Chapter 21

526 12 1
                                    

Warning:
⚠️MAY TYPO
⚠️WRONG GRAMMAR (maybe? kayo na humusga!)
⚠️MAY BAD WORDS

PLEASE FOLLOW ME AND VOTE MY STORIES!❤️




Ivy's POV


Nagugulahan pa rin ako sa nangyayari. Bakit nandito si Aisha at Alexander at bakit kasama nila si Tito Lander? At tama ba yung narinig ko? Daddy nya si Chairman Monteriño? WAIT?! What?! Ibig bang sabihin nito ay magkapatid si Tito Lander? At sila Alexander, Sheena, Aisha and Alejandro ay magpinsan? Nagugulahan na ako! At ngayon ko lang napansin na parang magkamukha si Tito Xander at Tito Lander. Pero iba ang kulay ng mata nilang dalawa si Tito Lander ay blue kay Tito Xander naman ay brown.




"Kuya!". Tumayo naman si Tito Xander sa kina-uupuan nya at pumunta kay Tito Lander para yakapin. Confirm! Magkapatid nga silang dalawa!



"Lolo!". Sigaw ni Aisha kay Chairman Monteriño at lumapit pa dito at nag-kiss pa sa cheeks. Mukhang close na close sila na Chairman ah? Tumingin naman ako kay Alexander. Naka-tinggin lang sya kay Aisha. Galit at selos lang ang nakikita ko sa mukha nya.



I admit. Galit rin ako kay Aisha dahil sa ginawa nya noon pa. Pero iba yung galit na nararamdaman ni Alexander kesa sa akin. At ayaw kung umabot sa punto na lamunin na sya ng galit at selos nya at magbago sya. Hinawakan ko nalang ang kamay nya para pakalmahin sya. Tumingin naman sya saken at nag-smile.





Umupo na rin sila Tito Xander at Tito Lander sa mga upuan nila at nag-usap ng kung anek anek. Kaya na OP naman ako at si Alexander. Ok? Parang wala lang kami ah. Chur! Nagtataka siguro kayo kung paano kami nagka-kilala ni Tito Lander no? Simple lang. Naaalala nyo yung eskwelahan namin nung Elementary? Sila ang may-ari nun at magkaibigan rin sila ni Dad. Pero ngayon ko lang nalaman na magkapatid sila ni Tito Xander at Tatay pala sya ng dalawang unggoy na yun(Aisha at Alejandro). Pero bat ganun? Ang sama ng ugali nung dalawa unggoy pero yung Ama naman nila ay sobrang bait. Bakit kaya? Ampon ba sila? Sana nga... Churrr!




"Dad bakit ka nga pala umuwi? Hanggang kelan ka dito?". Tanong ni Tito Lander kay Chairman Monteriño.




"Kakadating ko lang Nak, papauwiin mo na agad ako?". Tanong ni Chairman Monteriño habang tumatawa. Akala ko ba lagi tong galit si Chairman basi sa kuwento ni Alexander? Parang iba yata ang nakikita ko ngayon? Ang nakikita ko ngayon ay palatawa ang Chairman.



"HAHAHHA oo nga Dad? Babalik ka na ba bukas sa USA bukas?". Tanong naman ni Tito Xander habang tumatawa.




"HHAHHA magtatagal ako dito, hmm i think mga 2 months". Sagot ni Chairman Monteriño. Ano ulit? Paki-ulit? 2 months?




"P-po? 2 months?". Tanong ni Alexander kay Chairman Monteriño.





"Oo, bakit ayaw mo ba Apo?". Tanong naman ni Chairman Monteriño.



"Ahhh, hindi po! Masaya nga po ako eh! Ahmm, kakausapin ko lang po si Ivy sandali! Excuse me!". Tumayo na si Alexander at hinawakan ang kamay ko. Tiningnan ko naman sya dahil sa ginawa nya. "Tara?". Tanong saken ni Alexander. Sumunod naman ako sa kanya. Tulala lang ako habang sumusunod sa kanya.




Alexander's POV




Ghad!? 2 months? Dalawang buwan sya dito sa Pilipinas!? Pumasok na kami ni Ivy sa kwarto ko. Dito ko napagpasyahan mag-usap kaming dalawa dahil tahimik tsaka sound proff yung kwarto ko. Walang makakarinig sa usapan namin. Speaking of Ivy, ano kaya ang nangyari sa babaeng to? Kanina pa walang kibo eh!




"Oy! Ivy! Ivy!". Niyugyug ko pa sya dahil kanina pa sya walang kibo. Tumingin naman sya sa akin-




*PAK*




"ARAYYYYY! F*CK! BAT MO KO SINAMPAL?! ARAYYY! F*CK!". Sinampal lang naman ako ni Ivy.




"F*CK YOU KA RIN! Bakit kita sinampal? Simple lang! Bat di mo sinabi sa akin na 2 months magtatagal dito ang Chairman? Akala ko ba 1 day and 1 night lang sya dito sa Pilipinas?! Bat ganun 2 months?". Tanong nito saken.




Ngayon ipapaliwanag ko kung bakit ganito ang galit ni Ivy sa akin. Diba ang sabi ko 1 day and 1 night lang ang itatagal dito ni Chairman? Dapat 1 night lang ang pagpapanggap na gagawin namin ni Ivy. Pero paano na yan ngayon? Parang tatagal pa ata ang fake relationship namin ng dalawang buwan ah. At sa di malamang dahilan ay ikinasaya ko ang nangyari. WTF? Masaya? Erase! Erase!





At kung nagugulahan kayo. Diba ang sabi ko kela Dad, Mom, Tita Iana at Tito Yannan ay nililigawan ko lang si Ivy? Pero bakit pinakilala ko sya kay Chairman Monteriño as Girlfriend? Kasi kanina nung nasa Mall kami ay tumawag si Dad.




-FLASHBACK-



Nandito kami ngayon sa isang boutique at naghahanap ng mga ka-ek ekan nya sa sarili. Tumulong na rin akong maghanap ng mga ka-ek ekan nya dahil isa rin ito sa mga hobby ko. Ang mag shopping. Ang kaibahan nga lang ay hindi sa mga pangbabaeng boutique. Kundi sa panglalaki. So Sad! Churrr!




Sa kalagitnaan ng paghahanap namin ng ka-ek ekan ni Ivy ay tumawag si Dad.




-On Phone-

[Hello? Dad]- Ako

[Hello? Anak? Kasama mo ba si Ivy]- Dad

[Opo! Dad]-Ako. Ni loud speak ko pa yung cellphone para marinig rin ni Ivy. Mabuti nalang at di masyadong malakas yung music sa boutique na to kaya naririnig pa namin yung boses ni Dad.

[Nasa Mall ba kayo?]- Dad.

[Opo Tito]- Ivy

[Ok ok, mukhang ma sho-short pa tayo sa time pag-pumunta pa kayo dito]- Dad

[Bakit Dad? May nangyari ba?]- Ako

[Wala naman. Diba ang sabi mo Alexander? Nililigawan mo palang si Ivy diba?]- Dad. Kinabahan naman ako sa tanong ni Dad. Agad naman akong napa-tinggin kay Ivy na ngayon ay naka-tinggin rin pala sa akin. Alam na kaya ni Dad fake lang tong relationship? Sh*t!

[O-oo D-dad, Bakit?]- Ako. Sh*t! Bat ako na-uutal?

[Wag mo syang ipakilala kay Chairman na nililigawan mo palang, ipakilala mo sya bilang Girlfriend mo]-Dad. Agad naman akong naka-hinga dahil sa sinabi ni Dad. Akala ko alam na nya eh!

[Bakit po Tito?]. Ivy

[Alam mo naman si Chairman nak, wala sa salita nya ang 'Ligaw' HAHHA]- Dad. Nak? Kelan pa nya naging anak si Ivy? Totoo yung sinabi ni Dad. Wala sa dictionary (Dictionary yung sa akin? Bat ba ha? Walang basagan ng trip!) ni Chairman yung 'Ligaw' kasi hindi na daw kailangan pang manligaw ng isang lalaking Monteriño dahil titig palang namin ay mapapasagot na namin yung babae. Oh? Ang hangin ng Lolo nyo diba? Ghad! Bagyo is real!

[HAHHA, grabe!]- Ivy. Na-ikwento ko na rin kasi to kay Ivy.

[Oh siya, ibababa ko na tong tawag]- Dad

[Bye Dad/Bye Tito]. Ako at si Ivy



*TOOT*TOOT*TOOT*






-乇几ⅅ_ㄖ千_千ㄥ卂丂卄乃卂匚Ҡ_卂几ⅅ_乇几ⅅ_ㄖ千_匚卄卂卩ㄒ乇尺 21-




My Official Social Media Accounts:
Facebook: Leo Cris Clatero
FB page: Leo Cris Clatero/ Leo Cris Updates
Twitter: @leo_clatero

-PLEASE FOLLOW MY ACCOUNT FOR MORE INFO.👆

-VOTE MY STORIES❤️

My Boyfriend Is A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon