35

1.3K 46 11
                                    




"Goodmorning, Engineer Verces!" Tumango lang ako at ngumiti sa trabahador na bumati sa'kin. Maaga na akong pumasok ngayon dahil wala si Felix para magbantay sa kabilang palapag.

Tinignan ko na kung maayos yung mga measurements o kailangan pa ng mismong adjustments para sa mga tiles na ilalagay. Mabuti na lang at sakto yung sinukat nila para sa mismong gilid kaya hindi na sila mahihirapang maglagay.

Pagkapunta ko sa kabilang bakanteng kwarto ay bukas ang kabilang bintana kaya tanaw na tanaw ko agad ang isang kotse na pumarada sa mismong gilid ng sasakyan ko.

Hindi ko na iyon pinansin at tumulong na'ko maglagay ng mga mahahabang bakal mula sa kabila dahil mahihirapan sila kapag sa itaas ito nanggaling.

"Goodmorning, Julian."

Hindi ako lumingon at nagpatuloy lang sa aking ginagawa nang maramdaman ko yung presensya ni Twinkle sa mismong likod ko. Tinapik-tapik niya ang balikat ko pero hindi ko siya pinansin.

"Bad mood ka yata, o kulang ka sa tulog?" Natatawa niyang sambit. "You told me you liked lutong-bahay right? Uhm, I c-cooked kaldereta for you—"

"Hindi ako kumakain ng kaldereta." Kaagad kong sabi at tumayo na bago maglakad paalis.

Nauna na'kong maglakad pababa pero alam kong sumusunod siya sa'kin dahil sa takong ng sapatos niya kaya kaagad na akong huminto at binaba yung measuring tape na hawak ko.

"Stop following me. What do you want?" Kusa ko na siyang kinompronta at kita ko namang napatingin siya sa'kin. "You may leave the site if you have nothing to do."

"I'm trying to do my best and create efforts for you." Napakagat siya ng labi. "Kung gusto mo, samahan nalang kita mag-breakfast. Hindi rin naman ako kumain kaninang umaga—"

"Nagawa mo ngang kumain kasama siya, bakit hindi na lang siya yayain mo?" Sarkastiko kong tanong.

"Uhm, who?" Naguguluhan niyang tanong bago mapaisip ng mabuti. "O-oh. That was just dinner, wala naman kasi siyang kasama and he pleaded that's why I ate with him at the restaurant—"

"Iyon nga lang ba?" Tinignan ko siya saglit bago ibalik ang aking paningin sa mismong blueprint. "Sabagay, bakit pa naman kita papaniwalaan pa? Kinaya mo ngang magsinungaling para sa nararamdaman mo sa'kin diba? Pinaniwala mo'ko na mahal kita—"

"Stop." Saad niya sa'kin at hindi maipaliwanag ang emosyon sa kaniyang mukha. "What's all about this, Julian? Kaya nga ako bumabawi sa lahat ng mga bagay na pinagsisihan ko noon. Why are you bringing up our past again?"

"Sa tingin mo ba hindi ko naalala lahat ng sinabi mo sa'kin?" I blazed my eyes at her. "I'm still affected by what you said that day, Twinkle! I was ready to build a future with you but you left me alone saying you still love him! Do you know how hard it is to me thinking every night if I am enough for you?!"

"I have reasons, Julian." Mahinahon niyang sabi sa'kin. "Hindi ko naman ginusto na sabihin ko 'yun sa'yo. I tried hard to find words to make it light but I needed to go straight to the point because I know it will be hard for me to let you go."

I stepped slowly to her as she slowly stepped backwards also. "Then tell me your reasons. Baka sakaling, matanggap ko pa iyang paghingi mo ng patawad."

Huminga muna siya ng malalim. " I'm s-sorry. H-hindi ko pa kayang sabihin sa'yo—"

"Then it's fine with me. Get out of my sight." Nakatiim-bagang kong saad at lalakad na sana palayo pero kaagad niya akong hinawakan kaya hinablot ko ang kamay ko pabalik at marahas siyang tinignan. "Wala akong hiniling sa'yo kundi ang bigyan ako ng tamang rason bakit mo'ko iniwan ng gan'on lang! Hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko! Just make me understand—"

Silent Chase (Cita Tucana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon