33

1K 38 4
                                    




Pakiramdam ko hindi naman ako nagtrabaho dahil sa bawat galaw niya ay sinisigurado kong nakikita at natatanaw ko siya. Kung kakailanganin ko na nga siyang itali ay gagawin ko na para siguraduhin ko lang na hindi siya gagawa ng kahit na ano.

Siya naman ay wala na sigurong ginawa kundi ang istorbohin ako. Nandoon siya sa mismong site buong araw at ginugulo lang kami habang nagtatrabaho.

Nahihirapan rin akong hindi siya pansinin lalo na't kung ano-ano na ang ginagawa niya para makuha ang atensiyon ko. That girl really gets what she wants, and she is a spoiled brat up until now.

Naiiling na lang ako na mukhang sinanay siya na makuha lahat ng gusto niya. What would I expect anyway? She is a rich manila girl, she actually belongs here.

Ngayon ko lang tuluyang napansin ang agwat namin noon. Akala ko porket kinaya niyang lumipat at manirahan saglit sa lugar namin, kaya na niyang tuluyan na tanggapin kung anong pamumuhay mayroon ako.

Ako na mismo ang nagpapilit na umuwi na siya lalo na noong malapit nang sumapit ang hapon. Sumasakit na ang ulo ko dahil sa mga pinaggagawa niya.

Nang sumunod na araw ay kaagad na nanlaki ang mga mata ko dahil naroon rin siya mismo, na para bang kaswal lang ang pag-uusap sa ibang mga trabahador.

Mukhang masaya pa ang pag-uusap nila dahil rinig na rinig ko ang mga tawanan nila mula sa malayo. Tinanghali ako dahil may inaayos pa'kong schedule sa opisina pero mukhang sakto lang ang oras nang kaniyang pagpunta.

"What are you doing here?" Hindi ko siya mapigilang tanungin at nakita ko namang nagtaas sila ng tingin sa'kin.

"Oh, Julian you're here!" Masaya niyang sabi at kaagad na kinuha ang kaniyang bag at mukhang may hinalughog. "Uhm, here. I got lunch for you, ginawa ko iyan para sa'yo."

Tinignan ko lang saglit yung bag na dala-dala niya bago siya tinignan. Alam kong may sushi sa loob pati na cordon bleu.

"Kumain na'ko," Saad ko at nilampasan na siya. Narinig ko naman ang paghabol niya dahil sa mismong tunog ng kaniyang mga takong.

"It's fine, iiwan ko na lang dito. Baka lang kasi, magutom ka mula sa trabaho mo—"

"It's fine, I'll order my own later." Pinigilan ko siya at kinuha ko agad iyong phone ko para tawagan ang aking sekretarya na nasa site ako at mas mabuti nang alam niya para sa mga schedules at meetings.

"Ha, uhm hindi mo man lang ba titikman?" Malungkot at nag-aalangan niyang tugon sa'kin. "Maybe you can try at first para naman malaman ko kung ano pang pwede kong gawin for improvement—"

"Hindi ako mahilig kumain ng mga ganiyan, mas sanay ako sa mga lutong-pambahay." Tugon ko at kita kong natigilan siya. Ako kasi ang madalas nang nagluluto ng mga pagkain ko dahil tinuruan ako ni Mama simula noong grumaduate ako.

Baka daw kasi umasa lang ako sa mga restaurants at mga mamahaling pagkain. Mas mabuti na daw na marunong ako dahil ito naman ito ang nakasanayan ko simula pa pagkabata.

"Oh, i-is that so?" Dahan-dahan niyang tinago muli yung kanina pa niyang ipinapakita sa'kin. "Then, uhm I'll just to try and teach myself on that dishes. A-ano bang pagkaing gusto mo? Maybe, I can uhm cook it for you tomorrow."

"See? You don't even know my favorite food," I chuckled sarcastically at nakita ko siyang nagbaba ng tingin. "Oh, what would I expect anyway? Baka nakalimutan mo na rin kung paano tayo nagkakilala?"

Ganoon lang siguro talaga kabilis para sa kaniya na kalimutan lahat ng ala-alang mayroon kami noon. I'm expecting much from here, now that she have an advantage in knowing me so well. Mukhang nagkamali ako.

Silent Chase (Cita Tucana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon