Chapter 41

224 11 0
                                    

Ivy's POV



Sa wakas! Matatapos na din ang month ng January at mag fe-February na din. Valentine's na— wag ka ngang excited wala ka namang ka date.




Aba't! Hoy Self! Tumahimik ka! Di mo ko pinapatapos eh! —ay! sorry naman.



Singit kasi ng singit. Hmp!



Mag Fefebruary na rin at magkakaroon na naman ng Grand Night Ball. Yeah! Bago namin i celebrate ang Valentine's ay mag gra-Grand Ball muna kami. Noong nakaraang taon ay wala akong partner kasi tong baklang si Alexander pumuntang USA dahil may gagawin. Naloloka nga ako eh! Kaya ayun! Mag isa akong pumunta sa Party. Wala akong ginawa kundi kumain. Sabi nga ni Mommy' sayang daw yung kagandahan ko at gown ko kasi di ko naman fineflex. As if may care ako sa gown at kagandahan ko? Remember? Pagkain lang, ok na.




"Ivy, mag usap tayo". Agad naman akong napa-tinggin kay Alexander ng mag salita sya. Ano namang dinadrama nitong Bakla na to? Lately, napapansin ko yung pagiging matamlay nya.




"Yeah! Mag uusap talaga tayo, hintayin lang natin si Jade". Nung nakaraan ko pa sana kakausapin si Alexander pero na uudlot sa tuwing nagyayaya si Jade lumabas.




"Bat pa natin hihintayin yun? Halika na!". Wala nakong nagawa ng hilahin ako ni Alexander papunta sa kotse nya. Bwesit na bakla to!



"Ano ba?!"




"May kotse naman sya Ivy and ako na mag hahatid sayo, di na kita nahahatid nung mga nakaraan eh". Yeah! kasi si Jade na yung naghahatid saken pa uwi nung mga nakaraan.




"Ewan ko sayo!". Naka busangot kung sabi sa kanya. Kinuha ko nalang yung cellphone ko at tinext si Jade.




"Yung iPhone parin pala na binili natin yung ginagamit mo?". Tanong saken ni Alexander habang nagmamaneho sya.




"Oo naman, bigay mo saken eh! Mahal mahal kaya nito". Sagot ko sa kanya.




"Kagaya ng pagmamahal ko sayo". Bulong nito pero narinig ko naman. Agad naman na bumilis ang tibok ng puso ko— paanong tibok?



Panira talaga to si Self eh —napadaan lang HAHAHA




*DUG
*DUG
*DUG



"H-huh?".  Nag acting ako na parang walang narinig.




"Wala!". Sagot nito at nagpatuloy lang sa pagmamaneho.




"Ok, sabi mo eh"




Tumingin nalang ako sa dinadaanan namin habang nagmumuni. Kailangan kung makausap si Alexander tungkol dun sa kontrata namin. Ang balita ko kasi wala na daw ang Lolo nya dito sa Pinas. Diba? Yung usapan namin pag wala na yung Lolo nya sa Pinas ay titigil na kami sa pag-acct bilang mag jowa? Masakit man isipin na pagkatapos ng usapan namin ay mawawala na yung kontrata—paanong saket Ivy?




Put*ngina! Panira ka talaga self! —uy! bad words!





Shatap! —ito na po.




Mabilis lang ang naging byahe namin ni Alexander papuntang mall at napagpasyahan naming sa Jollibee nalang kami kumain. Habang nag oorder si Alexander ay inopen ko muna yung cellphone ko at agad naman bumungad saken ang mga text messages ni Jade. Ay sh*t!




My Boyfriend Is A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon