Chapter 19

510 16 1
                                    

Warning:
⚠️MAY TYPO
⚠️WRONG GRAMMAR (maybe? kayo na humusga!)
⚠️MAY BAD WORDS

PLEASE FOLLOW ME AND VOTE MY STORIES!❤️





Alexander's POV


Nasaan na kaya ang babaeng yun? Kanina pa ako naghihintay sa kanya. Mga 10 minutes na siguro. Nakita ko na rin yung kotse Chairman. Mabuti nalang at nasa loob ako ng guardhouse nung dumaan sila Chairman. Kasi pag nakita ako nun ay mapapagalitan ako sigurado.




*BEEP*BEEP*BEEP*




Lumabas naman ako ng Guardhouse nung may narinig akong nagbusina. Nakita ko namang kinaka-usap ni Manong Guard yung bumusina.




"Alexander!!!". Sigaw ni Ivy. Ay! Si Ivy pala yung bumusina. Kala ko kasi isa sa mga may bahay dito sa Village. Lumapit naman ako dun.




"Manong! Manong! Girlfriend ko po!". Agad naman akong nginitian ni Manong.




"Aba! Girlfriend mo pala to Iho! Ang Ganda nya! Sensya na Iha akala ko kasi kung sino". At yumuko naman si Manong. May lahi bang koreano si Manong? Lakas maka-yuko eh!



"Awsus! Ok lang po yun!". Nag-smile lang si Manong Guard at umalis na rin. Tiningnan ko naman si Ivy ngayon na ibang iba ang mukha nya.



*DUG*DUG*DUG*




Ito na naman yung puso ko. Nagiging abnormal na naman.




"Ano pang tinutunga-nga mo dyan? Akala ko ba late na ako?". Reklamo ni Ivy. Hanggang kelan talaga! Ang babaeng to! Sarap itapon sa Venus! Panira ng moment eh!



"Tss... Bumaba ka dyan!". Ako



"Bat ako bababa? Kotse ko to uyy!!"




"Di ko ina-angkin kotse mo! Marami akong pera para bumili ng bagong kotse! Bumaba ka dyan kasi ako ang mag-dri drive papunta sa bahay!"



"Oo na kamahalan! Bwesit na to!". Bumaba nalang sya at pumunta sa may upuan sa gilid ng mag-dridrive.

(A/N: ano ba tawag dun? Di ko alam eh! Comment nyo nalang para ma-edit ko! LOVELOTS! *hugs*)



Pumasok nalang rin ako sa kotse. At ako nalang ang nag-drive. Napansin ko rin na ibang kotse ang gamit nya.




"Bago?". Tanong ko sa kanya.




"Hindi, ke Mom to hiniram ko lang". Sagot nito saken. Narinig ko naman na napa-buntong hininga sya. May problema ba? O kinakabahan ba sya?



"May problema ba?"



"Kinakabahan kasi ako, baka mamaya malaman na nagpapanggap lang pala tayo"




"Hindi yan! Basta ang isipin mo lang parang totoo tayong mag jowa"




"O-ok". Na-iilang nyang sagot. Napa-smile nalang ako kasi kitang kita sa mukha nya ang takot. Hinawakan ko nalang yung kamay nya-



*DUG*DUG*DUG*DUG*DUG*




Parang biglang may kuryenteng pumasok sa katawan ko nung hinawakan ko yung kamay ni Ivy. Sh*t! Bakit may ganito?!




Ivy's POV




Ng maramdaman kung hinawakan ni Alexander yung kamay ko ay biglang nalang nagsi-tayuan bigla ang mga balahibo ko.




*DUG*DUG*DUG*- ay abnormal na puso to! Bakit may ganito!? Tiningnan ko naman si Alexander na ngayon ay naka-tuon lang ang pansin sa daan habang nag-dridrive pero naka-hawak pa rin sya sa kamay ko.





Sa totoo lang hindi ito ang unang beses na naramdaman ko ang ganitong paki-ramdam. Nangyari na ito saken nung nasa America ako nag-aaral. Nangyayari ito saken pagnakikita ko at nakakasama ko si JD. JD is my first crush. Naging crush ko sya noong Grade 6 sa hindi malamang dahilan. Gwapo sya. Matangos ang ilong, kissable lips, blue eyes, clear skin, at maskulado rin. Half Filipino, Half Americano. FilAm sya for short. Yung nanay nya is Filipina yung tatay nya naman si Americano. Pero kahit na nasa America sya tumitira ay marunong syang mag-tagalog kaya pagnag-kakausap kami eh di ako slow. Haha. Sa tuwing nakikita ko sya ay kasi parang buo na yung araw ko. Sa tuwing lumalapit naman sya saken ay parang hinahabol ako ng kabayo sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.





Pero iba tung ke Alexander eh. Ang bilis ng tibok ng puso ko tuwing hinahawakan nya yung kamay o di naman kaya kapag sobrang lapit nya saken. Para bang masaya na ang boung araw ko pag-kasama ko sya o ka-usap ko sya. Yung feeling na parang kinikiliti yung puso mo. Ayssshh! Nagugulahan na ako sa mga nangyayari sa buhay ko! Di ko alam kung ano tong nangyayari saken. Sana nga mali yung nasa isip ko ngayon. Sana nga mali.






"Nandito na tayo". Agad naman ako bumalik sa wisyo ng nagsalita si Alexander. Tumingin naman ako sa paligid at nakita ko ang bahay nila Alexander at sobrang ganda! Sobrang laki. Mas malaki pa sa bahay namin. Yung design naman ay modernong moderno. Puno rin ng mga ilaw na mas lalong nagpalitaw pa ng kagandahan ng kanilang bahay.





First time ko kasing maka-punta sa bahay nila Alexander. Oo! Totoo yun! Antagal tagal na naming mag-kaibigan ngayon lang ako naka-punta sa kanila. Kahit Birthday nya. Sa labas kasi kami nag-cecelebrate ng Birthday. Ewan ko nga sa baklang yun eh! Ayaw nya kasing mag-celebrate sa bahay nila. Ang ganda naman ng bahay nila! Siguro kung ako ang may ari ng bahay nila ay naku! Siguro Gabi Gabi msy pa Party! Pero sayang hindi ako ang may-ari. Kaya in my dreams nalang.





"Ang ganda naman ng bahay nyo!". Puri ko sa kanya habang tumitingin pa sa iba't ibang bahagi ng bahay.





"I know! Kaya halika na pumasok na tayo! Late na tayo eh!". Pshh... Bat bigla tong nag-sungit? Napa-irap nalang ako at maglalakad na sana pero hinawakan nya yung kamay ko.





*DUG*DUG*DUG*DUG*DUG*- nandyan na naman yung abnormal na beat ng puso ko.





"Mag jowa na tayo, Remember?". Bulong saken ni Alexander. Oo nga pala! Kaya kailangan galingan ang pag-aacting. Ng maka-pasok na kami nung bahay ni Alexander ay sinalubong kami ng napaka-raming Yaya. Kaka-loka? May pa ganito?





Sa totoo lang nahihiya ako kasi di ko to nararanasan sa bahay kasi isang lang yung Maid namin sa bahay. Aminado naman akong mayaman kami pero ayaw lang kasi ni Mom na marami yung tao sa bahay. Nahihiya rin ako kasi pag-dumadaan kami eh nag-bobow sila. Ano Royal Family lang ang peg? Nakaka-hiya talaga! Pero kinakabahan na rin ako kasi first time kung makita yung Lolo ni Alexander. At basi sa mga kwento nya ay nakakatakot daw yung Lolo nya.





"Are you ready?". Tanong naman saken ni Alexander na halata ring kabado.





"M-maybe". Na-uutal kung sagot sa kanya. Totoo naman eh! Mukhang Ready ako na Hindi! Kung pwede nga lang mag-back out eh. Nag back-out na ako.





"Maybe? Bakit naman?". Hinarap naman ako ni Alexander at tiningnan sa mata.





*DUG*DUG*DUG*- ito naman! Yung abnormal na heart beat ko. Habang naka-tinggin ako ke Alexander ay parang nag-slow mo ang lahat. Yung parang sya lang yung nakikita ko. Yung mga Mata nya na mapang-akit. Para kang hini-hypnotized. WTF?! Anong nangyayari saken?!






-乇几ⅅ_ㄖ千_匚卄卂卩ㄒ乇尺_19-






My Official Social Media Accounts:
Facebook: Leo Cris Clatero
FB page: Leo Cris Clatero/ Leo Cris Updates
Twitter: @leo_clatero

-PLEASE FOLLOW MY ACCOUNT FOR MORE INFO.👆

-VOTE MY STORIES❤️

My Boyfriend Is A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon