Chapter Five: Tadhana?
[Kylene's POV]
Sabado ng umaga ngayon. Siyempre walang pasok kaya napag-usapan na lang naming magpipinsan na pumunta sa mall. Kasama ko sina Mariah at Matthew.
Gusto kasi nilang manood ng sine na Pitch Perfect 2 e showing na kaya namilit sila.
"Tara na Kylene! Ang bagal mo talaga! Huwag ka na ngang KJ!" sigaw ni Mariah. Arte talaga niyan pero sweet.
"Oo nga naman Kylene. Minsan lang naman tayo magkasama-sama." dagdag pa ni Matthew. Hay naku. Magkapatid talaga.
"Oo na! Oo na! Sige. Sandali lang ha?" asar kong sabi.
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto at nilapitan silang dalawa.
"Ano ba naman yan,Kylene! Bakit ka nakasaya?" sigaw ulit sakin ni Mariah.
"E ganito ang gusto ko e!" sigaw ko naman habang bumabalik ako ng kwarto para magpalit. Hindi naman kasi talaga ako nakapalda dapat. Magpapantalon ako. Gusto ko lang siya mainis. Ang cute kasi niya kapag nagagalit.
Lumabas na ako pagkatapos kong magpalit.
"O ano? Okay na?"
"Yan! Huwag ka na ulit magsasaya ha! Bagay sayo. Mas lalo kang sumesexy." sabi ni Matthew.
"Alam mo Matthew, kung hindi lang kita pinsan, iisipin kong may gusto ka sa akin." siyempre joke lang yo'n.
Nakita ko namang nagblush siya.
"Naku, Matthew! Umayos ka ha!" isipin mo naman yo'n. Pinsan ko yo'n!! Kadiring isipin.
"Hoy kayong dalawa! Ang babagal niyong maglakad! Nalampasan tuloy tayo nung Jeep!" galit na sabi ni Mariah. Stressed lagi e!
"Naku, Mariah. Tatanda ka kaagad niyan." pang-aasar ni Matthew habang nakaakbay sakin. Okay lang naman dahil pinsan ko siya. Magkapatid na rin ang turingan namin.
Eto namang si Mariah, umirap. Psh. -.-
" Opo Ma'am!" sigaw ko kay Mariah, habang inaalis ko yung kamay ni Matthew sa balikat ko.
Tapos hinabol ko na si Mariah. Baka magalit pa e. Tapos sumakay na kami sa Jeep.
***
"Tara pila na tayo. Baka mamaya magdagsaan na ang mga bibili ng Ticket." sabi samin ni Matthew. Pagkabili namin ng Ticket ay nanood na kami. Maganda! Astig parin talaga ang Bellas!
Pagkatapos noon, pumunta kami ng Food Court para kumain.
Habang nakapila kami, nakita ko si Kyle na nasa unahan ko at nakapila rin.
Ngumiti siya sakin. Pero ang ginawa ko, iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Nahihiya kasi ako e. Baka lokohin pati ako ng dalawa kong pinsan.
Buti na lang inabot na nung nasa Cashier yung order niya at umalis na siya. Phew! Buti na lang talaga.
Lumapit naman sakin si Matthew at siniko ako.
"Oy! Sino yo'n?" seryoso niyang sabi. Tapos ako naman tumitig lang sa kanya at nag 'What-do-you-mean' face.
"Hahahahahahaha! Joke lang. Huwag mo nang sagutin. Okay lang! HAHAHAHAHAHA! Nandiyan na yung order natin o." habang ngumunguso sa order naming pagkain na hawak nung nasa cashier.
"Oo na. Sige."
Tapos yo'n, kumain lang kami ng kumain doon sa Food Court. Pagkatapos noon, ay inakit ako ni Mariah na pumunta sa National Bookstore.
"Tara! Tingin tayo ng mga bagong Published na story sa wattpad" sabi ni Mariah habang kumakain ng Ice Cream.
"Oo. Pero ubusin mo na muna yan." tapos tumango na lang siya.Pumunta na kami sa loob at naningin ng mga libro.
Habang naniningin ako, nakita ko si Kyle. Nasa Dictionary Section. Ngumiti na naman siya pero umiwas ulit ako ng tingin. Dali dali kong nilapitan si Mariah.
"Hoy Mariah! Matthew! Uwi na tayo. Dali." sumunod naman sila.
Lumabas kami ng mall at sumakay ng jeep para makauwi.
Nakakainis lang. Nagpatugtog pa si Manong Driver ng TADHANA!
Argh! Naku naman Kylene! Tama na nga! Coincidence lang yo'n!!
----------------------------------------------
A/N: Sorry ngayon lang ulit nakapag-update. Busy kasi sa Pagrereview e.Yung Pitch Perfect 2 po ay Showing pa sa 2015 Guys!
By the way, Please Vote and Comment! Thank you! and Keep Supporting #InTheRain!