko siya nakita.

"Ma, nasaan si Tito?" Tanong ko habang papalakad sa may bandang kusina.

Lumingon naman sa akin si Mama. "Umalis ang Tito mo, mukhang biglaan ang lakad niya."

Tumango na lang ako at kumain. Pagkatapos kong kumain ay agad na akong dumiretso sa kusina ngunit kaagad na isinukbit ni Ate ang kaniyang braso sa akin at napatigil naman ako doon.

"Oh, anong mayroon?" Nakataas ang kilay niya sa akin.

Naalala ko si-- "Wala, Ate. Nakakabigla lang kasi."

"Ba't ka naman mabibigla? Sanay ka kaya 'pag hinahawakan kita ng ganito," Natawa siya at pinilit kong makisabay.

"N-nakakagulat ka lang, sis. Hindi naman kasi ako sanay sa mga panggugulat mo." Kabado talaga ako ngayon at hindi ko alam kung bakit.

Tumayo naman siya ng tuwid. "Oh, kamusta ba 'yung pagpunta niyo sa mall?"

Itinuon ko na lang din ang aking paningin sa ginagawa ko. "A-ayos, parang bonding na rin gan'on."

Tumango-tango siya at aalis na sana ngunit nakarinig kami ng katok ng pinto. Si Ate na ang nagbukas at biglang pumasok sina Gab.

"Goodmorning, baks." Bati pa nila sa akin at prenteng sumandal sa sofa sa sala na akala mo naman tanggap na tanggap namin bilang mga bisita.

Pagkatapos kong maghugas ay dumaan ako sa kanila. "Ang aga-aga nambubulabog kayo?"

Umirap naman si Kayne na ngayon ay mukhang inaantok pa. "May balak daw sila, swimming daw tayo."

"Walang kapaguran 'yang mga lakad niyo, ah." Sumabat si Ate na nakikinig pala sa usapan namin.

Napangiti naman sina Pau. "Hi, Ate Julia! Pasensiya na, ganito lang talaga namin sulitin ang bakasyon."

Ngumiti lang sa kaniya si Ate.

"Doon nga tayo sa may Agora Lake, wala naman doon masyadong tao kaya mukhang tayo-tayo lang doon bukas." Patuloy lamang sa pag-scroll si TJ sa kaniyang phone.

"Makapag-aya naman 'tong si bruha, ready na ba lahat ng mga kailangang dalhin?" Natatawang tanong ko habang umupo sa sofa katabi kay Juliette.

"Mag-aaya ba kami kung hindi?" Inismiran ako ni Kayne. "Ayos na lahat ng pagkain tsaka reservation natin doon, sasakay daw tayo sa van nina TJ."

"At siya ang magdadrive?" Hysterical na sambit ni Gab. "Naku, baka naman mategiy ako niyan ng wala sa oras! Sabunutan pa ako sa libing ko ni mudrakels!"

"Ang alam ko bawal ang bakla sa langit," Pambabara sa kaniya ni TJ.

"Ah, so magkikita-kita na lang tayo 'don?" Ngumiwi si Gab at natawa naman kami.

"Bumili 'yang mga 'yan kaninang umaga sa palengke," Tinuro niya sina Pau. "Ihaw na lang ang gagawin na'tin doon."

"Kapag walang uling, pwede natin gamitin mukha ni Gab." Tumawa ng malakas si Kayne pati sina TJ.

Silent Chase (Cita Tucana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon