Chapter 33: Sick

51 3 0
                                    

A/N: Sorry dahil sobrang tagal po nitong update. Pi-nush ko lang talaga dahil baka lalo akong hindi makapag-update sa daming activities sa school. So, enjoy and happy reading! :)

PS. Sorry for the wrong grammars and spellings. Pi-nush ko lang talaga e. Haha. :)

Chapter Thirty-three: Sick

[Kylene's POV]

Ang lakas ng ulan kaya hindi ako makalabas ng bahay. Tinawagan ko si Lorraine at ang sabi niya, wala daw pasok. Wala na naman? E parang nung minsan lang wala din dahil sa ulan.

A text appeared on my phone screen.

From: Matthew

Hey, can we talk? Coffee lang d'yan malapit sa inyo kung pwede ka. Kita na lang tayo mamaya. : )

Wala naman sigurong iuutos si Mama.

To: Matthew

Sure. Pero anong pag-uusapan? Sent!

Hindi na siya nagreply kaya nilagay ko na sa bulsa ng uniform ko, kasi hindi pa ako nagpapalit, at pumunta ako sa kwarto ni Mama para magpaalam. Busy siya sa pagku-computer. May kumuha kasi sa kanya para magtrabaho sa isang kompanya kaya nagpapaka-busy na si Mama.

My phone rang. Dali-dali kong kinuha 'yung phone ko sa bulsa ko. Napatingin si Mama sa akin. Kyle calling...

Ano namang kailangan nito sa'kin?! "Hello?"

"K - Kylene. . P - Please go here. Dito sa bahay. K - Kailangan ko ng tulong mo."

"Teka--! " binaba na niya 'yung tawag

"Ma, may pupuntahan lang po ako."

"Sige bas--" hindi ko na narinig 'yung sinabi ni Mama dahil dumiretso na ako sa kwarto ko para magpalit.

Bumalik ako sa kwarto ni Mama. "Ma, asan po 'yung payong niyo? Nasira na po kasi 'yung akin e."

"Ay naku, sira din. Pasensya na, hindi ko pa napapaayos." Paliwanag ni Mama habang nakatingin pa rin sa computer.

Lumapit ako kay Mama at nagmano na lang. "Sige po, Ma. Alis na po ako."

"Ingat ha. 'Wag magpagabi"

Lumabas na ako ng gate. God, ang lamig. Mabuti na lang at may dumaan kaagad na jeepney kaya dali-dali ako doong sumakay.

Teka! May usapan nga pala kami ni Matthew! Kinapa ko 'yung suot kong pambaba pero wala pala akong bulsa! Wala din sa shoulder bag na dala ko. Nasa uniform ko pa ata. Ugh, ano na?!

- -
After ten minutes na biyahe, bumaba na ako. Lumapit na ako sa gate ng bahay nila Kyle. Nag-door bell na ako ng nag-doorbell pero wala pa ring nagbubukas ng gate. Lalong lumakas ang ulan. Basang-basa na ako! Sana man lang, making nila 'yung door bell!

"Ma'am Kylene! Kayo po pala! Pasok po kayo." dali-dali niyang binuksan 'yung gate at naglakad ako papasok habang yakap-yakap ko ang sarili ko. Ang tanga-tanga kasi! Umalis ng walang payong.

Pagkalapit ko sa may pinto, kasunod ko din pala 'yung kasambahay. "Pasok na po kayo, kukuha lang po ako ng tuyong tuwalya." sumunod ako sa sinasabi niya dahil ang lakas ng ulan at hangin.

Nilibot ko ang tingin ko. Wala namang katao-tao. Ang tahimik din. May nakinig akong kalabog kaya napatingin ako sa may hagdan. Napatakbo ako ng makarinig ako ng mga nabasag. "Kyle!" Sigaw ko habang kinakatok nang malakas ang pinto.

In the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon