Pinatayo muna ang mga babae para kunin ang kanilang mga face mask at maghintay sa gilid na parte ng gym. Pinaghintay muna ang mga lalaki dahil magkakaroon pa ng random line.
Huhulaan namin kung sino roon ang magiging partner namin. Sa unang part ay shuffled ang music, at isasayaw naming ang kahit sinong maunang tatapat sa amin. Matapos ang ilang rounds ng music ay kusa na naming hahanapin ang partner naming ngunit tuloy pa rin ang sayaw, maaari mong hugutin ang partner mo sa iba o kaya'y hintayin na tumapat mismo sayo ang partner mo.
Naunang maglakad ang batch line nina TJ sa may taas ng stage, habang ang batch line naman namin ay sa mismong dance floor upang hindi magkaroon ng bungguan dahil sa sobrang dami namin.
Sa unang tugtog ay mukhang malamyos ito, kasabay nang pagtapat sa akin ng unang partner. Naka-red siyang mask ngunit black ang kaniyang gown. Makinis ang balat ngunit hindi ito ganoong katangkad.
"Hello. Who are you?" Nagtataka niyang sambit sa'kin habang nakakapit sa balikat ko at bahagya pang nanginginig. Mukhang hindi ko pa 'to naging kaklase dahil hindi ko man lang namukhaan ang boses niya.
"Secret." I chuckled while still dancing with the first woman. Naging mabagal muna ang sayaw namin dahil mukhang nahihiya pa siyang kumilos. Hinayaan ko na lang dahil mukha pa siyang naiilang sa'kin.
Sa sunod na kanta ay nilipat naman ang ibang partner. Matangkad ito at nakatitig ng husto sa'kin. I don't know why but I knew she is somehow familliar to me.
"Oh, it's the handsome Julian Verces." Sambit niya habang hindi matanggal ang paningin sa'kin.
Nilapit ko ang aking labi sa kaniyang tainga. "How did you know it's me?"
"You're my crush since kinder," Ngumisi iyong babaeng kapareha ko at ginaya din ang ginawa ko sa kaniya. "And your own voice is making every woman crazy."
"Thanks, I'm flattered." Ngisi ko sa kaniya at kita kong namula siya. Hindi ko na talaga maiintindihan ang mga babae ngayon, bakit ang bilis naman nilang kiligin?
Nagpatuloy lang kami sa sayaw hanggang sa kinakailangan na naming lumipat sa tunay naming partner. Yung taong bubuo sa gabing 'to.
Akala ko'y hahanapin ko pa si Twinkle pero mukhang may ibang lalaki na umagaw ng kasayaw ko kanina at may ipinalit sa'king babae. Sumaludo pa muna sa akin iyong lalaki bago kunin iyong kasayaw ko kanina.
A woman in a high heels and wearing a red shiny gown. A woman that have a unique red and black gradient of mask that covers her attractive and tantalizing eyes.
"It's nice to have you in my arms, Miss Twinkle Virga Milan." I smirked as I moved her closer to me. She had this scent that made my sanity go wild.
"Are you sure it's me?" She used a sexy voice and I don't know how to react. Ginagamit niya ba itong boses niya kanina? What if other boys get attracted because of this? It's also driving me crazy and made my heart thump vigorously.
I chuckled sexily and guided her arms up onto my legs.
"Of course, it's the woman that I truly love."
Kita kong napakagat siya ng labi habang nagpatuloy kaming gumalaw sa indak ng musika. Malamyos ang tinig at sakto lamang upang sabayan ang ritmo.
"Gusto kitang isayaw ng mabagal," Kinanta ko iyong lyrics ng kanta na pinapatugtog ngayon. "Gusto kitang isayaw ng mabagal,"
Natawa siya ng mahina at napailing pero nakasabit pa rin ang kaniyang braso sa aking leeg. Nakatitig lang kami sa isa't isa, we are having the same ferocity of attraction as it is written in our mesmerizing eyes.
BINABASA MO ANG
Silent Chase (Cita Tucana Series #1)
DragosteJulian Verces, a gay engineering student that fell in love with a city girl. He had principles about adoring guys he like, but what if he will bend all these because of her that captured his heart? What if he found out the truth, will he still chas...