Chapter 18

525 14 0
                                    

Warning:
⚠️MAY TYPO
⚠️WRONG GRAMMAR (maybe? kayo na humusga!)
⚠️MAY BAD WORDS

PLEASE FOLLOW ME AND VOTE MY STORIES!❤️








Alexander's POV



Ito na. Ito na ang gabing kinakatakutan ko. Dahil sa gabing to ay makikita ko na naman si Chairman. At sa gabing rin to ay ipapakilala ko na si Ivy bilang Girlfriend ko 'kuno'. Speaking of Ivy? Kamusta na kaya ang babaeng yun? Kanina ko pa sya tinatawagan pero di nya sinasagot. Tinext ko na rin pero di man lang nag-reply. Di kaya tinakbuhan na ako ng babaeng yun? Wag naman sana! Kasi naman ang rami nyang gastos kanina sa Mall. Pagkatapos naming mag pa salon at nagpaganda. Aba! Ang Gaga! Nagpa-bili ng bagong PS4 at mga bagong damit at puro branded pa. Ako naman tong mabait ay pinagbigyan ko na. Baka kasi mag back out pa. Bababa na sana ako pero napansin kung wala pala ang cellphone ko sa bulsa. Mabuti nalang at nasa study table lang pala naka-lagay.


Bago ako bumaba ay tiningnan ko muna yung sarili ko sa salamin. I'm wearing a blue suit na bumagay naman sa akin. Naka-ayos na rin yung buhok ko. Ang ganda- este ang gwapo gwapo ko talaga. Tsk. Tsk. Umayos ka Alexander baka mahalata ka na! Napa-iling nalang ako sa na-iisip ko. Bumaba nalang ako at nakita ko naman si Mom and Dad na nag-uusap.




"Mom, Dad I'm here!". Agad naman silang napa-tigil sa pag-uusap nila.




Nakita ko namang tumingin saken si ngumiti na abot hanggang tenga. Si Dad naman ay naka-ngiti pero hindi pareho nung ke Mom. Slight lang.




"Ang Gwapo mo talaga anak". Puri saken ni Mom nung malapit nako sa kanya.




"Lagi naman akong Gwapo Mom". Pagmamayabang ko ke Mom natawa nalang si Dad at Mom sa sinabi ko. Kailangan natin maging mahangin. Minsan lang naman kasi tayong mapuri kayo abusuhin nyo na. HAHAHHA. *smirk*





"Kung si Kuya gwapo! Dapat maganda rin ako! Akala mo ikaw lang ha!". Agad naman akong napa-linggon. Oh my Beautiful Baby Sister!




"Oh Hi! Baby! You are so Beautiful! Bagay na bagay sayo yung dress mo?". Puri ko sa kanya. Agad naman syang lumapit saken at niyakap ako. I miss my Baby Sister!




"Thank you Kuya!". At kiniss ako sa Cheeks.




"WC Baby!". At kinindatan ko lang sya.




Meet Sheena Monteriño. My Beautiful Baby Sister. 13 years old palang sya. Mas matanda ako sa kanya ng 5 years. Mana to saken tong baby ko. Matangos ang ilong, maputi ang balat, kissable lips rin at kita mo na nagdadalaga na rin ang katawan nya. Marami nang nagbago sa kanya. Pero di ko alam kung dinadatnan na to. Kasi nga! Hello! Boy Here! *irap*.





"Hey Mom! I'm Beautiful! Right?". Tanong naman ni Sheena ke Mom.




"Yes Anak!". Sagot naman ni Mommy.





"I know". At kumindat pa ito kay Mom. Natawa nalang kami sa ginawa nya.





"By the way! Anak! Nasaan na si Ivy? Paparating na si Chairman". Oo nga no? Nasaan na kaya ang babaeng yun?





"Hindi ko po alam Dad, kanina ko pa sya tinatawagan pero di naman sinasagot, tinext ko na rin pero ni isang reply, Wala!". Sagot ko ke Dad.





"Tawagan mo ulit". Utos naman ni Mom. Tumango nalang ako at medyo lumayo sa kanila. Kinuha ko nalang yung phone ko at dinial yung number ni Ivy.




My Boyfriend Is A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon