10

1.2K 52 2
                                    



Kaagad akong nagmulat nang marinig ko ang tunog ng alarm clock. Matutulog na sana ako ulit kaso ay pinagising ni Ate.

"Julian, may pasok ka pa."

Umungol lang ako at tumango hanggang sa narinig ko ang pagsara ng pinto. Tumitig muna ako sa kawalan ng ilang minuto bago ako bumangon at nag-ayos na ng higaan. 

Kinukusot ko pa ang mata ko habang patungo ng banyo. Nang matapos naman ako sa pagligo ay tinutuyo ko ang aking buhok ko habang naghahanap ng maisusuot. Naisip ko na lang na magsuot ng saktong t-shirt at black joggers. 

Natanaw ko ang itim na cap sa may itaas ng cabinet at iyon pa ang mas napansin ko kesa ang liptint na nasa gilid. Kinuha ko iyon dahil wala namang kwenta kung liptint ang kukunin ko lalo na ngayong tirik na tirik ang araw.

Lumabas ako ng kwarto sukbit ang isang laylayan ng bag sa isang balikat habang pinapaikot ang cap sa daliri ko. Bumaba na ako habang ganoon pa din ang ayos ko hanggang sa mamataan ako nina Ate at Mama.

Sabay nilang hinagod ako ng tingin pati na ang kabuuan ko.

"Bakit...anong...nangyari..." Hindi na maituloy ang sasabihin ni Ate at bumungisngis lang si Mama.

"Kumain na tayo," May kakaibang ngiti si Mama. "Natural lang na gumamit siya niyan, mainit ngayong umaga."

Tinuro pa ako ni Ate na parang 'di makapaniwala. "Pero...'di siya...gumamit ng ano..."

"Maupo ka na ate, kain na." Hindi ko na lang siya pinansin at kinuhanan na rin siya ng plato niya. Parang wala sa sarili pa siyang napaupo at humarap nalang sa may mesa.

Patuloy lang kami sa pagkain pero alam kong kanina pa ako binibigyan ng kakaibang tingin ni Ate, lalo na't napapansin kong naweweirduhan siya bigla sa mga kinikilos ko.

Nang matapos na ako kumain ay kaagad na akong nagpaalam kay Mama.  Humalik na lamang ako sa pisngi niya habang nakatulala pa rin talaga si Ate.

Umiling nalang ako bago naglakad papaalis. Alam kong sa mga bandang oras na'to ay gumigising pa lang ang mga bruha at mukhang may mga malalate pa. Kumbaga, si Juliette at Kayne ang mahilig magpa-late at kahit alam nilang late, kung makalakad ay akala mo wala lang sa kanila.

Papalakad na sana ako sa may bandang parahan ng tricycle nang makita ko si Twinkle na nasa may waiting shed. Mukhang naiinip na siya kakahintay dahil patuloy lang siya sa pagtapik ng kaniyang paa at lingon ng lingon.

Hindi ko maiwasang mapangisi dahil sa kung anu-anong pinaggagawa niya. Lumapit ako at kita kong bahagya na siyang pawisan sa may bandang noo. Pinapaypay niya ang kaniyang maliit na panyo sa kaniyang sarili.

Maganda ang suot niya ngayon, lalo na ngayong kita ang maputi niyang balat sa suot niya. Namumula din ang pisngi niya pero mapapansin mong simple lang siya pumorma. Ewan ko, mas nagugustuhan ko 'pag simple lang ang itsura.

Ngumiti naman siya nang mapansin ako. Nang makalapit ako sa kaniya ay hinila ko siya mula sa waiting shed patungo sa may gilid ng kalsada at kita kong napapiksi siya.

"Bakit mo'ko hinahatak? Papasok ako ngayon," Giit niya sa akin pero mukhang balak pa niya muling bumalik sa waiting shed kaya hinawakan ko na ang braso niya.

Humalukipkip siya sa akin at supladang tumingin. "Pwede ba? Sinabi nang naghihintay ako sa waiting shed dahil mainit at naghihintay lang ako ng masasakyan dahil iyon ang itinuro sa akin ni Tita---"

I just chuckled as I gently removed my cap on my head and put it in her head.

"Oh, ayan. Nagrereklamo kang mainit diba?" Nakakaloko akong ngumisi sa kaniya at kita kong napanguso siya.

Silent Chase (Cita Tucana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon