Dedicated to ThisisGwenCatapang. Hi Classmate! :) Sorry parang mention lang 'to. Happy reading! :)
Chapter Thirty: Saved
[Han's POV]
"Hoy Hans 'yung panyo k--Ahhhh! Tulong!" Napatingin ako bigla sa likod ko. Si Ivy?! Si Ivy ba 'yun? Sinundan ba talaga niya ako?
"She needs our help." Bulong ko. Naunang sumakay si Hayden sa kotse niya. Ako naman, sumakay ako do'n sa kanina kong sinakyan. D*mn! Sana maabutan ko sila.
Nauna si Hayden sa akin kaya nasa likuran lang ako. "Tulong!!" Nadinig kong sigaw ni Ivy. Bakit ba kasi napakahalaga nitong panyong 'to?
Palayo na ng palayo ang takbo ng kotse ko. Saan ba dadalhin nung mama si Ivy?! "'Wag ngayon! 'Wag ngayon!" Mawawalan na ng gasolina!! Biglang tumigilnang kotse. "Sh*t! Bakit ba ngayon pa?!"
Bumaba ako ng kotse at nagsimulang tumakbo. "Pahirap ka naman Ivy!" Pero ako naman ang may kasalanan! Kapag napahamak si Ivy, ako ang masisisi.
Tumakbo pa ako ng mas mabilis. Hindi ko na nasundan ang sasakyan ni Hayden. Walanghiya talaga ang kapatid ko! Hindi man lang naramdamang tumatakbo na lang ako!
Tumigil ako sandali. Nakakapagod. "Binatog! Binatog kayo d'yan!" May nakita akong nakabisikletang lalaki at may dalawang container sa gilid. "Binatog po, Sir?"
"M - Manong. . P - Pahiram po. . B - Bicycle." nahihingal kong sabi.
"Ano? Ano bang kailangan mo?"
Tinuro ko na lang 'yung bike na sinasakyan niya. "Bastos ka naman palang bata ka!" B-Bakla siya?!
Umiling ako. "'Y - 'Yung bike po. . P - Pahiram. "
Napaubo siya. "Sige na, basta balikan mo ako dito ha?" bumaba na siya do'n sa bike kaya dali-dali akong sumakay.
"S - Salamat po!" Tumipa na ako. D*mn! Hindi nga pala ako marunong!
Tumipa ulit ako at bigla na akong natumba. "Sh*t, sh*t!" paano ba 'to?! Natanggal na rin 'yung takip nung container. "Ang binatog!!" sigaw ko.
"Binatog po 'yan? Pabili nga po!" Ugh! Ilang mura na ba ang nagawa ko?! 'Wag na sanang madagdagan pa dahil dito sa batang ito.
"Hindi ako nagbebenta ng binatog! May pupuntahan pa ako!"
"Waaaaa! Binatog! Gusto ko po ng binatog! Waaa!" I really don't like kids! I hate them! Really!
Iniwan ko na lang 'yung bike at nagsimulang tumakbo ulit. Sa katatakbo ko, nakapunta ako sa may gubat. Nakita ko ring pababa pa lang si Hayden. Nakita ko rin ang isang taxi na nakapark. "Hayden! Nasaan na si Ivy?! Nakita mo na ba siya?"
"'Yun na nga e. Natakasan na tayo." Tinignan niya ang braso ko. "Napano naman 'yan? Tsaka ang dungis mo na." Lumapit siya sa akin. "Amoy binatog ka pa."
Siniko ko siya. "'Wag ka munang mangulit, Hayden."
"The heck! Hayden? I am your older brother then you're just calling me Hayden? What's the problem?"
"Ikaw ang problema ko! Lagi ka na lang kinukumpara sa akin and I hate it! Naiinis ako na mas mabait ka, mas matalino, at mas madiskarte ka sa akin. Naiinis ako sa'yo!" tinulak ko siya at napaupo siya sa putikan.
Tumayo siya at pinagpagan niya ang sarili niya."Alam mo, matagal na akong nagtitimpi sa'yo. Hinayan lang kitang sumbatan ako pero nakakapuno ka na rin. Sumusobra ka na! Kuya mo ako! Hindi kaibigan!" Akala ko uuna na siya sa paglalakad ng bigla niya akong suntukin sa mukha. D*mn him!