Chapter 13: Zombie
[Kylene's POV]
*Mulat mata*
*Blink*
"Ahhhh!"
"Uh..."
"B-bakit tayo magkayakap?!"
"Huh? O! Sorry." Tapos bigla siyang lumayo sa akin. Nagulat din siguro siya.
"Bakit mo ako niyakap! Bastos!" Tapos pinaghahampas ko siya sa braso niya.
"Anong ako ang nangyakap?! Ikaw kaya! Hindi mo na tanda? Kagabi kasi may nalaglag na kung anong bagay e nagulat ka, bigla mo akong niyakap.Tapos nakatulog ka na."
"H-hindi ko 'yon ginawa 'no! Basto ka talaga Kyle! Nakakailan ka na ha!" Tapos hinampas ko ulit yung braso niya.
[Ivy's POV]
Isang gabi naming hindi na-contact si Kylene. We're so worried na kasi baka kung anong nangyari do'n. (Ganyan talaga ako magsalita/Mag-isip)
"Girls!" Bigla kong sigaw ng makita ko si-- Si Kylene at si Kyle na... What?? Magkayakap sila! Dito sila natulog? OMG!
"What?!" Sigaw nila sakin. Yung mga laway nila nagsitalsikan, Grabe!
"Grabe naman. Guys! Naligo naman ako. Uso ang pagtakip ng bibig ano?"
"Hihihi! Sorry." Hannen said with a peace sign. Cute niya talaga.
"Shhh. Sina Kylene at Kyle." Sabi ko tapos tinuro ko 'yung dalawa dahil bukas naman ang mga maliliit ng bintana.
"OMG! Anong ginagawa nila?!"Sabi ni Chloe ng pabulong.
"Baka magkayakap ano, Chloe?" Sarcastic na sabi ni Hannen with matching poker face. Iba talaga kapag genius!
"Hindi. Look at them. They... They are sleeping! Dito sila natulog?" Tanong ulit ni Chloe
"Minsan talaga, obvious na, tinatanong mo pa. Tanga-tangahan lang?" Tapos binatukan ko na si Chloe
"Aray! Ang sakit naman magsalita. Matalino ka?"
"Oo!"
"Sus! Sige nga, anong top mo?"
"Hmmm, top 38?"
"HAHAHAHAHAHAHA! Top 38? Anong klase utak ang mayroon ka Ivy?"
"Yabang! Ano bang top mo?" Sabi ko habang nakataas ang kilay. Hayaan niyo na ganyan talaga kami magkulitan.
"Hmm, 3--"
"40!" Sigaw ni Hannen.Medyo malayo siya. Actually, nasa may pinto na siya. She is trying to open the door.
Napatawa naman ako dahil doon.
Pinandilatan naman ni Chloe si Hannen.
"Kita ko 'yon!"
"Alin?"
"You mouthed 'Bakit mo sinabi?' "
"Sabihin na nating mas matalino ako sa'yo Chloe." Then I smirked
"Psh. Oo na! Sinabi pa kasi ni Hannen e!"
"Tama na nga 'yan! Tulungan niyo na lang akong buksan 'to.Malapit nang dumating yung iba nating ka-group! Kina chloe na lang tayo magpapractice nung play. Bawal daw dito magpractice kapag weekends." Sabi ni Hannen.