Malakas na buga ng hangin ang bumungad sa akin papasok sa mall.
Napapikit ako habang pinipigilang mainis. Shuta naman kasi, ang tagal kong inayos tong bangs ko tas liliparin lang? Ugh, kairita.
Nang makita ko naman si Twinkle na bahagyang bumagal sa paglakad, hindi na'ko makatiis at kaagad ko na siyang kinalabit.
"Girl, halika na. Nauuna na sila oh," Aya ko at itinaas naman niya ang kaniyang isang kamay habang abala sa pagtatali ng sintas ng sapatos.
Noong unang pagtali niya ay masikip, at tinanggal na naman niya ulit at sa ikalawang pagkakataon ay maluwag naman kaya agad na natanggal. Napairap na lang ako sa hangin bago lumuhod at ako na ang kusang nagtali ng sintas niya.
Nang matapos ay umayos na ako ng tayo at habang pinagpagpagan ko ng unti ang aking pang-ibaba mula sa mga dumikit na germs at bacteria ay kinawit niya ang kaniyang braso sa akin.
Bahagya naman akong nanigas at hindi ko na maipaliwanag ang pakiramdam na kung ano sa tiyan ko, bumibilis na rin ang tibok ng puso ko na para bang tumakbo ako mula bahay namin hanggang dito. Julian naman, sinabing bakla ka e!
"Salamat sis, so let's go?" Wala sa sariling sumabay na lang ako sa lakad niya habang papunta kami sa direksiyon nina Gab.
Napansin ko naman ang iilang titig sa amin ng mga lalaking kustomer noong pumasok muna kami sa isang clothing store. Tinitigan nila si Twinkle mula ulo hanggang baba pero nakasabit pa rin ang braso namin sa isa't isa at abala sa pagtingin si Twinkle.
Umirap lang ako at mas lalo ko pang inilapit ang sarili ko kay Twinkle tapos binelatan sila ng slight. Mainggit kayo, duh.
Nang mapatingin siya sa akin ay bahagya niyang iniliko ang kaniyang paningin at walang sabi-sabing umalis. Ngumiting tagumpay naman ako bago lumingon ulit sa kanila.
"Bhie, bagay ba sa akin 'to?" Tanong ni Gab kay Kayne at napailing naman sila.
"Hindi eh, tingin ka kaya sa salamin? Daig mo pa ang mga losyang na madre sa catholic school."
"Atleast hindi mukhang presong adik na nakatakas sa kulungan." Tinuro nito si TJ na busy sa pagsusukat ng orange na damit na may stripes pa.
"Eh, bakit ikaw? Hindi ka pa nakasuot mukha ka nang adik." Natawa kami sa pambabara ni TJ.
"Heto, Twinkle. Bagay 'to sa'yo, may taste ako sa damit." Kumindat sa kaniya si Paulene at iminuwestra ang fitting room. Bago pa ako makapagprotesta ay agad na ngumiti si Twinkle at nagbihis.
Lihim naman akong napasimangot nang mawala ang pagkakapit ng kaniyang braso sa akin. Kahit kasi saan siya tumingin ng mga damit ay sama-sama niya ako. Hindi ako si boots ha, ako si Dora kasi ayokong maging unggoy at kalerks naman kung ganoon. Kahit papaano'y may buhok si Dora so palit na lang kami.
"Hmm, may nag-eenjoy kanina." Nakarinig ako ng pagkanta ni Juliette. Napalingon ako sa kaniya ngunit nakita ko siyang nakangisi habang nakatingin pa rin sa mga damit.
"May sinasabi ka?" Nakataas ang kilay na tanong ko. Bakit ba kasi nag-iiba ako ng ugali kapag nariyan si Twinkle? Nahihirapan akong kontrolin ang sarili ko na umasta tulad ng nakasanayan ko.
Napatingin naman siya sa akin at ramdam ko ang pilit niyang tawa. "Ang sabi ko, nag-enjoy kami sa pagpili dun sa may bandang kabilang section. Puro kasi bagsak-presyo, e."
Napatango ako kahit sa loob-loob ay gusto ko nang kurutin ang bewang ko. Umayos ka, baklita! Masyado ka na atang napaghahalataan, goodness.
Nang tuluyan nang lumabas si Twinkle sa fitting room ay halos lumuwa ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Silent Chase (Cita Tucana Series #1)
RomanceJulian Verces, a gay engineering student that fell in love with a city girl. He had principles about adoring guys he like, but what if he will bend all these because of her that captured his heart? What if he found out the truth, will he still chas...