Chapter 35: Distance

28 1 0
                                    

Chapter Thirty-Five: Distance

[Kyle's POV]

Hindi ko na alam kung ano bang dapat kong gawin para lubayan ako ni Katy. Nakakainis, pinagtutulungan ako dito. Pati na rin mga teachers, nakikisali.

"Hi, Honeybunch. Here, I bought some drinks. Take this." Psh, speaking of.

Napatingin ako sa dala n'ya. Wait! Cookies and cream frappe. Paano nya nalaman ang kahinaan ko. T_T

"Oh, anong gagawin ko dyan?" Pagsusungit ko.

"Babe naman, siyempre iinumin.  Gusto mo ba ako pa ang maghawak para sayo, huh?" She said and winked. Aish, manhid ata to.

"Ang kulit, ayoko nga sayo." I said without thinking. Nanlaki ang mata nya. Wait. . Ang kulit, ayoko nga sayo. "Oh,
I'm sorry. I mean, ayoko nyan. O–Oo, ayoko nyan e, allergic ako sa ganan. Hehe"

"Ay gano'n ba? Sorry, wait. Bibili na lang ako ng iba sa cafeteria." She said, smiling.

Tumayo na siya pero hinila ko siya pabalik. "Katy, you don't have to do this." Seryoso kong sabi.

"What? Buying you drinks? Masama ba?" Nakakunot-noo niyang tanong.

Napakamot ako sa ulo. "No, I mean, everything. Uhm, doing things for me. You don't have to do it."

Dinig na dinig ko ang pagbuntong hininga niya. Bumalik siya sa tabi ko at umupo. Without looking at me, she said, "Because I love you. At the very first day, minahal na kita. Hindi ko alam ang dahilan pero 'yun ang nararamdaman ko, Kyle. And I hate myself for this."

Tinignan ko ang mukha niya. Umiiyak siya. "I'm sorry, Katy." 'Yun lang ang tangi kong naimik.

"Nooo, don't say that. Hindi pa rin ako susuko sa'yo." Pinunasan niya ang luha niya. "Hindi ako mapapagod, Kyle. I will do everything just to get you." Tumayo na siya at umalis.

Ano na naman ba'ng nagawa ko? Bakit kasi ako pa?

"Kyle! Kyle!" Napalinga ako nang marinig kong may tumawag sa'kin. Sa hindi kalayuan, may kumakaway kaya lumapit ako. Si Hans pala.

"Pare, gising na si Kylene." Nanlaki ang mata ko at napangiti.

"Oh bakit nakangisi ka na d'yan?" Natatawa niyang tanong habang parang may hinahanap sa likurang gawi ko.

"Wala naman. Teka, pupuntahan ko lang sya." Sambit ko.

"Huh? Eh ayaw nga atang magpakita sa'yo. Sabihin ko na lang daw na salamat." Sambit n'ya.

"Ewan ko sa'yo. Eh asan na si Kylene? Saan siya nagpunta? Sinong kasama? Tsaka—"

"Ayan, 'yan ang hirap sa'yo e. Hinahanap mo 'yung taong wala sa tabi mo. Tapos kung sino naman ang nandyan lagi para sa'yo, hindi mo mapansin." Umiiling-iling na sambit niya. Nang-aasar ba 'to?

Aba teka, "Wow naman pare ha. Coming from you? Samantalang—"

"Oo na! Fine, nasa canteen si Kylene. Puntahan mo na at walang kasama 'yun." Tinapik niya ako at naunang umalis. May hinahanap ata e.

Pumunta na muna ako sa canteen at mabilis siyang nahanap. Pero. . may kausap pa siya e. Di ko makilala, nakatalikod sa gawi ko.

Palihim na lang akong lumapit sa kanila. "Oo naman, sa'yo na 'yun. Hindi ko naman gusto si Kyle e. Ayoko ng gulo, Katy." W-What?

"Oh okay. Good to hear, Kylene. Thanks for the time." Si Katy. .

At. . hindi niya ako gusto.
Tumayo na lang ako dahil wala na akong balak na kausapin siya ngayong araw. Masakit pala 'yun noh. "Kyle! Kyle!" Nadinig kong tawag niya, pero hindi na ako lumingon pa.

[Kylene's POV]

Nagising na lang ako bigla nang marinig kong may nagwawala. May pagkabaliw din pala 'tong school nurse namin. Akala ko tahimik lang. Psh.

Dahan-dahan akong tumayo dahil nagugutom na ako. Wala man lang foods. T_T

Nagulat si Ms. Nurse nung nakita niya akong palabas na. "Ay, okay na po kayo? Kamusta po paa niyo?"

Napangiti ako. "Okay na po. Thank you po ha. Alis na po ako."

"Ay hindi mo ba iintayin 'yung pogi mong boyfriend?" Nakangiti niyang tanong. Biglang akong namula. Geez!

"Wala po akong boyfriend. Kung gusto nyo po, inyo na lang siya." Sambit ko at pinilit na tumawa. Nanlaki naman ang mata niya dahil sa sinabi ko. "Ay nagulat? Joke lang po. Hehe." Pangbabawi ko.

Hindi na siya umimik kaya lumabas na ako. Masakit pa rin pala ang paa ko. Kasi naman si Kyle e.

Nang makarating ako sa canteen, bumili agad ako ng makakain. Grabe, nagwawala na ang dragon ko sa tiyan!

Mabuti na lang at kakaunti ang tao ngayon na kumakain kaya nakahanap ako kaagad ng mauupuan. Hays, sarap nito!

Hindi pa ako nakakapagsimulang kumain, "Hey. Can I talk with you?" Napatingala ako, at tama! Kaya pala maarte magsalita, si Katy na naman.

Binigyan ko siya ng napakatamis na ngiti. "Oh, sure. What do you want?" I smiled again.

"Gusto kong layuan mo si Kyle." Seryoso niyang sabi.

Natawa ako. Ganito na ba siya kadesperada? "What? Seriously?" I can't believe her!

"I'm pretty serious here, darling. So please make a distance." She said without any emotion flashing on her face.

Ngumiti ako. "Oh sure. Para 'yun lang." I said while laughing. "Teka, pwedeng umalis ka na? Hindi ako makakain kapag may kaharap na sugpo e."

"How dare you?!" She mouthed angrily.

"Oops, gaganti ka o lalayuan ko si Kyle?" I said and smirked.

"You're so smart, huh? Hindi kita gagalawin basta layuan mo siya." Halos pabulong niyang sabi.

Tinitigan ko siya. Tinignan sa mata. A moment of silence. . Bakit namamalimos siya ng pagmamahal sa taong 'di naman siya ang gusto? Nakakaawa. .

"Oo na. Fine. I'll do it for you." Sambit ko. Para na rin pala 'to sakin. Atleast di ako mahihirapan na umiwas kay Kyle. Ngayon, may dahilan na ako,

"Wow! Thank you!" Tumayo na siya sa wakas at— bumalik siya. "One more thing. Para sure, hindi mo naman siya gusto hindi ba?" Tanong niya.

Gusto? Hindi ko nga ba siya gusto? "Oo naman, sa'yo na 'yun. Hindi ko naman gusto si Kyle e. Ayoko ng gulo, Katy." Sambit ko habang. . nakangiti.

"Oh okay. Good to hear, Kylene. Thanks for the time." And she waved goodbye and walked away.

Nakita ko si Kyle. Kanina pa siya dito?! "Kyle! Kyle!" I shouted. Pero hindi niya ako nilingon. Nadinig kaya niya?

And why am I thinking about him? I don't like him right? But why am I having this bad feeling?

To be continued...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon