Chapter 20: Activity

64 5 6
                                    

Chapter Twenty: Activity

[Kylene's POV]

No! This can't be. Wala akong pakialam sa Kyle na 'yon.

Wala akong pakialam kung hindi niya ako maalala.

Wala akong pakialam kung kasama niya si Katy.

Wala talaga.

Ano bang pinaglalaban mo, Kylene?

"Kylene, kain ka na." sabi ni Chloe kaya nilingon ko siya.

"Ilang oras ka ng tulala. 'Wag kang mag-alala, mahal ka no'n." Sabi pa ni Enrique. Tinapik ako sa balikat ni Enrique. Kapag 'to nabigwasan ko! Badtrip ako ngayon.

"Ako? Mahal ni Kyle? Psh." Tumingin ulit kay Chloe at hindi ko na nilingon

"Si Kylene! Hahahaha!" Tinignan ko si Ivy at pinaningkitan ko siya ng mata.

"Bakit niyo ba ako pinagtatawanan? Kanina pa kayo ha."

"E kasi naman, si Kyle pala ang nasa isip mo. Akala pa naman namin inis ka sa kanya. Then it turns out miss mo na siya?" Sabi ni Hannen habang sinisiko si Enrique kasi nilalapit ni Enrique 'yung mukha niya kay Hannen.

"Fine. Iniisip ko siya dahil nag-aalala lang ako do'n sa tao. Wala ng higit pa do'n."

"Sus! Hindi pa kasi aminin. Bahala ka.." Nginitian ako ni Ivy at ngumiti ng nakakaloko.

"..mauunahan ka." Tapos lumayo siya sa akin ng nakangisi. Sumimangot lang ako kasi hindi ko maipagtanggol ang sarili ko.

Kapag sinabi kong wala akong pakialam, sasabihing defensive. Kapag hindi ako sumagot, silence means yes.

"Kaysa sumimangot ka maghapon diyan, babaita ka, kausapin mo na lang si Matthew. Hindi mo pinapansin 'yung tao kawawa naman." Oo nga pala, katabi ko si Matthew.

"Matthew, pwede mo namang puntahan 'yung iba mong kaibigan." Nginitian lang niya ako.

"Hindi na, mas gugustuhin kong makasama ka kaysa 'yung iba."

"Bumabanat si Matt!" Panloloko ni Chloe.

"Korni mo, Pare!" Sigaw ni Enrique sabay batok kay Matthew.

"Ang saya niyo." Sarkastiko kong sabi sabay tayo. Nakakainis na kasi.

"Kylene, sandali lang." Tumigil ako sa paglalakad at nilingon ko siya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi ba't sinabi ko na sa'yong puntahan mo na 'yung iba mong kaibigan? 'Wag mo na kasi akong sundan."

"E mas gusto ko ngang makasama ka kaysa 'yung i--"

"Stop! Nakakairita ka na. Pwede ba?" Ugh. Ayoko kasing makita siya ngayong araw, pero sulpot ng sulpot, parang kabute.

"Kylene naman. Gusto nga kita. Kaya ito."

"Matthew, naaawa na din naman ako sa'yo. Mapapagod ka lang kakapilit ng sarili mo sa akin. Talagang parang pinsan lang ang tingin ko sa'yo." Naglakad ako pero alam kong sinusundan pa rin niya ako.

Hinawakan niya ako sa balikat at lumingon ako sa kanya."Pero Kylene, kahit anong pilit ko ding paglayo sa'yo, hinahanap-hanap ko pa rin 'yung ngiti mo." Napatitig ako sa mga mata niya.

"Ano? Kylene. Hey." Kinaway-kaway niya ang kamay niya kaya nahimasmasan ako.

"Nakatakot pala 'yang mga mata mo." Pagbibiro ko. Kapag kasi tinitigan ko ang mga mapupungay niyang mga mata, hindi ko na maalis ang tingin ko sa kanya.

In the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon