19

923 51 2
                                    



Pagkatapos ng mismong practice ay nagsimula na ring magsialisan ang lahat ng estudyante sa gym. Sabay naman kaming lumabas ni Twinkle.

Nakaakbay ako sa kaniya nang biglang may sumipol sa'min.

"Hoy, naging mag-awoj lang kayo kinalimutan niyo na kami!" Biglang sigaw ni TJ sa may kabilang daan.

Kaagad naman na tinakpan ni Kayne ang bunganga niya at nakangiting lumingon sa amin. "Inggit lang 'to si bruhilda kasi alam mo na, tekis pa ang lovelife kaya hindi makasulot ng fafa na kasing-pogi mo."

"Hahanapan na lang kita, POHU ulet tayo. Dapat bibilangin na'tin yung pandesal," Humalakhak si Gab.

"Oh, gagawin mo 'yun?" Nananantiyang tanong ni Pau. "Ano kayang mangyayari kung malaman 'yan ni Daenah--"

"Tara na nga, umuwi na tayo. Maggagabi na oh," Nginisian lang nila ang nakatalikod at nagmamadali nang bulto ni Gab pauwi.

Natawa na lang kami bago lumabas ng main campus. Sabay kaming sumakay sa tricycle at inalalayan ko naman siya. Humilig siya sa akin at hinawakan ko naman ang mga nagsisilaparan niyang buhok at binungkos ito habang nakaakbay ako sa kaniya.

Humilig siya sa'kin habang sabay naming nilalanghap ang malamig na hangin sa gabi. Pinanood namin ang tahimik na tanawin ng mga palay at kabundukan sa Agora. Sana lang ay hindi niya marinig ang lakas ng tibok ng puso ko.

Nang huminto kami sa may bukana ay bumaba na rin kami. Inalalayan ko siya ng husto at magkahawak-kamay kaming naglakad pauwi.

Kung kahapon, nababaliw lang ako na maisip kung ano ang dahilan kung bakit niya ako iniiwasan. Ngayon, para akong baliw na panay ang ngiti.

Pinapangarap ko lang dati na maging komportable siya sa'kin, iyong kakayanin niyang hawakan ang kamay ko. Ako kasi, kakayanin kong hawakan ang kamay niya buong magdamag.

"I want to know you more." Ngumiti ako sa kaniya. "I want to know every detail about you..."

"Sige. Gusto din naman kita talagang makilala ng husto," Nakalaylay ang dalawa naming magkahawak na kamay. "Magtatanong ako, sasagutin mo. Ganun din ang gagawin mo."

Tumango lang ako sa kaniya. "Sinong nakahalikan mo maliban kay Adrian?"

Hinampas niya ang braso ko gamit ang isa pa niyang kamay. "Bakit ba ganiyan yung mga tanong mo?"

"Gusto ko malaman." Kunot-noong saad ko sa kaniya. Gusto kong malaman kung sinong babalian ko ng buto.

Ngumiwi siya. "Ikaw palang."

Nagulat naman ako roon. "T-talaga?"

"Bihira lang din kasi kami magkita, kaya ayun." Nagkibit-balikat siya sa'kin. "Anyway, what's your favorite food?"

"Hindi kami pinalaking pihikan sa pagkain, e." Tumingin ako sa kaniya. "Kahit ano, kinakain ako."

"Anong pagkain? Kahit ano?" Napaubo siya sa sarili niyang tanong.

Mas lalong lumawak ang ngisi ko sa kaniya. I shamelessly licked my lips. "Oo, yung masarap. Yung mapapaungol ako sa sarap---"

"Ang bastos ng bunganga mo!" Pinanlakihan niya ako ng mata at namumula na ang kaniyang mukha.

"Bakit?" Inosente kong tanong. "Kapag nasasarapan ka talaga, normal lang 'yun. Magaling si Mama magluto, tsaka tinuturuan niya kami para hindi kami mahirapan paglaki namin."

"That's too bad, medyo hindi ako sanay magluto." Nahihiyang ngumiti siya sa'kin. "But I'll try to learn,"

Ayos lang sa'kin, ang mahalaga ikaw ang papakasalan ko at ikaw ang uuwian ko pagtapos ng trabaho.

Silent Chase (Cita Tucana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon