Chapter 49

98 2 0
                                    

Alexander's POV




After naming mag usap bilang pamilya about nga dun sa party ay napagpasyahan kung yayain si Ivy mag lunch at para ma Invite ko na den sya sa Party. You know? Ayokong ma OP dun.



Sa pagkakaalam ko kase ay sa isa sa mga Luxurious na Yacht ni Lolo daw gaganapin yung party. No Media, No News Reporter or anything regardless about publicity. It's a private party for those people na kasama sa pag angat at paglago ng kompanya.





Bumaba nako sa kotse ko at pumasok na sa room mabuti nalang at di ako late. Agad ko namang hinanap si Ivy mabuti nalang at nandyan sya. Agad naman akong umupo sa tabi nya. Wala pa namang teacher eh. Kaya pwede ko pang chikahin tong Gagang to! Matagal tagal ko na den tong di naka Chika Minutes eh.




"Hoy! Babae!". Pang aagaw ko ng atensyon nya. Tiningnan nya naman ako tsaka tinaasan ako ng isang kilay. Aba! Nagmamaldita. "Wag mo ko malditahan Gaga! Sasapakin kita!". Iniripan naman ako nito.



"What?!"



"Hindi ko ramdam yung pagka-attitude mo! As in!". Remember the Sarcastic Tone B*tches.



"Pake ko? Ano ba yun Alexander? Wala akong time makipag-chikahan sayo! Pagkatapos mong mag confess saken? Mag aacting ka ng ganyan saken para bang walang nangyari?! Ano ba yun?! Ha?!". Natigilan naman ako sa sinabi nya. Oo nga pala. Umamin nako kay Ivy nung nakaraan. OMG! Muntik ko ng makalimutan!





"Ah eh sama ka? Sa Lunch m-mamaya?". Napa-kamot pa ako sa batok ko dahil sa hiya. Boba ka kasi Alexander Ford eh!




"Libre mo?". Agad naman nagbago ang mood ko dahil sa tanong nya. P*ta naman! Mukhang mabuburautan na naman ako ng babaeng to ah!



"Aishhh Fine!". Kung di lang kita kailangan at mahal eh!  Napa-ngiti naman ako dahil sinabi ng isip ko. Kaloka! Sarili kung banat, ako naman kinikilig. P*tang yan HAHAHAHAHA what ever.




Anong nangyari sayo Alexander?! Akala ko ba loyal tayo sa mga Boys dito sa Campus? Bat parang nag iba ata ang ihip ng hangin? Wahhhhh! What ever!




"Very Good yan Sis, Plus 1000 ka sa langit". Ngumiti naman ito at tinapik yung balikat ko. Iniripan ko nalang sya dahil sa ginawa nya. "Try mo ko iripan ulit! Tutusukin ko ng ballpen yang mata mo!"




"Heh!"





"Tss.. gusto daw ako pero di pa ren nagbabago". Bulong nito pero dinig na dinig ko naman.




"Ano?". Sige acting pa Sis. Kunware di mo narinig.




"Wala! Sabi ko cute ako!". Dahil sa sinabi nya ay nag acting actingan pa akong nasusuka. Yakk! "Di ka titigil?". Seryusong tanong nito kaya umayos nako ng upo. "Good Dog"




"Dog mo mukha mo!"



"Whatever Alexander Ford!"




"Whatever mo mukha mo! Hoy Gaga ka! Di mo sinasabi saken na nag reach ka na pala ng 500K subscriber sa YouTube! Wao! Famous ka na pala Teh? Dapat ikaw yung manglibre saten eh". Oo nga! Umabot ng 500K Subs yung Gaga. Dahil siguro kay Ice. Mangagamit den to eh! Charot!




"Heh! Pake mo? Tsaka anong libre libre? Wala akong pera". Walang pera. Ano ako Bobo para maniwala? As far as i know. Malaki laki na kita nya.




Di nako nakipagtalo dahil dumating na yung teacher namin. Next Month na den pala yung Graduation namin. Hayst sa wakas! Bakasyon na! Makakapag relax na din utak ko. Pero pagkatapos ng bakasyon ay Welcome to College Life at kailangan ng magseryuso. Hays. Imbes na mag-isip ako ng kung ano ano ay nakinig nalang ako sa discussion ni Ma'am.



CAFETERIA




"Ano bang pag uusapan natin?". Iniripan ko naman sya dahil sa tono ng pagtatanong nya.




"Wag mo naman ipahalata na di mo ko gustong makasama". Remember the sarcastic in my tone. Masyadong pahalata eh. Nangigigil ako.




"Che! Ano ba kasi yun? You're wasting my time"




"Choserang Palaka! Oh!". Binigay ko naman sa kanya yung Invitation para dun sa Party. Bongga nga si Lolo eh! Ready na lahat. Kulang na lang talaga is yung dadalo sa Party.




"Anong gagawin ko dito?". Tanong nya saken habang binabasa yung Invitation.




"Isasawsaw mo sa Juice mo at kainin, promise masarap yan". Minsan talaga may pagka-slow din tong babaeng to eh. Iniripan ko nalang sya at kinain yung Spaghetti ko. Na iistress ako kay Ivy. My ghuuuud!



"Litseng to! Para saan nga to?". Tanong nya saken. Amp.


"Gusto kita maging partner"




"Kapal mo naman, di mo man lang ako tinanong kung gusto kita-"



"Gusto mo ba?"




"Oo-"




"Ako?"


"Oo". Namula naman ako sa sinagot nya. Nakita ko naman syang parang nagulat sa sinagot nya. "P*TA! ALEXANDER!". Tumayo naman sya at binatukan ako HAHAHAHAHA sigurado akong maraming naka-tinggin na samen ngayon. Dahil sa kagagahan ng kasama ko. "I mean, Oo papayag akong maging Partner mo pero yung m-magiging s-sayo-"




"Ano? Bat ka nauutal?"




"P*ta ka! Tumigil ka nga!". Umupo sya ulit at kinain yung pagkain nya habang naka-bunsangot yung mukha nya. Ako naman ay tawang tawa sa mukha nya. "Di ka titigil kakatawa? Isasaksak ko tong tinidor sa ngala ngala mo". Agad naman akong tumigil kakatawa kase baka saksakin talaga ako nito HEHEHE gusto ko pa mabuhay. Gusto ko pa sya pakasalan. Enebe!





"So? Ano? Payag ka na maging partner ko?". Tanong ko sa kanya. Tiningnan nya naman ako at ngumiti na parang nagpapa-cute. Alam ko na kakahuntungan nito. Leche!




"HEHEHE oo pero sa isang kondisyon". Sabi na eh.






"Ano namang kondisyon yan? Aber?". Tinaasan ko sya ng isang kilay at pinag-cross yung dalawang kamay ko sa dibdib ko. Gets nyo? Kung di nyo gets. Di ko na problema yun. Charot.




"Bil-"





"Alexander pwede ba kitang maka-usap?". Agad akong tumingin sa taong umepal sa usapan namin ni Ivy.




"Oh! Jezzia! Ikaw pala!". T*ngina! Epal naman tong si President. Charot.




"Oo ako nga, pwede ba kitang maka-usap? Importante lang?". Kita ko sa mata nya na mukhang importante talaga yung sabihin nya kaya nagpaalam muna ako kay Ivy.





"Sis, kausapin ko muna to ah". Narinig ko naman syang napa-buntong hininga.




"Ok, wala naman akong magagawa". Tumayo naman sya at umalis. Susundan ko sana sya pero hinawakan ni Jezzia yung braso ko.





"Hayaan mo sya, importante tong sasabihin ko". Agad naman akong kinabahan sa tono ng pananalita ni Jezzia. Parang mukhang seryuso nga talaga tong sasabihin nya.





Tiningnan ko ulit si Ivy na palabas na ng Canteen. Nagpakawala nalang ako ng isang malalim ng buntong hininga at sumunod na kay Jezzia. Sisiguraduhin lang ng epal na babaeng to na importante yung sasabihin nya dahil kung hindi. Makakatay ko sya. Ugh! Kairita!







-END_OF_CHAPTER_49-





Merry Christmas everyone HAHAHAHA

My Boyfriend Is A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon