15

1K 37 4
                                    




"Tangina, bakit 'di mo siya sinalo?!"

Kusang umalingawngaw ang boses ko sa buong gym. Pero wala akong pakialam, kaagad kong pinuntahan si Twinkle at marahang binuhat.

Sa paglalakad namin ay hindi maiwasan ng iba na tumingin sa amin habang patungo kami sa clinic. Mukhang nakasunod sa amin 'yung iba kong mga kaibigan pero tuloy-tuloy lang ako.

Nang tuluyan na kaming makapunta kami sa clinic ay dahan-dahan ko na siyang inilapag sa may kama. Ako na din ang naghanap ng nurse para tignan siya.

"Oh em, girl. Kamusta, ayos ka lang ba?" Tanong agad ni TJ sa kaniya pagkalapit. Sumunod naman sina Kayne sa may gilid ng clinic bed.

Lalapit na sana si Gab at nang akmang hahaplusin nito ang bandang hita ay kaagad ko itong mahinang tinampal.

"Aray, baks." Hinaplos niya ang kamay niya. "Grabe naman, kapatid lang turing ko sa kaniya. Sister touch lang 'yun."

"Kung bigyan kaya kita ng magkapatid na suntok?" Seryoso kong saad at pilit naman siyang ngumiti bago pumunta doon sa may malapit sa kurtina.

"Alin ang masakit sa'yo?" Tanong ng nurse kay Twinkle.

Umiling naman si Twinkle at napakagat ng labi. "Uhm...wala naman po. Nahulog lang ako at kumirot lang ng unti ang likod ko, pero a-ayos lang naman."

Hinarap naman ako ni Pau. "Ang bilis naman kasi ni baks, ayaw magpaawat. Biglang sinuntok si Michael labs niya, ayan tuloy."

"Hindi naman din kasi siya iningatan, alam mo namang nag-aalala sa kaniya si Julian. Sa pagkahulog, ayan naging instant boksingero. Isa pa, responsibilidad ng lifter ang kaligtasan ng mga flyer."

"Ay, weh? Ganun ba talaga 'yun? Akala ko kemerut lang ni baks 'yun para gumawa ng eksena sa crush niya. Baka inakala niyang lilipad si Twinkle,"

"Kung ikaw kaya paliparin ko?" Tanong sa kaniya ni Gab.

"Ayos lang naman, kaya ko." Tumingin sa akin si Twinkle. "Salamat Juls, pasensiya na kung nag-alala ka."

"Swerte mo, kiray!" Mahinang sinabunutan siya ni TJ. "Ako nga, mamamatay na sa takot nung mahuhulog ako sa kalabaw tapos tinawanan lang ako hanggang sa dumiretso mukha ko sa may putikan."

Hindi ko na pinansin ang mga tawanan at pumunta na lang ako sa may nurse. 

"Uhm, miss. May gamot bang pwedeng pangtanggal ng kirot ng likod niya?"

Inabutan niya ako ng Salon pas. "Apat na pads ilagay mo kung saan kumikirot, mostly nauubusan nga kami ng stocks rito dahil palaging ang mga cheerdancers ang humihingi nito."

"Salamat, miss." Saad ko at sinimulang mag-focus kung paano tanggalin sa apat na piraso iyong magkakadikit na pads.

Natawa siya. "Call me Daenah, puro ka miss. Hindi naman magkalayo ang agwat ng edad natin,"

"Ikaw si Daenah?" Kunot-noong tanong ko. Tsaka ko lang napansin ang mukha niya bago may naalala. "Si Gab---"

"Hindi niya ako napansin kanina, nahuli siyang pumasok." Ngumisi lang siya bago itago ang mukha niya gamit ang mask. "Huwag kang magsasabi. Baka magwala pa rito, ayoko ng gulo."

Tumango na lang ako. "Sige, makakaasa ka."

Tsaka niya itinulak muli ang cart na may iba't ibang gamot bago tumungo sa sarili niyang station. Ako naman ay dumiretso na kina Twinkle.

Silent Chase (Cita Tucana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon