Chapter Seven: First Day
[Kylene's POV]
Kahapon, nagpakulay ako ng buhok, black. Tapos nagpagupit na rin ako para new look at isa pa, bawal naman sa school ang may kulay ang buhok.
Mabait akong bata kaya sumusunod ako.
By the way, 4th year highschool na ako.
----
Ano ba naman 'to? Umagang-umaga ng lunes, umuulan. Paparating nga pala si Ruby.
Ruby! Bakit ngayon pa?
(A/N: sa hindi po nakakagets, Si ruby po yung bagyo.)
Ano ba naman yan! Nakisingit pa si Author! -.-
Nagising ako dahil sa malakas na tunog ng alarm clock ko. "Wake up Kylene! Wake up!" sabi ng magaling kong Alarm clock.
Hinampas ko na lang ito para tumigil at bumangon na.
Naghilamos ako, nagtoothbrush at kumain ng almusal. Pagkatapos nito, nagtoothbrush ulit ako, naligo at nagbihis.
Maaga akong natapos sa mga kailangan kong gawin kaya naman, umakyat ulit ako sa kwarto ko para magbasa ng Wattpad story. Yung Escaping Fate. Sa sobra ganda, hindi ko na namalayan ang oras.
Pero pagkalabas ko, umuulan pa rin. Walang masyadong dumaraang sasakyan kaya naisipan kong maghintay ng mga limang minuto.
Hindi ko napansin, meron palang nakaupong lalaki sa gilid ng inuupuan ko.
Gosh! It's Kyle!
OMG! Anong gagawin ko?
Nahihiya ako sa kaniya!
Kaya bago pa niya ako mapansin, umalis na ako at tumakbo papuntang school habang ang bag ko ay nakataklob sa ulo ko para hindi ako mabasa ng ulan, at para hindi ako magkasakit.
Baka mag ka-ebola pa ako!
(A: Ebola? Nang dahil sa ulan? O.A ka Kylene!)
Ms. Author, wala ka ng pakialam sa POV ko!
Yo'n na nga, after Fifteen minutes ay nakarating na ako sa school. Haggard! Sobra. Kaya naisipan kong magpony na lang.
Pagkadating ko sa room, nagpapakilala na sila.
"Ma'am. Good Morning po!" Bati ko kay Ma'am. Ewan ko nga kung sinong teacher yo'n! Bago pa lang ako dito no!
"Good Morning din. A Ms?"
"Gomez po Ma'am."
"O-okay. Dito ka ba sa Section na ito? Section C 'to."
"Ha? Ano po? A... e.... Hindi po ako dito. Sa Section B po ako. Sorry po. Bago lang po kasi ako e."
"Okay lang Ms. Gomez." Tapos lumabas na ako.
Pagkalabas ko, dinig na dinig ko pa yung tawanan ng mga mag-aaral na kabilang sa Section na yo'n.
Masama bang magkamali? -.-
Buti na lang may nakasalubong akong babae. Mukhang mag-isa lang siya.
"H-hello. Pwedeng magtanong?" Sabi ko.
"Oh, Sure!" Hay. Buti na lang mabait!
"Saan po ba yung classroom ng
Section B?""Malapit na lang din. Section B ka rin pala? Sabay na tayo! Do'n din ako e!"
"Okay! Salamat ha."