Chapter 27: She's a Criminal

38 1 0
                                    

Chapter Twenty-seven: She's a Criminal

[Kylene's POV]

Hanggang ngayon, magkasama pa rin kami ni Matthew. Hindi niya ako iniwan hanggang sa matapos ang pag-iyak ko. Ngayon, alam ko na ang naramdaman ni Matthew. Ang sakit. Sobra. Nakakapagod palang umiyak. Hinayaan lang ako ni Matthew na sumandal sa balikat niya.

[Kyle's POV]

Bakit niya ginawa 'yun? Fvck! Muntikan ng mamatay si B ng dahil sa kanya!

Binuhat ko si B papasok ng bahay. "B, G - Gusto niya akong patayin. N - Natatakot ako, B." Sambit niya sa akin.

Niyakap ko siya. "'Wag ka ng matakot. Hindi na siya makakalapit sa'yo. Nandito lang ako lagi sa tabi mo."

"B, T - Thank you so much. Siguro kung wala ka, wala na ako." Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin.

"Hija, umakyat ka na muna sa taas para makapagpalit ka ng damit. Ikaw rin, Kyle." Lumayo si B sa akin at sinunod niya si Papa.

Nagpalit na rin ako ng damit. Bigla kong naalala si Kylene. Bakit niya 'yun nagawa? Bakit siya galit kay B? Ano bang ginawa nung tao sa kanya?!

Biglang lumakas 'yung hangin. Sinarado ko 'yung glass door sa may terrace at inayos ang kurtina. Bumaba na ako sa living room.

"B, kaya mo na ba? Okay ka lang?"

"N - Natatakot pa rin ako." Bigla siyang umiyak. Kaya napatakbo ako papalapit sa kanya.

"Shhh, tama na. 'Wag ka ng umiyak, B. Wala na siya 'di ba?"

"Pero gusto niya akong patayin kanina. Mukhang gusto ka niya, B. Gusto mo rin ba siya?" Tanong niya habang humihikbi.

"Hindi. Hindi ko siya gusto. At kahit kailan, hindi mangyayari 'yun. Lalo na kung ikaw na B ko ay kaya niyang patayin." Niyakap ko siya. Kailangang mawala ang takot na nararamdaman niya.

Bigla niya akong tinulak. "Ikaw ha, ang clingy mo na ngayon, B." Nakangiti niyang sabi.

Hinawakan naman niya ako sa collar ng damit ko at hinila papalapit sa kanya. Hindi ako makahinga. Ang lapit ng mukha niya sa akin. "Ang cute mo pa rin hanggang ngayon, B." tapos pinisil niya 'yung pisngi ko.

Tinapik ko 'yung kamay niya. "Uy, hindi naman porket niligtas kita kinukulit mo na ako. Tama na, kailangan mo ng umuwi."

She pouted her lips. "E - eh naman, B. Ngayon na nga lang ako nakapunta dito e. Dito na ako matutulog, please?"

"No, hahanapin ka ni Tita. Umuwi ka na. Ihahatid ka ng driver namin." Mangungulit lang 'yan sa akin kapag dito ko 'yan pinatulog. Walang tigil ang bibig kakakwento.

"Okay. Bye, B!" Kinuha na niya 'yung gamit niya. "Uy, teka! 'Yung good bye hug ko!" sigaw niya.

"Saka na lang! Uwi na!" Tumakbo na ako paakyat sa kwarto ko. Uh, kapagod.

Parehas silang mahalaga sa akin. Napakahalaga. Pero hindi ko na maintindihan kung sino ang mas matimbang.

Teka! Si Kylene! Wala ng masasakyan ngayon. At mukhang umuulan sa labas. Pero galit ako sa kanya e. Galit!!

Pero paano kung magkasakit siya ng dahil sa akin at mabastos siya sa daan? Kumuha ako ng payong at tumakbo palabas ng bahay. Maglalakad na lang ako. Sigurado namang hindi pa siya nakakalayo.

Ang lakas ng ulan. "Kylene!!" Tumakbo ako sa Aquino St. Pero walang bakas ni Kylene. Tumakbo naman ako sa Ramos St. "Kylene! Hindi na ako galit! Magpakita ka na sa akin. Ayokong magkasakit ka!!" Nagpalinga-linga lang ako. Baka kasi nakaupo siya at umiiyak. Pero wala pa rin.

Teka. 'Yung park na pinuntahan ko bago magpasukan. Nasa Estrada St. 'yun. Dali-dali akong pumunta doon. "Kylene!! Nasaan ka na ba? Gumagabi na!" Galit ako sa kanya pero nagagawa ko pa ring mag-alala.

Pumunta ako sa medyo gitna ng park. Nabitawan ko 'yung payong ko. May kayakap siyang lalaki. Ngayon, napatunayan kong masama talaga siyang tao. Nagagawa pa niyang makipagyakapan samantalang muntikan na siya makapatay?! Hindi ba dapat nag-sosorry siya ngayon. Damn! Nagseselos ako!

Kinuha ko 'yung payong ko. Tumalikod na rin ako para hindi ko sila makita. Bakit nga ba ako nagseselos e gusto ko lang siya. Hindi ko siya mahal. Pero, damn him! Ano bang mayroon sila? Bakit niya niyakap si Kylene?

Lalapitan ko na sana silang dalawa pero bigla kong naisip na, Bakit mo naman sila pipigilan? Anong dahilan?

Dito sa park na 'to nakilala ko si Kylene. Pero dito ko rin pala siya makikita na may kasama. Nakakatawa lang. Tama. Dapat ang mga katulad niyang babae, hindi ginugusto. Isa pa, muntikan na niyang mapatay si B.

In the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon